Alizanabelle's POV
"Zanabelle, si Charles kakausapin ka raw," saad ni kuya Leo nang iabot sa 'kin ang cellphone niya.
"Charles?" sagot ko nang makuha ang cellphone.
"Bakit mo ginawa 'yon?" pagsisimula nito sa usapang ine-expect ko na.
"Sa tingin mo makakaya ko gawin 'yon?"
"Bakit mo 'yon ginawa?" pag-uulit nito sa naunang tanong na tila hindi narinig ang tugon ko.
"Charles 'wag ka ngang immature! Tandaan mo, kayo ng kuya mo at si Bela ang humingi sa 'kin nang pabor para gawin ang screenplay ng indie film na ipinakiusap ninyo. Nagawa ko na ang trabaho ko. Nai-shoot natin nang maayos 'yong film. Nabayaran n'yo 'ko nang tama at tapos na ang trabaho ko sa project na ito.
Why making it a big issue? Charles, media practitioner ako at hindi ko sasayangin ang limang taong pinag-aralan ko para sa ganito kababang level," kalmadong pagkakasabi ko. "It's either may nagnakaw sa raw files ng film at ni-reedit para magmukhang sex scandal or mismong Editor natin ang nagplano sa setup na 'to."
"So now, you're blaming my brother?"
"Try to ask yourself. Sino ba ang I. T expert dito? Sino ba ang in-charge sa raw files ng Videographer? Charles, Writer ako! Hindi ako Videographer or Video Editor. At mas lalong hindi ko iha-hack ang sarili kong Facebook account! Bullshit naman, oh!"
"Kung gano'n gawan mo 'to nang lusot sa media!"
And the call ended.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...