"Na mimiss ko na sya" malungkot na sabi ni Jane habang pinapanood kami ni Belle na magkatulong sa lab work.
Agad naman kumontra si Bianca sa nararamdaman ni Jane. "Hay naku Jane, tigilan mo yan, masaya na sya sa iba oh"
Magkasama kami ni Belle na kumain sa labas, nasa kalagitnaan na kami ng aming pagkain ng lumapit sa amin si Vince.
"Hi Kyle!" Bati ni Vince ng lumapit ito sa amin.
"Oh Vince Hi! Kumain ka na ba?" Masayang sagot ko.
"Hi" bati naman ni Belle.
"Pwede bang maki upo?" Tanong ni Vince.
Agad namang pumayag si Belle, umupo si Vince sa tabi ko at tinawag ang waiter para umorder.
"Kamusta ka naman Vince?" Tanong ko matapos kunin ng waiter ang kanyang order.
"Eto ok naman, abala sa studies, ikaw?" Sagot niya.
"Ganun pa din, this time mas mahirap kasi hindi ko na nakakausap si Jane" malungkot kong sagot.
Sumang-ayon si Vince sa nararamdaman ko.
"Oo nga pala Vince, siya si Belle schoolmate ko" pagpapakilala ko.
"Hi Belle im Vince kaibigan ni Kyle" pakilala ni Vince.
"Im Belle" sagot naman ni Belle sabay abot sa kanyang kamay, at nag shake hands ang dalawa.
Inihatid kami ni Vince pabalik at halatang tuwang tuwa si Belle.
"Ang gwapo naman ng friend mo Kyle" sabi ni Belle habang nag sway pa ang mga kamay.
"Totoo, bukod doon ang bait bait pa" papuri ko.
Nakita pala kami ni Jane at Bianca ng ibaba kami ni Vince sa tapt ng building.
"Sabi sayo eh, kinalimutan ka na nya, at ngayon pati boyfriend mo ini-rereto na sa iba" paliwanag ni Bianca.
Hindi na nagsalita si Jane, galit na galit ito sa kanyang nakita.
"May kailangan ka ba?" Tanong ko kay Trixie ng lumapit ito sa akin.
Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa na may kasamang pag irap, kasunod niya si Pamela.
"Wag mo ng pansinin yun Kyle" payo ni Belle.
"Anu pa nga ba?, tapusin na natin to" sabi ko.
Palabas na kami ng University ng tumigil sa aming harapan ang sasakyan ni Tomy.
"Sabay na tayo" sabi niya ng ibaba nito ang salamin ng kanyang sasakyan.
"Sige na Kyle, mauuna na ako" paalam ni Belle at nagtungo na sa sakayan ng taxi.
Sa sasakyan ay hindi nag sasalita si Tomy, hanggang sa makarating kami sa condominium.
"Gusto mo bang dito na kumain?" Paanyaya ko.
Tumango lamang si Tomy na mukhang seryoso ito.
"Maupo ka muna at magluluto na ako" paalam ko at nag tungo na sa kusina.
Hindi ko napansing sumunod ito at umupo sa may dining table.
"Tomy, kanina ka pang tahimik may problema ka ba?" Worried kong tanong.
Hindi pa rin sya nag sasalita at nang lumingon ako ay nakatitig lamang ito sa akin.
"Gusto mo ba ng juice? May cookies pa ako sa ref?" Alok ko, ngunit halatang hindi siya interesado.
Natapos na din akong magluto ng buttered chicken at pansin kong gutom na rin siya.
"Sige Tomy, mag sandok ka na may kukunin lang ako sa kwarto" paalam ko.
BINABASA MO ANG
Andy's Crush
RomanceSimula ng mawala ang papa ni Kyle sa isang aksidente ay naging malayo na ang loob niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ceejay. Nag aral siya para maging doktor dahil iyon ang gusto ng kanyang kuya. Kahit labag sa kalooban niya. Mabuti na lama...