kabanata 10

96 37 5
                                    


Sino ka ba talaga.?

Nanatili kami ni Joshart sa ganung piyesto. Hinahagod ang likod ko para pakalmahin, at hindi naman siya nabigo dahil kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Ha! Akala ko pa naman matapang ang master na sinasabi nila! Nagkamali yata si boss!"

"Joshart.."

"2 minutes sweetie. Hindi ako lalabas. Promised. 2 minutes na lang nandiyan na sila. So help to calm yourself. Sorry dahil nadamay ka pa."

Hindi na ako nagsalita at mas lalong sumubsob sa dibdib niya. Ipinikit ang mga mata. Sinisinok parin ako pero wala nang lumalabas na luha.

Nakarinig ako ng mga ingay sa labas. Mga putok nang baril at mga lagabog.

"It's bullet proof" saad niya na mas nakapag pagaan sakin.

Tinutukoy niya ang kotse. Tinted kasi ito kaya hindi nila kami nakikita sa labas, at sabi nga niya bullet proof. Kaya nawala ang kaba ko na baka bigla nila kaming barilin dito sa kotse.

"They're here" pag-bibigay niya sa akin ng impormasyon na iyon dahil nakasubsob parin ako sa dibdib niya.

Feeling ko nagbuhat ng ilang kilo ng bigas ang buong katawan ko. Sobra akong napagod. Siguro na din ay sa pagiiyak ko ng walang humpay kanina at mga takot na naramdaman ko.

Unti unti ay naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko at pagbigat ng talukap ng mata ko.

*pahinga ka muna. Iloveyou*

rinig ko pang bulong niya pero hindi ko na intindihan yung huling sinabi niya.

______________________

Minulat ko ang mga mata ko at napagtantong nakahiga na ako sa kwarto ko.

Alas tres na pala. Pagtingin ko sa orasan.

Bumangon at naupo ako sa kama nang naalala ko ang nangyari kanina.

Huminga na lang ako nang malalim at napadasal na sana walang masamang nangyari sa kanila.

Ngunit sino ba talaga si Joshart? Sino ba talaga silang tatlo?  Marami pa talaga akong hindi alam sa kanila.

Ang pag tawag nang mga tao kay Joshart noon na master. Ang sinabi ni Nevil na ako ang makapagbabago sa kanya at ang nangyari kanina ay alam kong may hindi tama silang ginagawa.

"You okay now?"

Tanong ni kuya Nevil dahil pumasok siya sa kwarto ko nang walang katok katok.

"Kuya ano ba talaga nangyayari?"

Bumuntong hininga lang siya at nagsalita.

"Bumaba ka sa sala. Naroon si Joshart, Mom and dad."

bumaba naman agad ako sa kama nang sabihin iyon ni Kuya Nevil. Dahil alam kong may galit parin si dad kay Joshart.

Nilagpasan ko na lang si kuya at halos patakbo na sa pagbaba ng hagdan. Sumunod naman siya.

Nasa sala na ako nang makita ang hitsura ni Joshart na may pasa sa pisngi. Gulo gulo na din ang buhok niya.

"Hindi kita mapapatawad sa ginagawa mo sa anak ko!"

Galit na sigaw ni dad. Lumapit naman ako sa kanila at pumunta sa tabi ni Joshart. Nasa tabi naman ni dad si mom na umiiyak.

Nalaman na din kaya nila ang nangyari kanina?

"Tatanggapin ko ang kahit anong parusa."

Tumingin naman ako nang may pagtatanong kay kuya sa likod nila dad na nakacross ang dalawang kamay sa dibdib.

RAPED [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon