FLIRTATIONSHIP: More than a friendship, less than a relationship.
Sa panahon ngayon, uso ang landian sa barkada. Hindi nga sila pero daig pa ang mag-jowa kung maglambingan.
Pero ano nga ba ang ending ng ganitong drama? Happily ever after ba? Paano mo ba masasabing seryoso na kung sa umpisa, alam mong biruan lang? Maniniwala ka ba?
___________________________________________________
Ako si Rica. Simpleng mamamayan ng bansang Pilipinas.
Aseehhh... Isa akong panggulo sa Pilipinas..hehe.. Kilala ako ng mga kabarkada ko na magulo, makulit, tamad, maigay, tampuhin at isip bata. Ok lang magmukhang baliw basta mapatawa sila.
Karamihan sa barkada ko, mga lalaki. Ewan ko ba. Mas madali para saken ang makasundo sila. Less drama ba ga! One of the boys din ako. Bakla nga tawag nila saken,e..haha..
May isa kaming kabarkada na madalas kong pag-tripan. He's Rap, short for Ralph.
"Baby, dito ka na umupo,oh! Baka mapagsamantalahan ka pa ng iba diyan." oh di ba? Baby ang tawag ko sa kanya. :D gwapo yan. Owber.
Tumabi nga siya habang nakangiti lang at namumula..tsk!
Opposite kami. Siya tahimik, mahiyain, laging nasa poise, at responsible. Akala ko nga dati ka-federasyon. Kaya komportable akong magkwento sa kanya pagdating sa lovelife ko.
Dumating na lang yung time na nahipan ata ako ng malanding hangin at napag-tripan ko siyang landiin,.wahaha.. ◕‿◕✿ღ
Pero biro lang talaga yun. Biro lang saken yung paglalandi, pagseselos at pagka-possessive. Alam din naman yun ng barkada. Ewan ko ba..di ko alam kung bakit di ko siya magawang pagpantasyahan..haha.. Choosey ko,noh? Gwapo na nga,e. Siguro kasi mukha talaga siyang inosente.
Sa tuwing magkakasama kami, hindi ko siya pinapalampas. Lagi ko siyang pinagti-tripan. Siya naman, lagi lang ngumingiti at tumatawa. Kaya naman tuwang tuwa akong asarin..hehe.. Hanggang sa..
"oh Rica, andyan na pala ang baby mo." sabi ni tita.
"ay oo nga." tinawag ko si baby. "dito ka na sa tabi ko baby." malanding sabi ko. Nagtawanan naman sila. Di ba benta?
"sure baby. Na-miss kita kaya nagmadali akong pumunta dito." ^____^
O____O
Hanudaw? B-baby? Nagsalita siya???
"he-he-he..ang sweet talaga ng b-baby ko." kunwari kinikilig pero sa totoo lang natataranta na ako. Nagulat din ang barkada pero di ako nagpahalata na affected ako >___<
Simula nun, nagkabaligtad na kami ng sitwasyon. Ako na yung walang masabi pag bumabanat na siya..waaahhh... Sana bumalik na yung tahimik na Rap.
Oy mga friends, baka sabihin niyo masyado akong pakipot. Di lang talaga ako komportable na ganun siya. Naiintindihan ko n ngayon kung bakit tahimik lang siya pag inaasar ko. Kasi nga... AWKWARD!
Shemay!
...................................................................
Nagka-bf ako. Hindi si Rap. Pero kahit may bf ako, patuloy pa rin ang panunukso niya saken. Hindi nga sila magkasundo ni boyfie. Seloso kasi yun.
Sinasabi ko na lang kay boyfie na biruan lang yun kasi gaya ko dati, tinutukso ko si Rap pero kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. So malamang, ganun din si Rap. Gumaganti lang.
Yung bf ko, si Enzo, bata pa lang ako gusto ko na siya at matagal ko siyang hinintay. Alam yun ni Rap at ng barkada.
Suplado yung si Enzo saken at talagang di ako pinapansin. Kaya nga nung nanligaw yun saken, hindi ko na pinahirapan. Baka makaurong pa..haha.. Ako ang first gf niya. ❤