"Finally! You got some nerves," usal ko saka siya tinignan mula ulo hanggang paa.
Siya ang dating class representative ng College of Medicine. Palibhasa mayroon sila sariling hospital kaya madali para sa kan'ya makakuha nang mataas na grades at maging paborito ng mga propesor. Malamang isa na siya sa mga ginagalang na doktor at ang bagong namamahala sa kanilang hospital ngayon.
"That's enough," sa wakas ay nasabi ko bago pa mapunta kung saan-saan ang isip. "I'm sorry, but my daughter has nothing to do with your company. Sana, ito na ang huling beses na magkukrus ang landas natin. We have to go," pagmamadali ko saka umakto nang pag-akay kay Stella ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay mabilis na niyang nahablot ang kamay ko.
"I-settle natin ang custody ng bata," he said.
Malakas na sampal sa kaliwang pisngi niya ang naging tugon ko. "Don't you ever dare say those words again!"
Napaismid lamang siya. Sa halip na sumagot ay itinuon niya ang atensiyon kay Stella. "A-anak."
"Stop it!" saway ko nang tangkain niyang hawakan si Stella. "I SAID, JACKSON STOP!" sigaw ko sabay pagitna sa kanila at inilayo ang bata.
Napaismid siyang muli. "Apat na taon mong inilayo sa 'kin ang anak ko... Another four years na naman ba, Aliz?"
"Tandaan mo, ikaw ang tumakas sa responsibilidad noon kaya wala ka karapatan umarte na parang pinagkaitang ama ngayon!"
"Then now, let's marry!"
Nabigla ako sa sinabi niyang iyon.
"What's going on?" bungad ni Badr-al-Din nang makalapit sa 'min.
"It's a family matter. Would you please leave us?"
"Aba'y nakakabastos ka pala, Tol!" inis na sinabi ni Badr-al-Din at agad nagpakawala nang isang malakas na suntok dahilan para tumalsik si Jackson sa katapat na toy store.
Nag-panick ang mga tao sa pagguho nang nabasag na salamin.
"Badr-al-Din, bakit mo naman ginawa 'yon?" tanong ko habang lumalakad palapit sa lugar na tinalsikan ni Jackson.
"Sorry, I'll pay for the damages."
"Pera! Pera! Puro pera na lang ba Badr-al-Din?"
"Then, what do you want me to do, Zanabelle?"
"I WANT HER BACK!" giit naman ni Jackson nang makatayo mula sa gumuhong salamin. May bahid ng dugo ang noo't labi niya.
"Jackson, ano ba'ng pinagsasasabi mo?" naguguluhan kong tanong sa kan'ya. "'D-di ba ikaw nga itong nakipag-break? Ikaw 'tong nag-deny sa sarili mong anak and almost four years hindi nagpakita?"
"Aliz, hinanap kita! Alam ko, huli na bago ko na-realize ang lahat. Pero kung alam mo lang, sinundan kita sa Japan. Hinanap kita sa kung saan-saan. Ang akala mo ba naging madali sa 'kin ang four years? May mga gabi na hindi ako makatulog kaiisip sa 'yo— na paano kung anak ko nga talaga ang bata sa sinapupunan mo? Paano kung hindi kita iniwan? Paano kung hanggang ngayon mahal pa rin kita? Hindi mo lang alam pero higit pa sa four years ang pangungulila ko sa inyo."
"Kinaya ko ang four years na wala ka at makakaya ko ang marami pang taon. Kaya kung puwede lang ay umalis ka na! Huwag ka nang bumalik sa buhay ko!"
Ang totoo'y kanina ko pa siya sinusubukang hagilapin sa puso ko. Aminado naman ako na minahal ko siya nang higit pa sa sarili ko. Dumating pa nga sa puntong kamuntikan na akong magpakamatay noong nakipaghiwalay siya. Pero nakaraan na iyon, eh. Napakarami nang nagbago ngayon.
"Mahal mo ba siya?"
Wari'y natawa si Badr-al-Din sa tanong ni Jackson. "Common sense na lang, Tol!"
Sa tagpong ito ay si Jackson naman ang nagpakawala ng suntok. Una niyang binungaran sa sikmura si Badr-al-Din at pinagtig-isahan sa magkabilang pisngi hanggang magpalitan na nga sila ng mga suntok.
"Mama! Mama! Mama!" naririnig kong sigaw ng inosente kong anak na nasa sentro ng mga ususera.
Umaagos ang mga luha sa pisngi niya at tunaw na ang ice cream sa cone na hawak.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Novela JuvenilWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...