Chapter 43

7.6K 294 16
                                    

Gabino's POV

Nagising siya sa marahang haplos sa noo niya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya si Sabrina na nakatunghay sa kanya.

"Sab..."

Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon nila ni Sabrina.

"Puwede na ba tayong mag-usap?" malambing ang boses ni Sabrina. Nakangiti din ang mga mata nito.

Tumango siya at bumangon. Bumuntong hininga naman si Sabrina at nagsimulang magsalita.

"Sorry... Dahil iniwan kita no'n ng hindi man lang pinapaalam sa'yo na magkaka-anak na tayo. Magulo ang buhay ko no'n. Umalis si Mommy at Kuya, nagdala ng babae si Daddy sa bahay. Pakiramdam ko hindi na ako parte ng kahit kaninong pamilya. I don't see any future for me that time. I feel lost. Then I found out that the girl my father brings home is my real mother."

Napatingin siya kay Sab. Malungkot ang mga mata nito. Ngayon niya lang nalaman na ang bagong asawa ng Daddy nito ang tunay nitong ina.

"Hindi ako nagdadahilan kaya ko ito sinasabi sayo. Gusto kong sabihin sa'yo to dahil gusto kong malaman mo na malaki ang tiwala ko sa'yo noon pa man. May tiwala ako sa'yo hindi gaya ng iniisip mo. Alam ko na kaya mo. Kakayanin mo. Kaso yun ang problema. Ayokong kalimutan mo ang sarili mo dahil lang sa amin. Marami kang pangarap at naiinggit ako sa'yo." Tumawa ito pero nangingilid ang mga luha. "Wala ako no'n e, sabay lang ako agos. Ang tanging pangarap ko lang no'n makasama ka oras-oras. Kaya kung ikukumpara yo'n sa mga binuo mong pangarap napakababaw. Alam kong malayo ang mararating mo at ayokong makasagabal."

Hinawakan nito ang palad niya at dinala nito sa pisngi nito.

"Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang meron ako na kaya kong ipagmalaki kaya gusto kong makuha mo lahat ng bagay na pinapangarap mo. Wala akong balak magtago habang buhay. Nang magkita tayo sa club balak ko nang sabihin sa'yo ang totoo pero paggising ko wala ka na. Na tanging pera na lang ang nagisnan ko. Yung pera na yo'n ang nagpamukha sa kin na dapat bago ako humarap sa'yo, okay na ako, hindi na ako waitress sa isang club. Gusto kong pagbalik ko maipagmamalaki mo rin ako gaya ng pagmamalaki ko sa'yo. Hindi kita pipiliting tanggapin lahat ng paliwanag ko pero... pero gusto kong magsimula tayo. Mahal kita, mahal na mahal kita."

Mahigpit na niyakap niya Sabrina. Parang nalulunod sa tuwa ang puso niya sa mga sinasabi nito. Oo nagalit siya ng umalis ito pero mas nagalit siya sa sarili niya. Nakaramdam siya ng hiya dahil kung tutuusin mas malaki ang ang achievement nito. Nakatayo ito sa sarili nitong mga paa at pinalaki ang mga anak nila. She was only sixteen back then. At hindi lahat ng sixteen years old kayang buhayin ang tatlong mga bata kung isa ka pa rin namang bata.

He also envy her, ang tanging problema lang naman niya noon kung bakit siya nagrebelde ay dahil iniwan siya nito. Pero si Sabrina patong-patong ang problema pero nagawa pang magpalaki ng mga anak nila.

"I am so proud of you, Sab..." aniya dito at mas lalo itong niyakap. "Mahal na mahal na mahal na mahal kita kung alam mo lang. Hinintay kita. Pinanghawakan ko yung sinabi mo sa akin na babalikan mo ako."

Marahan itong humiwalay sa kanya. Tiningala siya nito at bahagya itong sumimangot.

"E, bakit mo ako iniiwasan? Parang yung mga bata lang ang habol mo!"

Natawa siya hinalikan ito sa tungki ng ilong nito.

"I just want to have time with my kids, babe, napakaraming taon ang hindi ko sila nakasama," malungkot na aniya.

Agad naman siyang niyakap ni Sab "I'm sorry..." anito na puno ng pagsisisi.

"Okay na yo'n, marami pa namang taon para makabawi saka hindi na natin maibabalik ang mga lumipas na taon." Hinaplos niya ang tiyan ni Sab, medyo may umbok naroon. "Basta dito sa bagong baby natin, at sa iba pang darating babawi ako."

"Ah, Gab, gusto ko lang ipaalala nakaka-apat na tayo ha..."

Tinaasan ko siya ng kilay, "So?"

Nangunot naman ang noo nito at sumimangot. "So, so, ka diyan, ang hirap kayang manganak!" maktol nito.

"Kahit mga dalawa pa, please?" aniya at hinalik-halikan ang leeg nito.

"Nakikiliti ako... Gab! Okay! Fine! Pero gusto kong after five na natin sundan," ani ni Sab na ikinangiti niya ng malapad. "Bakit ba pagbubuntis na naman ang topic natin, e hindi pa nga ako nakakapanganak!"

Natawa naman siya. "Excited lang ko..." masuyong aniya kay Sab saka hinalikan uli ito sa mga labi. Naging malalim na iyon hanggang sa gumapang na kung saan-saan ang mga kamay niya sa katawan nito.

"Nanay!" malakas na tili ni Leticia na humahangos na pumasok sa pinto at dinamba sila. Pareho silang nagkatawanan ni Sab. Sunod na pumasok si Gavin at Gabriel na sumampa din sa kama at nakihiga sa gitna nila.

Nagkatinginan sila ni Sab. Parehong may ngiti ang mga mata.

"I love you..." aniya kay Sab.

"Ilove you, Tatay!" sagot naman ni Leticia saka bumangon at hinalikan siya."Mas love kita dun sa Pogi, Tay, wag ka nang ma-sad!" ani ng anaknila na ikinatawa naman nilang lahat.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon