"Say, hapon na, hindi ka pa ba uuwi? Ayaw mong sumama sa 'min? May gagawin ka pa ba dito? Uy!"
Mabilis akong tumango sa mga tanong ni Bree. Kaunti na lamang kami dito sa loob ng room kaya pumasok na ang tatlo at pumunta sa arm chair na nasa harapan ko. Inikot pa nila ito paharap sa 'kin bago umupo at taasan ako ng kilay.
Kumunot ang noo ko sa inakto nilang tatlo. "Ano?" Tanong ko. Tumikhim si Rell kaya ipinukol ko ang tingin sa kanya, "'yong totoo, may gagawin ka pa ba talaga dito?" Pinanliitan niya pa ako ng mata at napairap na lamang ako sa tanong niya.
"Meron nga. Nakikita mo 'tong ginagawa ko? Research ko 'to at malapit na ang deadline kaya mamadaliin ko na lang," may katotohanan kong pagdadahilan.
"'Yong totoo talaga, hindi ka nagsisinungaling sa amin niyan?" Anas ni Kin, ngumiwi lang ako sa kanya at bumuntong-hininga. "Bakit ayaw niyong maniwala diyan?! Bulag ba kayo o ano?"
Pinasadahan ni Rell ang buhok niya. "Hindi naman sa gano'n, Say. Gusto lang naming sumama ka sa pag-uwi, baka mapano ka pa kapag ikaw lang ang uuwing mag-isa. Tapos kapag nawala ka, kami ang hahanapan at tatanungin ng mommy at daddy mo, ano na lang ang isasagot namin sa kanila? Ayaw namin ng gano'n at saka ayaw mo no'n? May tagahatid sa 'yo kaya hindi ka magwawaldas ng pera mo," mataas niyang pagpapaliwanag sa akin at tumango lang ako.
"O, baka, magkikita sila ni Owen ngayon? 'Di ba?! Crush niya 'yon at baka nagkadevelopan na sila," asik ni Bree sa dalawa. Hindi man lang nahiya, pinag-chichismisan pa ako na para bang wala ako sa harapan nila.
Si Bree ang pinakamatangkad sa amin kahit na siya ang bunso. Sporty rin, maraming sinasalihan 'yan dito sa university pero palaging nag-q-quit kapag malapit na ang laro.
Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kukote niya at bigla nalang nawawala, kami pa ang pinapagalitan ng coach niya. Ngayon, basketball naman ang pinagkaka-abalahan niya at feeling ko, magtitino na 'to.
"Puwede 'yan! Si Owen talaga ang hinihintay niya, sinasabi niya lang na gumagawa siya ng research para mapaalis niya tayo dito. Ang galing ng galawan ng Avergonzado na 'to!" Nagpailing-iling si Rell at pinanliitan ako ng mata, tinuro niya pa ang daliri niya sa 'kin.
Umirap lang ako at nagpatuloy sa pagtitipa ng mga salita sa laptop ko. Totoong gumagawa ako ng research ko ngayon dahil malapit na ang deadline. Ilang linggo nalang ay March na, malapit nang magtapos ang school year kaya minamadali ko na 'to. Isa rin sa dahilan ay magkikita kami ngayon ni Vin at gusto ko pa siyang makilala ng husto.
"Sige, tapos na 'yang Owen na 'yan, ako naman ngayon. May ichichika ako sa inyo, tungkol kay Sanveil," ngumisi si Kin sa amin. Nanlaki naman ang mata ng dalawa ko pang kaibigan at mas lumapit pa sila para makinig sa kuwento. "Apat na araw nalang Valentine's day na 'di ba? Ang sabi niya, magkikita daw kami sa araw na 'yon, feeling ko may surprise siya sa 'kin!"
Tumili ang dalawa at ako naman ay tumatango-tango lang. "'Di ba 21 na siya, apat na taon ang agwat niyo, hindi ka ba naaasiwa dahil ilang taon ang tanda niya sa 'yo?" Tanong ko at pinaglaruan ang ballpen sa isang kamay.
"Minsan na rin 'yang sumagi sa isip ko. Sinabihan pa nga ako ng ate ko na matanda na siya para sa 'kin pero wala. Gusto ko si Sanveil kahit na maraming nagsasabi ng ganyan," tipid siyang ngumiti.
"One more thing, when love strikes, you couldn't do anything about it. Mararamdaman mong iba iyon sa lahat ng naramdaman mo na noon sa ibang lalaki. Ikaw Say, when you love a person, don't let that person go pero 'wag ka ring maghabol. May karapatan siyang umayaw at ikaw din, 'yon lang! Ayaw kong mag-advice ng marami, hindi mo din naman 'yon susundin," dagdag niya at napanganga na lamang ako.
Kinuha ko ang papel ko at iwinagayway ito sa mukha ni Kin na para bang isang kandila na pinapanalanginan sa labas ng simbahan. "Panginoon, ilabas niyo po ang Kin na moody at walang pakialam sa lahat. Sinasapian po ang kaibigan ko ngayon, kung ano-anu na ang lumalabas sa kanyang bibig. Ama namin, sana madinig niyo ang aking panalangin," tumawa ang dalawa sa ginawa ko at bumusangot naman ang mukha ni Kin.
BINABASA MO ANG
Amore #2: Withered Epitome of Beauty
Lãng mạnWarning: This story is written in Tagalog-English Amore Series #2 Say is a law student who dated any random people out there and have been kissing with anyone she didn't even know. But what irritates her the most is seeing the face of the blue-eyed...