Justine Ace's POV
Mahigit isang oras ako naghintay sa tapat ng pintuan nina Aliz pero hindi talaga nila ako pinagbuksan ng pinto.
Marahil ay alam na rin nila ang tungkol sa sex video. Ang akala siguro nila ay manunugod ako dahil sa nangyari sa kapatid ko o kung hindi man ay isa ako sa mga sinisisi nila.
Kaya naman nagdesisyon na lang ako tawagan si Bela.
"Nasaan ka?" tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko.
Ako lang ang may alam sa isa pa niyang cellphone number. Mabuti na lamang gumagana ang number na ito. Akala ko kasi ay pagtataguan n'ya rin ako.
"Why don't you try to ask me first why I wasn't able to attend in the Welcome Party last time?"
"It doesn't matter since you don't care about your Dad. It's just the two of us, so stop acting like an award-winning actress, Bela!"
"C' mon Love, dapat mo 'kong pasalamatan sa bagay na 'yon. So how was it? Nag-enjoy ka ba makasama uli ang babaeng miss na miss mo na? Rather as ang babaeng mahal na mahal mo pa?"
"Just answer my freaking question! Bela, where the hell you are?!"
"Oh, Love, easy! Bakit? Ipapa-delete mo ba sa 'kin 'yong files na ipina-edit ko sa 'yo? Don't get me wrong, that scandal was your idea. So don't act like a guilty brother!"
Natahimik ako. Wala ako ibang narinig kung 'di ang sunod-sunod na yabag ng paa mula sa kabilang linya.
"Anyway, wala ako sa mansion kaya 'wag mo na rin i-try na gumawa nang eskandalo pati sa 'min. For now, ayaw muna kita makita. Bye!"
Kailanman hindi kami nagkaroon nang magandang pakikitungo sa isa't isa. Maaaring nagkabalikan nga kami at ipinapakita ang pagiging sweet sa iba lalo na sa harap ni Aliz pero hindi gano'n kapag kaming dalawa na lamang ang magkasama dahil matagal nang nawala ang pagmamahal namin para sa isa't isa.
Nagsalpak na lang ako ng earphone sa magkabilang tainga habang binabagtas ang kahabaan ng Quezon Avenue.
Mahigit ilang buwan na rin noong huli ako magpa-check-up sa Optometrist kaya naisip kong bumiyahe na lang papunta sa clinic ni Doc. Nakakaramdam na naman kasi ako nang panlalabo sa mga mata.
Sa pagmamadali ay mabilis kong ini-u-turn ang motor ngunit sa pag-u-turn kong iyon ay isang jaywalker ang biglang sumulpot. Sinubukan ko itong iwasan subalit masyado naging mabilis ang mga pangyayari. Nabundol ko ito at walang malay na humandusay sa kalsada.
Habang nagkakagulo ang mga motorista ay isang kaparehas na senaryo ang rumehistro sa 'king isipan...
"ANAK! IWASAN MO 'YONG KOTSE!" sigaw ni Papa mula sa backsit ng motor.
"Pero, Papa—"
Hindi ko alam kung paano iiwasan ang papalapit na kotse. Masyado naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari... Basta pagkadilat ko ay puro apoy na ang paligid at nagsisigawan ang mga tao.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...