CHAPTER 9

23.1K 998 26
                                    

Chapter 9: Second day of hell

Rue


NAKAKAINIS! Patuloy pa rin sila sa pangbabato sa 'kin ng harinang nilagay nila sa plastic. Hindi lang 'yon basta-bastang maliliit, kasinglaki ng kamao ang mga iyon.

Nagtatawanan lang silang habang binabato ako kaya patuloy rin ako sa pagtakip ng mukha ko para maprotektahan 'to. Ayokong mapuwing ano!

"Ano ba! Tama na!" sigaw ko.

"Hindi mo na kaya? Umalis ka na sa section namin!"

"Mukha kang pagkain!"

"White lady!"

Naghagalpakan ulit sila sa tawa. 'Yong iba nakahawak pa sa tiyan habang nakaturo pa sa 'kin. Happy na sila niyan?

Napansin kong tumabi silang lahat kaya napaangat ang tingin ko. Binigyan nila ng daan ang prinsipe ng mga bubuyog! Na tanging letter Z lang ang alam ko sa pangalan niya at ewan ko kung bakit nakikitawag din ako. Parang tanga!

Feel na feel niya rin ang paglalakad na parang isang ramp model ng isang brief! Kadiri!

"My turn. . ." Nakangising anito at pomisisyon na parang isang pitcher sa softball.

Tang na juice!

Anong akala nila sa akin? Isang net? Catcher? Na kayang saluhin lahat ng pinagbabato nila sa akin? Nag-ala Jennie Lyn Finch ang hinayupak na Z na 'yon.

Pomusisyon ito at umaktong inikot-ikot ang kanang braso. Nanlaki ang mata ko dahil sa nakitang harinang hawak niya.

P*ta bakit ganyan kalaki? Seryoso siya?

'Yong iba ang liit lang at parang kamao lang ang laki. Bakit sa kanya kasing laki ng 1/4 na asukal na mabibili sa tindahan? Hayop! Unfair 'yan ah!

"Z ang laki naman 'ata niyan?"

"Oo nga Z."

Hindi sila pinakinggan ni Z at nakangisi lang ito sa 'kin.

"Let's try this, this is fun," anito. At hinagis sa 'kin ang hawak niya.

Halos hindi ko na makita 'yon dahil sobrang bilis nang paghagis niya. Tinakpan ko na lang ang ulo para maprotektahan sa paparating na harinang nakalagay sa plastic.

Sakit ang una kong naramdaman nang tumama 'yon sa akin. Binalot ng harinang nawasak ang parte ng pintuan. Nagtawanan silang lahat pero kalaunan ay tumahimik din.

D*mn it! Bakit doon pa?

"P*tangina mo, Z!" sigaw ko.

Para na akong maiiyak sa sakit ng dahil sa kaliwang braso ko. Napaupo ako sa lapag at hinawakan ang brasong 'yon at sinuportahan. Pilit kong pinipigilang tumulo ang namumuong luha sa mata ko.

Tiningnan ko silang lahat gamit ang matatalas kong tingin.

Ang iba ay naguguluhan kung bakit ganoon ako maka-react gayong harina lang naman ang tumama sa braso ko.

"Masaya na kayo? Wala na kayong magawa sa buhay kun 'di ang manakit!" Pikon na ako sa mga pinaggagawa nila. Nakakasakit na! "Ano bang problema niyo? Inaano ko ba kayo? Tang*na niyo pala! Kung aaraw-arawin niyo 'to sana in-inform niyo naman ako para mahanda ko 'yung katawan ko sa pagod at sakit!"

"Lintik na 'yan! Ang iimmature ni'yong lahat! Ano na lang 'yong mararamdaman ng mga magulang niyo sa pinaggagawa ninyo? Kung ito nga nagawa niyo sa akin, ano pa kaya 'yong ginawa niyo sa ibang babae bago ako? Napaka-insensitive niyong lahat! Tang*na ninyo!" Inis akong napatayo at napadaing muli ng tumama ang kaliwa kong braso sa nakabukas na pinto.

Isa pa 'tong bwisit na Hiro na ito! Sinamaan ko siya ng tingin at napayuko lang ito.

Yuyuko-yuko lang kayo ngayon? Mga langya!

Nakakainis!

Mabilis akong nagmartsa palabas habang hawak pa rin ang braso. Sh*t ang sakit!

Akala ko okay na ang 'to, hindi pa pala. Isang malaking pagkakamali. Tsk!

Napahinto ako bigla ng mapagtantong naiwan pala ang bag ko.

Sayang 'yong grand exit ko kanina with a speech! 'No bayan!

Nandoon 'yong pamalit ko. Mabuti na lang talaga at may dala ako kung hindi uuwi akong parang tinapay na hindi pa naluto. Kulang na lang ilagay ako sa oven.

Bumalik ulit ako sa building namin. Ang bata-bata ko pa, makakalimutin ko na.

Naman oh!

Pinapagpag ko ang ibang harina na nasa damit ko at ulo habang naglalakad pabalik. Ugh! This is my second day of hell in Hades Academy.

"Z, you go overboard," narinig ko ang boses ni Hiro kaya napatago ako sa gilid ng pinto nang marating ang room namin.

"She deserves it, I don't like her," Z said with his cold voice. My brows creased because of what I've heard.

Mas lalo hindi kita gusto! Mukha kang puwet!

"Alam nating lahat na sobra na 'yong ginawa mo kanina Z. You're not like that before," makahulugang saad ni Hiro.

Bakit? Ano ba si Z dati? Hayop?

Mas lalo napukaw ang interes ko sa kasalukuyang pag-uusap nina Hiro at Z. Hindi ako chismosa, nakikinig lang talaga. And besides wala naman akong pagsasabihan ng narinig ko kaya hindi ako chismosa. Period.

"Why do you care Hiro? 'Wag mo akong pakialaman!" bulyaw ni Z.

"Tama na 'yan!"

"Huwag kayo dito! Ang ingay niyo!"

"Awat na!"

"Tama na dre!"

"Stop it!"

Nabosesan ko 'yung isa. I think it's Rin.

"May pakialam ako Z, I'm your bestfriend!" Sigaw rin ni Hiro.

Hindi ko alam kung ano 'yung ginagawa nila sa loob. Bahala sila diyan magkagulo. Kahit na mag 50/50 wala akong paki sa kanilang lahat!

"Bestfriend. . . tss!" ani Z.

Nanlaki ang mata ko ng magtama ang paningin namin nang lumabas ito sa pintuan. He looked at me with his bored look.

"Eavesdropping, huh?" may diing sabi nito kaya napaatras ako bigla.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin. Paano ako makakalusot nito? Huling-huli ako sa akto.

Bwisit! Para naman akong kriminal nito!

Umalis na lang siya ng ganun-ganon lang at iniwan kaming lahat dito. Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng magsalita si Hiro sa tabi ko. Nakalabas na pala 'to? Bakit hindi ko napansin? May lahing batman ata 'to.

"Rue. . . I'm sorry," paumanhin nito. He said it full of sincerity and I won't deny, nawala na lang bigla ang galit ko sa kaniya.

I smiled at him. "Okay lang." Nginitian niya rin ako pabalik.

Matapos ang ngitan portion namin sa labas ng pinto ay pumasok na ako sa maingay na classroom namin. Tumahimik sila ng makita ako sa loob.

Mukha na siguro akong ewan sa paningin nila. Ramdam ko sa bawat galaw ko ay nakasunod ang mga mata nilang lahat. Ngunit nang tapunan ko sila ng tingin isa-isa ay siyang iwas naman nila agad.

Mga baliw!

Humarap na ako kay Hiro na nasa likod ko lang. Nakita ko pang pinanlakihan niya ng mata ang mga kaklase ko. 'Yung tinging nangangahulugang 'mag-sorry kayo ngayon din look'. Pero nang makita ako ay nagbago 'yon at umayos siya ng tayo.

"Shower muna ako," sabi ko at iniwan na silang lahat.







A S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon