Sam POV
Bukas na darating si ben, dito sa pinas at magbabakasyon sya ng dalawang buwan dito sa pinas bago kami lahat bumalik sa state.
"Mommy, are you happy na pupunta na dito si tito?" Pag 5year old na talaga ang anak ko napakadaldal na nito at puro Tanong na lang
"Syempre naman baby, masayang masaya si mommy" sabi ko dito at ngumiti naman sya dadalhin ko kasi sya sa bahay ng mga alfonso ngayon dahil eto ang araw na pagdesisyonan namin na pupunta si phonix duon.
"Okay ka naman ba sa bahay nila?" Tanong ko dito
"Opo mommy, ang bait bait pala nilang lahat! Si lolo makulit, tapos si lola naman kinukwentuhan ako pag matutulog na, si tita naman ang babake ng cookies para sakin tapos si daddy naman lagi kong kalaro!" Masayang masaya habang nagkukuwento ito nang nangyari sa loob ng bahay ng mga alfonso
"Ginagawa ko din naman lahat yun ah?" Sabi ko na parang iiyak na pero kunwari lang naman
"Si mommy talaga ang bilis magselos" sabi nito sabay yakap sakin "wag ka mag alala mommy, love na love naman kita eh" sabi nya sabay halik sa ulo ko
"Sinong nagturo sayo nyan?" Tanong ko rito kasi hindi naman sya ganito dati
"Yan po kasi ang laging sinasabi sakin ko daddy, mommy" sabi nya habang kumakamot sa ulo nya
Wala na lang akong sinabi kasi natutuwa naman ako na masaya ang anak ko sa mag nangyayari ngayon
"Baby, alam mo naman na di tayo magtatagal dito diba?" Sabi ko sa kanya nakita ko syang biglang lumongkot pero tumango
"Do you really love your daddy?" Tanong ko ulit at tumango ito ng napakaraming beses.
Malungkot ang mukha ni phonix, nang umalis kami ng condo at alam kong dahil yun sa sinabi ko sa kanya
Nakarating kami sa bahay ng mga alfonso at bigla naman itong sumaya bigla. Tumakbo ito palabas ng sasakyan ko at sinalubong naman sya ni stefan, sa labas ng bahay nila at nang makarating si phonix, Kay stefan ay bigla na lang nya itong niyakap. Narinig ko pa na tinanong ni stefan, si phonix kung May masakit ba dito kaya Ito umiyak pero umiling naman si phonix at niyakap na lang ng mahihpit yung daddy nya.
Nang umalis ako sa bahay ng mga alfonso ay aaminin kong nalungkot din ako dahil sa reaksyon ng anak ko. Malungkot na malungkot ito ay ayaw nyang umalis na pinas pero kailangan din namin umalis dito. Nasampal ko na lang ang ulo ko dahil sa nangyari.
Pumunta ako sa mall ngayon at namamasyal paikot-ikot lang ako na parang tanga. Tingin-tingin sa mga shop pero wala namang bibilhin para nga akong tanga eh.
Napagdesisyonan na kong pumunta na lang so company ni daddy dati, halos 30min din Ang byahe papunta duon.
Nang makarating ako sa kompanya namin ay binati ako ng mga empleyado, walang pinagbago ang loob ganon na ganon pa rin ito.
Umakyat ako sa 24th floor dahil anduon si mommy ngayon.
Nangmakapasok ako ay naabutan ko syang May mga kausap. Mga batang lalaki at may mga itsura din ito gwapo kung baga. Nangmakita ako ni mommy ay para bang nagulat ito at nataranta
What's going on here? Yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko dahil sa naging rwakson ni mommy
"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong nito na para bang kinakabahan umiling naman ako bilang sagot at ganon na lang ang pagka wala ng takot nya. pina alis na rin nya yung mga kausap nya kanina pero bago ito umalis ay binigyan nila ako ng masamang tingin.
"Sino ang mga yun ma?" Tanong ko Kay mama ng maka upo kami
"Wala anak, Hayaan mo na yun" sabi nito