Welcome Home!

18 13 3
                                    

May kung anong alikabok na pumasok sa mata ko kaya hindi nito sinadyang mapakurap at mamula. Naramdaman ko na lang din na mamasa-masa na ang gilid nito hanggang sa may kung anong umagos pababa sa 'king pisngi.

Muling umulit ang chorus ng kanta hanggang sa hindi ko na napigilan ang mapahikbi.

"Wala rin patutunguhan kahit sabihin ko pang mahal kita..."

Sa totoo lang, wala naman talaga kami naging closure ni Ace. Iyong tipo na, matapos siya ipakilala sa 'kin ng kapatid ko bilang boyfriend ay umakto na lamang kami na parang walang nangyari. Iyon bang hindi manlang ako nagkaroon nang lakas ng loob para komprontahin siya. Hindi ako nagtanong. Hindi ako nagalit. Hindi ko nga alam kung nakuwento n'ya ba ako sa kapatid ko. Hindi ko alam kung may idea ba ito about sa past namin.

Masyado kasi naging smooth ang mga sumunod na pangyayari kaya pakiramdam ko ay hindi na kailangan pa magkaroon ng closure. Ano pa ang magiging silbi no'n gayong hindi naman naging kami? Hindi ko na rin siguro kailangang malaman kung minahal n'ya ba ako dahil obvious namang 'hindi' ang sagot.

Oo, iniyakan ko siya. Nahirapan ako maka-move on. At sobra akong nasaktan sa ginawa niya. Pero gawain ko rin naman ang mga iyon noon, eh. Tatlo-tatlo nga ang pinagsasabay kong lalake, 'di ba? Mabilis ako magpalit ng boyfriend kaya malamang si Ace na ang naging karma ko.

Totoo ngang hawak niya ang Alas!

It's really awkward along our way kaya nag-decide ako tumahimik na lang para hindi na maging big deal iyon.

***

"MAMA!" isang napakahigpit na yakap ang sinalubong sa 'kin ni Stella.

"A-anak," nasambit ko na lamang habang nakayakap sa kan'ya.

Kanina pa pala sila nakababa sa eroplano at mag-iisang oras na rin naghihintay ayon kay Daddy.

Habang kayakap ko ang anak ko ay magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Nandito 'yong takot na paano kung mag-fail ako bilang mommy niya? Paano kapag nagsimula na siya hanapin ang daddy niya? Paano kung sa paglaki niya ay saktan lang din siya ng mga lalake? Napakarami kong kinatatakutan sa mga oras na ito at hindi pa ako handang ipakilala siya sa totoong mundo. Mag-aapat na taong gulang pa lamang siya, masyado pa siyang inosente at hindi ko kakayanin kung lalaki siyang katulad ko.

"Ano, Anata wa hontōni watashi no okāsandesu ka?" paninigurado pa ni Stella kung ako ba talaga ang mommy niya.

"Watashi no namae wa Alizanabelle desu, Stella-chan," pagpapakilala ko naman sa kanya at mukhang mapapasabak ako sa madugong Nihongo.

"Stella-chan, ano ang sinabi sa 'yo ni Lolo? 'Di ba dapat mag-Tagalog kapag nasa Philippines na tayo,"

"Ano, p-patawad po. H-hindi na po mauulit,"

Oh! She's so cute!

Napakasarap tirisin ang naniningkit niyang mga mata at nakakagigil lamutakin ang maumbok na pisngi. She's like a walking Goldilocks on her blonde curls, blue balloon dress, big blue ribbons, and knee-high socks.

I can't even imagine na hindi na lamang kami basta magka-video call dahil kaharap, kayakap at kasama ko na siya ngayon. Sa tagpong ito ay parang sa 'min lamang umiikot ang mundo na tila nakalimutan ko na ang mga nakapalibot sa 'min.

"Zanabelle, ang akala ko ba kasama mo si Bela?" pang-aagaw atensyon ni Daddy.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon