Ex's Baggage

18 14 3
                                    

Bela's POV

Pagkatapos ko makipag-usap kay Ace ay ibinalik ko ang tingin sa comatose na si Ariel. Kritikal pa rin ang lagay niya at hindi ko talaga mapapatawad ang taong puno't dulo sa lahat ng ito kung magpapatuloy ang ganitong situwasyon.

Ngayon nga ay nandito ako sa hospital kasama ang bunsong kapatid. Sina Ysa at Ariel na lamang ang dahilan kung bakit ko ipinagpapatuloy ang laban at hindi ako susuko lalo na ngayong malapit ko na masira ang ipinundar na pangarap ni Alizanabelle.

"Ate, ilang araw ka na hindi pumapasok sa office, baka i-take over na ni Dad 'yong position mo," pag-aalala ni Ysa. "Balita ko, nagkakagulo sila ngayon dahil nag-down 'yong system natin. Maraming client na rin ang umalis."

"Let them be."

"P-pero Ate—"

Napayakap na lamang ako nang mahigpit sa labing-anim na taong gulang na si Yssa. Kahit na totomboy-tomboy ito kumilos at pumorma ay nananatili pa rin dito ang pagiging isang malambot na babae.



Justine Ace's POV

Mabilis ko naisugod sa pinakamalapit na hospital ang jaywalker. Sa kabutihang palad ay mga galos lamang ang natamo nito kaya kaagad din pinauwi matapos ang medical exams. Ako na ang nagpresintang maghatid sa tirahan nito para masiguro ang kaligtasan. Hindi na rin ito nagsampa ng demanda.

Sa kasamaang palad ay ni-wrecker ang tumirik kong motor kaya napilitan ako ipaubaya na lamang sa mga talyer ang pag-aayos dito. Pauwi na ako sakay ng kotse ni Charles nang maalala ang tagpong nakita ko sa hospital kanina.

Napadaan ako sa silid na may nakauwang na pinto at doo'y nahagip ng paningin ko si Bela. Humahagulgol siya sa pag-iyak kaharap ang walang malay na pasiyenteng lalake. Lalapitan ko sana subalit bigla ako tinawag ng in-charge nurse nitong kasama kong pasiyente.

Iyon ang unang beses na nakita ko si Bela sa ganoong kalagayan. Ang pagkakakilala ko kasi sa kaniya ay isang napakatusong babae at kahit minsan ay hindi ko siya nakitaan ng kahinaan.

Parang kanina lang na magkausap kami sa cellphone ay napakatapang niya kung magsalita. Ano kaya ang nangyari para maghinagpis siya nang gano'n?

"If I were you, I will stay away from them," saad naman ni Charles mula sa driver's seat na tila nabasa ang mga iniisip ko.

"Bro, pasensiya na kung ikaw ang pinapunta ko sa hospital kahit na ganito kaaga. Ayoko lang talaga pag-alalahanin si Mama."

"Kuya, walang problema sa 'kin 'yon. Pero kung hihilingin ko ba na tigilan mo na ang mga Hoshizora ay gagawin mo?"

"Alam mo naman ang sagot d'yan, 'di ba?"

"Then, what's your plan?"

Natahimik ako.

"Malamang ang magpagamit kahit na alam mong sila ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin. Gano'n, 'di ba?"

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon