Chapter 35

9 0 0
                                    

CHAPTER 35

SANYA's POV

Mas maaga ako nagising sa araw na ito kumpara sa nakagawian ko gising na lagi tanghali, lalo na kung wala naman ako gagawin. Masyado magaan ang bagong araw na ito para saakin, lalo pa sa pagmulat ng aking mga mata ang maganda nya mukha ang bumungad saakin.

Nakangiting hinaplos ko ng dahan dahan ang mukha nya..

"Kahit kelan, hindi ko pagsasawaan ang mukhang ito.. "Mahinang usal ko saka napangiti.

Ilang minuto ko pinagsawa ang mga mata ko sa pagtitig sakanya pagkatapos nagdesisyon na ako bumangon. Dahan dahan ko sya inalis sa pagkaakap saakin pagkatapos hinalikan ko sya at saka dahan dahan na rin na bumangon.

Dumiretso muna ako ng banyo para maghilamos at ayusin ang sarili ko. Sinulyupan ko pa sya na nahihimbing pa rin sa pagtulog bago ko tuluyan tinungo ang pinto at lumabas.

"Magandang umaga, senyorita. " Masayang bati saakin ng Elevator girl ng pumasok ako.

"Magandang umaga naman. " ganting bati ko rin rito.

"Anong floor po tayo. ?"

"Ground floor please... Thank you. "

Nginitian ko lang sya at inalis ko na ang aking tingin sakanya. Maya't maya lang ay naramdaman ko na ang pagbaba ng elevator. Ilang saglit lang din ay nasa ground floor na ako. Panay naman ang bati saakin ng mga staff na nakakasalubong ko, wala naman ako ibang ginawa kundi ngitian sila at batiin pabalik.

Lumabas ako ng hotel at tumungo ng dalampasigan upang magpainit. Napakaaliwalas ng panahon ngayon, kaya naman hindi ko maiwasan mapangiti habang tinatanaw ang magandang kapaligiran.

Itong lugar na ito ang pinakapaborito ko pahingahan. Ngunit matagal tagal na panahon na rin ng huli ako bumisita rito. Pagmamay ari ito ng lolo ko at sa ngayon nailipat na sa pangalan ko, dalawang taon na ang nakakaraan.

Ang pamilya ko ay kilala sa buong bicol, iginagalang dito sa bayan namin ang lolo ko na kung tawagin ay Senyor Pablo. Yung tungkol sa estado ng buhay ko ay walang alam si Riri. Hindi naman sa nagsisinungaling ako sakanya o naglilihim, may bagay lang na hindi ko masabi sakanya at sa mga kaibigan ko dahil may mga dahilan ako.

Besides, hindi naman sya nagtatanong ng tungkol saakin. Hindi naman kasi ako ang klase ng tao na makwento, lalo na pagtungkol sa pamilya ko. Dahil bukod sa galing ako sa mayamang angkan ay wala na ako dapat ipagmayabang pa at ayoko rin naman ipagmayabang iyon.

Lumaki ako walang kaibigan dahil mahigpit ang lolo ko. Lolo ko kasi ang nagpalaki saakin. Madalas ko lang makasama noon ay si Macoy na pinsan ko at ang batang inalagaan ni Lolo na si Lucas. Walang gusto makipagkaibigan saakin dahil naiintimidate sila. Parati ako may body guards na kasama. Kung may malaman man si Lolo na nakikipaglapit saakin ay agad nya pinababackground check at kapag hindi nya nagustuhan ang taong napapalapit saakin, ay pinapalayo nya ito saakin.

Nagsawa ako sa ganoon set up ng buhay ko, kaya naman pagtuntong ko ng high school. Sumama ako sa mga magulang ko na umuwi ng Laguna, kung saan doon sila nakatira na tinutulan naman noon ng lolo ko. Pero sa huli ang gusto ko pa rin ang nasunod. Dahil gusto ko rin naman noon mapalapit ako sa mga magulang ko. Ngunit nabigo ako, ang akala ko magkakaroon sila ng oras saakin ay hindi nangyari. Mas madalas ako mag isa sa bahay at tanging si Manang Celia ang nakakasama ko, ang kasambahay namin.

Nagbago lang ang naging takbo ng buhay ko ng makilala ko si Riri. Unang kita ko palang sakanya noon ay talaga naman nagandahan na ako sakanya. Yung feeling na, nalove at first talaga ako sakanya. Noon pa man kasi alam ko na babae talaga ang trip ko. Kaya naman gumawa talaga ako ng paraan na mapalapit ako sakanya. Hindi naman ako binigo ng tadhana dahil naging magkaklase at nagkasama pa sa dance troupe. Hilig nya rin kasi sumaway, doon na rin nagsimula umusbong ang pagkakaibigan namin.

THE STORY OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon