CHAPTER 1

10 1 0
                                    

"Next is Ali Fuentes"

Ito ang unang araw para sa ikatlong taon ko sa kolehiyo. As usual wala naman bago mula highschool, senior high at hanggang dito. Required pa din ang introduce yourself kada unang araw at magsulat kung anong ginawa mo last summer.

"Hello, My name is Ali Fuentes, 20 years old and kasalukuyang nag iisa" -naghiyawan ang lahat sa huli kong banat. "I mean mag isa lang ako sa buhay, wala na akong mama and nasa Germany si papa. Para po sa kaalaman ng lahat, yung iba siguro alam na to especially aa mga naging ka klase na before, I'm a death survivor" -napatingin ang lahat sakin pati yung mga nasa likod na wala nang ibang ginawa kundi mag harutan.

"I have a heart failure mula nang ipinanganak ako, CAVC ang sakit ko o Complete Atrioventricular Canal defect. Mula 5 hanggang pag tung tong ko ng 16, madalas akong nakakaranas ng kakapusan ng hiniga, sobrang bilis mapagod at pagkahimatay. Rare lang yung mga gantong sakit at kadalasan ng may mga gantong sakit, hindi nagtatagal ang buhay. Nang lumalala ang sakit ko nagpasya si papa na magtungo ng Germany para magtrabaho as factory worker at maka ipon ng malaking halaga para sa pag operation ko. Kaya kapag nakapag tapos po ako ng pag aaral, pag papahingahin ko na si papa at ako naman ang mag tatrabaho para mabigyan ko sya ng magandang buhay na deserve nya"

Nagpalakpakan ang lahat sa ibinahagi ko ng story. Paupo na ko ng biglang mag follow up ang professor ng tanong sakin. "Sandale ms. Fuentes, matanong ko lang, anong mga nagbago sayo pagkatapos ng heart transplant mo? Maari mo ba maibahagi samin?"

Bumalik ako sa gitna upang magsalita muli, "Ang totoo po nyan, maraming nagbago sakin. Una yung kalagayan ko, hindi na po ako napapagod na mabilis, okay na po yung paghinga ko at hindi na po ako nakakaranas ng pagka himatay sa loob ng tatlong taon. Bukod po dun, napansin ko pong may mga bagay akong nagagawa na hindi ko naman alam kung pano ko nagagawa"

"Kagaya ng alin?"

"Siguro po sa pag tugtog ng Piano" tumango ang professor at pinaupo na ko "Asahan ko yan sa college week"

Bumalik na ko sa upuan habang iniisip pa din ang sinabi ni professor na college week. Para kasing sa dalawang taon na pag aaral ko dito, wala man lang akong naranasang college week. "Exclusive lang kasi yun para sa mga third at fourth year college" -sambit ng babaeng nakaupo sa tabi ko.

"Ako si Claire Dela Vega galing ako sa building 4 pero dahil sa gulo ng systema don, nag pa transfer ako dito" napansin kong medyo magkakasundo kami nito. Medyo may pagkakapareha kasi ang looks namin. Di kasi ako katangakaran di rin naman ganon ka pandak, Sakto lang sa mukha at hugis ng katawan. Sa buhok haba lang siguro ng buhok namin ang pinagkaiba. Hanggang balikat kasi sakin, sa kanya hanggang leeg lang.

Nabanggit nya nga pala ang building 4. Dito kasi sa Enders, may limang building. Ang isang building ay mag ibat ibang courses, may engineering, architecture, accountancy educ at law. Pare parehas lang ng course bawat isa, ang pinagkaiba lang is Team. Pag nag enroll ka kasi dito, papapiliin ka nila ng team kung, Ignis sa building 1. Team Aero para sa building 2. Ang building 3 is Team Plantae. Habang Team Ragon naman sa building 4 at Team Hidam sa building 5. Bukod don meron din ditong swimming pool, Track and field, stadium at library.

"Lumipat din ako dito kasi andito daw si Gray" -napalingon ako kay Claire sa sinabi nya "Gray?" -pagtatanong ko

"Hindi mo kilala yun?" Nanlalaki yung mata nya at nakangisi habang nagtatanong sakin.

"Hindi ko naman itatanong sayo kung kilala ko naman sya" -sabay ngisi ng marahan.

"Gray Samaniego is a son of our school director" Sa simabi nyang yon, wala talaga akong ka alam alam kung sino ba yung taong yun. Baka kasi sub sob ako sa pag aaral o hindi talaga ako ma chismis kaya di ko kilala. "Ah sorry Clair ah, pero di naman sa wala akong pake pero wala talaga akong alam sa mga tao tao dito. Ni hindi ko nga nakikita yang si mr. Yuan na pumupunta dito" -pagpapaliwanag ko

HIRAYA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon