CHAPTER 7
"OH ano zah tutuloy paba tayo o tutunga na lang dito?" Sarkastikong sabi ni brina. Sabi ko naman sainyo maikli talaga ang pasensya neto.
"Oo nga zah 15 minutes na lang magsisimula na baka ma late tayo niyan" Pagsasang ayon ni dyna.
Napabuntong hininga na lang ako. Nakabihis na kaming tatlo. May party kase kaming aattendan.
Ilang buntong hininga na ang pinakawalan ko. Ni hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil sa sobrang kaba.
"Zah! Ayos ka lang? Wag na kaya tayong tumuloy?" Nag aalalang sabi ni dyna.
"Anong wag tumuloy? Gaga kaba! Ito na ang pagkakataon niya para komprantahin yung gagong yun tapos aatras pa siya?!" Inis na sabi ni brina.
"Brina! Di mo ba nakikita? Kinakabahan si zah. Baka di niya kayanin. Ano kaba!"
"Wala siyang mapapala sa kabang yan! Kung mas paiiralin niya yan. Hindi niya masasagot ang matagal niya ng mga katanungan!"
"Pero brina madami pang araw at oras para magkita sila. Kase nga umuwi na diba! Bumalik na. At sabi nila para kay zah kaya siya bumalik"
"At kelan naman ang araw at oras na sinasabi mo? Kapag umalis na naman yung gagong yun at iwanan na naman si zah ng walang paalam? Ganun ba!? Ha?" Galet na sabi ni brina. Napabuntong hininga naman si dyna.
"Hindi sa ganon brina pero kase may panahon para diyan. Baka hindi lang talaga ngayon"
"Dyna! Ngayon na ang panahon. hindi bukas, hindi sa makalawa o kahit sa susunod na araw pa. Kundi ngayon na"
"Brina-----" di ko pinatapos magsalita si dyna. Ayokong mas lalo pa silang magkasagutan lalo na kung dahil lang sakin.
"Tama na! Tama na! Pupunta na tayo. Tama si brina kailangan ko na siyang makita at makausap para maliwanagan ako at masagot lahat ng mga katanungan ko" singit ko sa usapan nila. Baka saan pa mapunta.
Kailangan masagot lahat ng katanungan ko. Ilang taon ko yung tinago at sinarili. Nagpanggap na okay lang ang lahat pero ngayon gagawin ko na ang matagal ko ng gustong gawin. Ang komprantahin 'siya'
"Oh zah andito kana pala. Yie maya maya lalabas na siya. Makikita mo na ulit siya" kinikilig na sabi ni lex. Remember? Yung bakla.
Ilang minuto pa ang hinintay namin bago magsimula ang party. Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.
"I know all of you is now excited to see our special guest or should i say our balik bayan guest" mas lalong nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko "Let's all welcome Mr. Cieno Agustin!"
Napanood ko kung paano siya maglakad papuntang gitna ng stage. Isa lang ang masasabi ko.
'He changed.... a lot'
Hindi na siya yung dating kababata ko na bulinggit."Wow! Mas lalo ata siyang gumwapo" manghang sabi ni dyna. Napatingin naman ako sakanya tumingin siya sakin "Pero hindi ko pa din siya type no"
Tama si dyna. Kung physical appearance ang pagbabasehan. Walang kababaihan ang hindi mahuhumaling sakanya. Kung dati marami ng nagkakagusto sakanya kahit nung bata pa kami. Ngayon sigurado akong mas marami na ang magkakagusto sakanya.
Masyado na siyang mataas. Pakiramdam ko ang liit liit ko. Kung dati pantay ang estado namin. Ngayon hindi na kase iba na siya. Ibang iba. Hiling ko sana hindi nagbago pati ang ugali niya.
Umalis siya nung nag college na siya. Naiintindihan ko naman talaga kung umalis siya sa probinsya para mag aral sa manila o kahit saan pero ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang siya nagpaalam sakin.
YOU ARE READING
LOVE HURTS (ON-GOING)
Roman pour AdolescentsSi Zahra Sanchez napilitang tumigil sa pag aaral para sa kanyang pamilya. Nagsakripisyo para sa pamilya Nasaktan para sa pamilya. At kakayanin para sa pamilya. Kaya ikaw kung may problema ka o may pinagdadaanan wag kang sumuko agad. Lumaban ka h...