Daughter's Forgiveness

113 5 2
                                    

Pagpatawad. Ang pinakamahirap na regalong kaya kong maibili kay Papa. Bawat araw, patuloy akong pinakiki-usapan ni Mama na patawarin siya. Ngunit paano?.Kung sa araw-araw na biyayang binibigay ng Diyos puro masasaklap at pagpapasakit ang siyang dinulot niya sa pamilya. Kung bawat gabi siya ang tanging dahilan ng pagbuhos ng luha’t sakit na kumikirot sa dibdib ni Mama. Kung siya ang naging sanhi ng pagkawasak nito. At kung siya rin ang dahilan kung bakit sa maikling panahon ko na lamang makakapiling ang aking ina.

“Brain Cancer,Stage 4”, sabi ng doctor, pahayag ng kawalang-pag-asa.  Tumigil ang sistema ng mundo ko ng mga oras na iyon, halos di ko na marinig ang sarili ko sa pagsigaw ng “tulong” ng nadatnan kung wala ng malay na nakahandusay siya sa sahig, hindi humihinga’t mula sa kanyang ilong ay may dugo na umaagos.

Ngayo’y sa higaan ng ospital siya nakaratay, tanging makina na lamang ang sumusuporta’t dumedepende magtatagal ang kanyang buhay. Walang kasiguraduhan ang paggaling ni Mama laban sa sakit na wala nang lunas.

Patuloy kung kinikiwestyun si Mama, kung paano ko pa mapapatawad si Papa? Kung sa mga panahong halos isubsub ang buhay namin sa lupa,  nasan siya? Wala. Tanging awa ng Diyos at tulong ng ibang tao ang nagpapatuloy sa marikit naming buhay.

Naisipan kong umuwi ng bahay para magpahinga matapos ang ilang buwang pananatili sa ospital.Sa muli kong pag-uwi’t sa pagbukas ko ng pinto, tanging mahalumigmig na hangin ang siyang bumati sakin. Madilim,malawak…at malungkot ang bawat sulok. Naalala ko noon, maligaya pa ang pamilya na tanging nagpakulay sa karaniwang bahay. May nanay, anak at higit sa lahat umuuwi ng bahay si Tatay mula sa trabaho kahit na malayo. Masigla at maingay ang bahay. Labis-labis ang pagmamahal ni Papa sa pamilya, para sa akin higit pa siya sa mga amang nakikita’t nakikilala ko, higit pa siya sa mga ama sa mundo. Ngunit,hindi ko aakalaing bilang lang pala ang mga panahong iyon, at ngayo’y binabawi na. Napalitan ang lahat nang pagkamuhi at galit. Hindi ko alam kong ano ang dahilan niya para umalis siya’t di nagpaalam. Isang araw,nagising na lang ako sa katotohanang hindi na babalik si Papa.

Ngunit ramdam na ramdam ko parin ang presensiya niya, sa mga yakap na iniiwan niya sa malamig na hangin sa kalagitnaan ng aking tulog, na para bang nandito siya o umuwi na siya. May mga pagkakataong nahahagilap ng mata ko ang pag-uwi niya katulad noong mga panahong naririto pa siya. Nagagalit ako sa sarili ko sa tuwing may dumadaloy na luha mula sa mata ko ng di ko namamalayan,  sa tuwing inaalala ko ang mga bagay na matagal ng wala’t wala na ring rason para bumalik pa.

Sa pagbalik ko ng ospital sa pag-asang didilat na ang mga mata ni Mama at sa muli’y makakapagsalita na. Bakante na ang silid. Wala na ang mga kasangkapan, wala na rin ang makinang sumusuporta sa paghinga niya, purong puti na lamang ang tanging nasasaksihan ng malabo kong mata dahil sa namu-muong mga luha. Sa silid ay wala na rin si Mama.

Tanging “Patawarin mo na si Papa” ang huling mensaheng naalala kong binaggit niya sa akin subalit galit parin ang nangibabaw.

Sa paglipas ng panahon, kinayanan ko ng mag-isa ang pasanin ng mundo. Nagawa kong makapagtapos sa sariling sikap. Hindi ko makakalimutan ang mga taong gumabay sa akin, higit sa lahat sa lakas na binibigay ni Mama, maliban kay Papa, maliban sa pagpatawad.

Ngayon ay matagumpay at masaya na ako sa buhay,sa aking sariling bahay at pamilya. Subalit kahit na may mga komplikasyon sa loob ng tirahan ay alam kong normal lang iyon, hindi na maiiwasan.

Hanggang sa….

“Jane, bakit ka ba ganyan?, pati mga anak natin dinadamay mo sa sitwasyon?, hindi naman ako magtatagal sa pupuntahan ko. Uuwi din ako agad.”

Daughter's Forgiveness(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon