Chapter 2

29 0 0
                                    

Nasa tapat na ako ng Principal's Office at huminga muna ako ng malamin bago ako pumasok sa loob.

Pag pasok ko sa loob nakita ko yung katabi ko kanina sa room at mukhang galit siya.

Bakit parang ang sama ng tingin neto sa akin? sabi ko sa sarili ko.

"Pinapatawag niyo daw po ako?" tanong ko kay Mrs. Robles ang principal ng university na ito.

"You must be Miss Marquez?" tanong niya sa akin.

"Yes po" sagot ko.

"Please sit down, i need to ask you something" ang sabi ng principal namin.

Umupo na ako sa Upuan at kaharap ko ngayon yung katabi ko sa room kanina.

"Where's my phone?!" sigaw nung lalake sa akin.

"Bakit mo sa akin hinahanap cellphone mo?" sagot ko.

"Wag ka na mag-panggap, huli ka na, THIEF!" sigaw niya.

"Mr. Cortes sit down!" saway sa kaniya ng principal.

Umupo naman si Mr. Cortes. Hindi ko kasi alam ang name niya eh kaya Mr. Cortes nalang.

"Give me your bag and I'll check if my phone is there" sabi ni Mr. Cortes.

Agad ko namang binigay ang bag ko para matapos na ang kalokohang ito. Chineck niya naman ang bag ko.

"Kung di mo ninakaw ang phone ko then what is this?!" sumigaw nanaman siya ang sakit kaya sa tenga.

Nagulat ako nung inilabas niya mula sa bag ko ang bagay na hindi ko alam kung sino ang nagmamay-ari.

"Bakit may phone diyan, Maam di ko po alam na may phone sa bag ko" sabi ko kay maam principal.

"Oh come on, just tell the truth!" sumigaw nanaman nakakailan na tong mokong na toh ah.

"Mr. Cortes is the phone yours?" tanong ni maam principal.

"Yes tita" sagot naman nung lalaki.

"Ahh so tita niya pala si Mrs. Robles." sabi ko sa sarili ko.

"Well then, why is it in you bag Miss Marquez?" tanong sakin ni maam.

"Hindi ko po alam baka po nahulog lang ang phone niya sa bag ko" paliwanag ko kay maam.

"Okay here's the thing, so since nakita sa bag mo ang phone ni Mr. Cortes at wala ka pang ebidensya na hindi mo ninakaw ang phone gagawa ka muna ng Community Service, you will clean the pool near the mini park of our school as your punishment" sabi ni maam principal.

"This is you first warning Miss Marquez, di ako masyadong maghihigpit dahil first day palang naman ng school niyo" dagdag pa ni maam principal at mukhang dismayado siya dahil sa nangyari.

Pagkatapos noon lumabas na ako sa office at dumeretso agad ako sa pool area para linisin ito. Kahit wala naman akong ginawang mali ako parin ang naparusahan. Okay lang naman sa akin yung parusa sanay naman ako maglinis sa bahay kaya kayang-kaya ko ito.

MIKO

"Tita, dapat tinaasan niyo pa yung parusa nung babaeng yun" sabi ko sa tita ko.

"Miko, hindi ko pwede gawin yun dahil first offense niya palang naman."

"Now this is what i want you to do, I want you to keep an eye out for that girl" utos ng tita ko sa akin.

"Why me!" sabi ko sa kanya.

"Just do it" sabi niya

"Fine" sagot ko.

Nang matapos na ang usapan namin ng tita ko hindi na ako bumalik sa room dahil half day kaya nagsiuwian na ang mga estudyante kaya naisipan ko nalang na kumain sa canteen at tumambay nalang sa mini park dahil wala pa ang aking sundo. At na alala ko na inutusan pala ako ng tita ko na puntahan si joanna sa pool area at tingnan kung tapos na siya maglinis at nung marating ko na ang pool area nagulat ako dahil sobrang linis nito. Hinanap ko siya at may nakita akong note na nakadikit sa wall.

Tapos na po ako maglinis, sorry po kung hindi na ako nakapagpaalam kasi po may pupuntahan pa kami ng best friend ko at sorry po sa nagawa ko di ko na po uulitin (kahit hindi ko naman po talaga ginawa iyon).

-Joanna Marquez

And then i remembered something but before that let me introduce myself.

I am Miko Zen Cortes, tita ko ang ang principal ng university na ito kaya sikat ako dito, black ang buhok ko at matangos ang ilong ko, matangkad, mayaman, at gwapo,  model kasi ang Mama ko at ang Papa ko nmn ay isang sikat at poging businessman so pag pinagsama mo yung dalawa syempre gwapo o maganda ang anak, which is me.

Tuwing papasok ako sa school na ito pinapalibutan ako ng mga babae at mga bakla, di ko sila masyadong pinapansin kasi wala naman akong paki alam sa kanila. So ayun na nga may naalala ako bigla.

*Flashback*

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko dahil medyo maingay na ang room. nag strech ako ng kamay dahil ang sakit ng kamay ko paano ba naman ang pangit ng posisyon ko dito sa upuan

Nang may biglang nagsalita.

"Oh, hi gising ka na pala uhmm may pinapagawa kasi sa atin si Sir. Manuel baka di mo mapasa eh" sabi ko sabay bigay sa kanya yung pinapagawa kasi na erase na ng prof. namin.

"I dont care"malamig na sagot ng lalake at bumalik na ulit sa pagtulog.

Hindi ako komportable sa posisyon ko ngayon kaya umayos ako pero nung umayos ako may natamaan akong bagay, dahil sa sobrang antok parin ako hindi ko na masyadong pinansin iyon.

Nagising na ako nakita kong wala na ang prof. namin. Break time na kaya naman naisipan kong pumunta sa canteen.

Hinanap ko ang phone ko para makalabas na ako pero hindi ko makita. Tinanong ko si Jom ang best friend ko, tabi sana kami kaso may babaeng tumabi sa akin eh kaya di kami magkatabi ngayon.

"Bro, nakita mo ba yung phone ko?" tanong ko kay jom.

"Hindi bro eh, baka kinuha nung babaeng katabi mo, ano nga yung name nun, ayy joanna marquez ang name niya" sabi niya.

Dahil sa galit ko pinuntahan ko ang tita ko sa Principal's Office.

"Tita paki tawag nga si joanna marquez sa speaker" sabi ko kay tita.

"Bakit?" sagot niya.

"Ninakaw niya yung phone ko eh" sabi ko.

"Sige ipapatawag ko siya pero pag wala sa kaniya ang phone mo mag sorry ka" sabi niya.

"Yeah, yeah ipatawag mo na siya" sabi ko.

Pumunta na si tita sa mic at tinawag na ang pangalan ni joanna.

"Calling Miss Joanna Marquez, please proceed to the Office of the Principal"

*End of Flachback*

Napaisip ako bigla.

"Phone ko kaya yung natamaan ko nung tulog ako at dahil natamaan ko yun nahulog yung phone sa bag niya" sabi ko sa sarili ko.

"Sh*t ako din ang may kasalanan kaya nasa bag niya yung phone ko!" sabi ko.

"Sir, uwi na po tayo" sabi nang lalaki sa likod ko. Tumalikod ako at si Kuya Mitch lang pala. Ang sundo ko.

"Sige manong tara na" sagot ko.

Tiniklop ko nalang ang papel na sinulat ni joanna at inilagay sa bulsa ko at sumama na kay kuya mitch.

Pag-uwi ko as usual mag isa lang ako sa bahay dahil si Papa nasa trabaho pa, si Mama naman may Pictorial pa so ang ginawa ko nalang kumain ng hapunan at umakyat na sa kwarto ko.

My Crazy Millionaire BoyfriendWhere stories live. Discover now