chapter three.

21 2 1
                                    

Consistent ang aking mga hakbang patungo sa babaeng nakatalikod sa'kin. I've been coming up with ideas kung paano ko siya i-approach these past few days ngunit palagi lang talagang may kahit isang tao siyang kasama.

Buti nalang talaga at nataon ko siya dito sa empty parking lot. 'Yup, it's empty today. Pagabi narin kasi, makikita ang kulay ng kahel sa langit na ginuhitan ng mga kulay rosas na linya. Nakasilip ang araw sa likod ng unang building ng school, kaya't kahit papano'y nakatutok parin ang malumanay na sikat nito sa puwesto namin.

"Um, excuse me?" Valentine faced me, a surprised expression on her face bago niya ito pinalitan ng indifference. "Oh, if it isn't miss nobody. Anong kailangan mo" Bago pa man ako magsalita ay sinagot na niya agad ako. "Are you here regretting not telling me your name? Are you gonna kneel for forgiveness because you thought you offended me?"

"Ah," I started. "Nandito lang ako para i-remind sa'yo na nakalimutan mo magbayad last time na pumunta ka sa bakery."

There was utter bewilderment sa mukha niya. You know, sa tanan ng highschool life ko, watching this girl like every other student, she has never shown even a hint of confusion on her face kahit anong rason man. Weird, pero ngayon ko lang nalaman na kaya niya pala gawin 'tong expression na 'to.

She facepalmed. "You're unbelievable." Kumuha siya ng bill niya sa bulsa niya at sabay hagis sa'kin.

"You... Ugh. Take it, for pete's sake." Nang maglakad siya papalayo, dun lang ako nakapagsalita ulit. "Sorry dun sa nasabi ko sa bakery. I'm Aurora."

She stopped in her tracks, staring at me. "Aurora?" It kind of sounded like she was just trying it. "I think I like miss nobody better." Binigyan niya ako ng amused na ngiti sabay tuloy tuloy na naglakad sa exit ng parking lot.

On the very next day, after classes, I saw her again amidst the flowers. Syempre, nung nakita ko siya, eh, agad naman akong nasorpresa kaya I ended up nearly crashing in a bush. The memory of her melodious laughter stayed with me for the rest of the trip home.

"Well, well. Looks like dalawa lang tayo ngayon." Naka-ngiting sambit ni Farah. Tumango ako at umupo na agad sa table namin. Sila Sera at Daelynn, may dance practice pa kaya 'di sila nakasabay ngayon. 'Yung magiging second option naman ni Farah ayain, eh may sari-sariling club activities and assignments, kaya ako nalang ang naaya niya.

Unlike me, napaka-friendly nitong taong 'to. Kaya siguro kahit ngayon, nagagawa parin niya akong kulitin. Minsan nalang naman, pero I appreciate what she does.

"My birthday's coming up." Pina-remind niya. "Hmm? Ah, happy birthday."

Farah sighed. "Rory!" She whined. "May magiging party ako next next month and I'd really like it if you'd come."

"Pero-"

"Alam kong hindi ka mahilig lumabas pero please! Importante 'to sa'kin." She gave me her puppy eyes. Bumuntong-hininga ako. First time niya 'tong maging pushy ah? Farah usually just nods kung mag-refuse ako 'pag mag-hang out sila ng mga kaibigan niya.

Syempre, 'di rin naman kami close eh.

Well, birthday niya naman eh. "Ok."" Tipid kong sagot. Nag-fist pump pa si Farah at si-nide hug ako, kaya 'di ko mapigilang ngumiti. She's so cheery it's honestly infecting me too.

"Wala pa magiging details pero I'll be sure to remind you in person. Alam ko namang madali ka makalimot." Nakasimangot niyang sambit. I shrugged. "Pupunta ako. Promise."

Nagbalik uli ang smile ni Farah.

And then an awkward silence filled the air. I sighed. Bakit ba everytime na may nakakausap akong desente, nangyayari 'to? Is it a curse?

Syempre, dahil expert na 'ko sa mga ganitong situwasyon ay wala na 'kong ginawa kung 'di ay ilabas ang phone ko. Farah seemed to catch on kaya pati siya ay gumaya narin.

Unbeknownst to her though, nag-sa-swipe lang ako sa home screen 'ko ng paulit-ulit pakanan at pakaliwa.

Ladies and gents, this is exactly why we're just drifting apart more each day. Wala talaga akong maisip ni isang topic para pag-usapan namin everytime we're alone together. I think she feels the same too, masyadong extroverted 'tong babaeng 'to, imposible namang kahit sa iba eh nauubusan rin siya ng pag-uusapan.

The silent buzz of the people in the cafeteria filled the background.

Napatingin nalang ako sa surroundings ko ng may biglang akong naramdamang tumititig sa'kin. Turning my head to the left, nakita 'ko ang table nina Valentine. Dito ba nanggaling 'yung tumititig? Lahat naman sa kanila, mukhang busy sa paguusap ah. Baka naman insekto lang 'yun na dumapo sa'kin?

Bago ko pa man maalis ang tingin ko sa kanila, biglang nagtama ang mga mata naman ni Valentine. She mouthed something habang may nang-aasar na ngiti siya sa labi niya.

I gave her a confused look. She rolled her eyes. Dahil naman 'di ko gets ginagawa niya, tumigil na 'ko sa kakatingin.

First time niya akong napansin sa loob ng school ah?

Damn it. I helplessly stared at the first wheel of my bike that is now currently full of holes. Ugh, wala ngang makakanakaw nito sa tapat ng school, kayang-kaya naman pag-trip-an.

No choice na 'ko nito kundi maglakad. I gripped on the handlebar, guiding the stupid bike.

Asar kong sinabit ang bag ko dito at nagsimulang maglakad papunta sa scenic route. Minsan nalang naman ako maglalakad, mabuti na ring kumalma ako dahil sa view ng favorite place ko.

After about 20 minutes of walking, naabutan ko nanaman ang silhouette ni Valentine. Ano nanaman kaya ginagawa nito dito?

"Ah, 'di ka naka-bike? I was really looking forward for my daily after school entertainment." She said, looking at my bicycle. "Hmph, may mokong na sumira sa gulong."

Napansin 'kong sumunod siya sa mga hakbang 'ko. "Bakit nandito ka palagi?" Curious kong tanong. "The first time, naligaw ako dahil sa driver ko. Then I noticed how beautiful this street was kaya nagustuhan ko siya." Sabi niya. Tumango ako.

"Ba't mo ko sinusundan?"

"You're gonna go back to the bakery?"

"Yup." She nodded at my words. "I'll come too."

"Diba mag-pra-practice pa kayo ng stage play niyo?" Tanong ko sa kanya.

"How did you know, stalker?" I rolled my eyes. Kahit kelan talaga...

"Kasama dun ang kaib- kakilala 'ko." She quirked an eyebrow. "The girl you were with kanina? Farah something?"

Tumango ako. "I'm the lead kaya ever since last week, lagi nila akong pinipilit um-attend ng after classes practice."

We crossed the street to get to another lane. Disappointingly, 'di na nakasunod ang flower fields sa'min.

At least nandyan parin 'yung beach.

Napatingin ako sa kanya. "And I assume na hindi lang ito ang first time na nag-skip ka?" She gave me a shrug. "There's nothing enjoyable in having to do something you're not passionate about. Plus, pinilit lang naman nila 'ko eh."

She looked up. "I'd rather be here because it calms me."

"I see."

Inirapan niya 'ko ng marinig niya ang maikling response ko.

Still, I smiled. Not because of her sudden shift of moods kundi dahil 'yung katahimikan na sumunod sa pagitan namin, hindi nakakailang kundi komportable lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Nobody TheoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon