CHAPTER 8

18 5 2
                                    

"sa'n ka galing ? Gabi na ah" tanong ni papa, "pumunta lang po sa park, malapit sa village, foodtrip lang po kami hehe" "sino kasama mo ?" "sila Den po." pagsisinungaling ko, hindi ko naman pwedeng sabihin na manliligaw ko no ? Edi nayari ako.

Umakyat na ako ng kwarto para magpalit ng damit, at para makapaghain na din sa dining. "uwi na din ako bukas ma." paalam ni ate "ah ganon, agahan mo ang gising mo, ma-traffic pagtanghali ka aalis" -mama "hatid na kita sa sakayan" suggest naman ni papa. "kailan ka ulit babalik dito ?" tanong ko naman. "pag-ikakasal na ko" "edi wow wala ka ngang boypren" "ba't ikaw ?" "wala din" "okaaay, sabi mo e he he he" abnormal.

Kagaya ng nakagawian, ako nanaman ang naghugas ng pinggan.

Umakyat na din ako ng kwarto pagtapos ko doon. Tiningnan ko ang schedule namin sa school, malapit na pala yung quarter examination namin, next week na, Monday to Wednesday. Nanood nalang muna ako ng movie sa laptop ko, saka nako magrereview pag one day before exam nalang, para fresh pa mga nireview ko. Wahahahaha.

Tuesday na, nasa tricycle ulit kami ngayon nila Den, papunta na sa school. "ano may LQ padin ba ?" "w-wala na..." Nakababa na kami ng tricy, tatawid nalang. "uy nauutal" gatong ni Den. "panong way mo ba gutso kong sabihin ?" pambabara ko. "so LQ nga yon ?" tanong ulit ni Szen. "oo, sabi niyo"

"lovers nga kayo ?!?!?!" sabay na tanong nila, may impit pang tili. Sasabihin ko na ba sakanila ? Huminto ako ng paglalakad kaya huminto din sila. "ba't ka tumigil ?" tanong ni Szen "may sasabihin ako, pero satin satin lang muna sana." "ano yon ? Pa-intense pa" inis na reklamo ni Den.

"nanliligaw sakin si Jameson" "WAAHHHHHHHH, SHET SHET, KELAN PA ?" excited na tanong ni Szen. "kahapon lang, kayo una kong sinabihan, wag niyo ipahalata na alam niyo na ah ?" "e pa'no na si Brace, mukhang gusto ka din non" tanong ni Den, nag sad face pa, mukhang aso. Hinila ko ng mahina ang buhok niya. "kaibigan ko nga lang yon, ang lurit mong lukaret ka"

Tumawid na kami ng kalsada, and as I expected, hinihintay na ako ni Jameson sa may benches. Hinarap niya sakin yung phone niya, "naiwan mo ulit ?" he calmly asked. "u-uh hindi, wait." kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng blouse ko saka ko hinarap sakanya "e-eto oh" "una na kami, another LQ na naman, tsk tsk" singit ni Den. "sorry, hindi ko napansin" "baliw, okay lang" andami niyang chats !!!

Nasa classroom na kami ngayon, nagtransfer muna si Jameson sa tabi ko. "nasa'n hair brush mo ?" "baket ?" "suklayan kita" hinawakan ko yung buhok ko, "hindi naman magulo ah ?" "tirintasan nalang kita, dali na baklaaaaa" si Jameson 'to ? Seryoso ?

Tiningnan ko siya, saka ko dahan-dahang kinuha yung hair brush ko sa bulsa ng bag ko. "oh" sinuklay suklay niya muna yung buhok ko saka niya ko pinaupo sa sahig. "ayusin mo yan a" I said. "oo naman sis." pumalakpak pa, parang sea lion lang.

"Aray ko naman, bet mo ko kalbuhen ? Nananabunot ka na niyan e" "sorry, masakit pa ba ?" "tara, gawin ko sa'yo" "joke lang, 'to naman"

Pinagpatuloy niya yung ginagawa niya sa buhok ko. "panali mo ?" inabot ko sakanya yung rio na nakanda na sa kamay ko, inabutan niya ko ng salamin "ganda diba ? Wag mong tatanggalin yang masterpiece ko !!" wow ah, in fairness malinis siya magbraid. "astigggg" "salitaan mo naman, tomboy ka ba ?" "kung tomboy ako, ba't mo 'ko niligawan ?" "kase mahal kita" he said, then he shrugged. "oooohhhhh, sanaol mahal !!!" sigaw ni Den, 'di ko alam kung kinulang ba 'to sa buwan e.

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon