CHAPTER 12

23.7K 1K 44
                                    

Chapter 12: Owen

Rue



Napagpasyahan kong tumambay muna rito sa second floor ng building namin. Wala namang tumatambay rito kaya okay lang. Tiningnan ko ang limang kwarto sa second floor. 'Yong tatlo ay sira na ang mga pintuan, nilagyan na lang ng malaking plywood. Kaya hindi na akong nag-aksaya ng oras para pasukin 'yon.

P*tcha! Para naman akong magnanakaw sa term na 'yon.

Nag-ala guard ako sa pag-iinspeksiyon ng bawat kwarto.

'Yung pang apat naman ay medyo maayos kaso nga lang walang kahit na ano sa loob. Ano ba 'to? Mukhang dance room 'ata, may mga nakapalibot kasing salamin. Sira rin ang bintana nito pero okay pa ang pinto.

Ang panghuling kwarto ay may harang na talaga. Nilagyan na ng tabla ang pintuan at may nakalagay na keep out.

Napaisip ako kung bakit may gano'n 'yon.

Sisilipin ko na sana kaso umihip ang hangin. Tang na juice! Ang lamig. Nanlaki ang mata ko kaya kumaripas ako ng takbo pababa. Takot ako sa multo tang*na!

Wala akong pakialam sa maapakan ko basta makatakbo lang ako at malayo rito. Nasa hagdan na ako ng biglang may naapakan. Sabay kaming napasigaw dahil sa gulat. Muntik na akong atakihin sa puso. Bwisit!

"Bakit ka nang-aapak?" inis niyang sabi at tumayo mula sa pagkakahiga. Nagising ko 'ata siya.

"E, bakit nandiyan ka?" tanong ko pabalik.

"Wow! Ngayon ko lang nalaman na sagot ang tanong sa tanong," sarkastikong aniya.

Teka, ano ba ang pangalan nito? Kausap ako nang kausap sa kaniya tapos hindi ko man lang kilala. Namumukhaan ko naman siya, kaklase ko, e. Sino ba namang hindi matatandaan ang mga mukha nang nantitrip sa kanya? Wala, 'di ba?

"Ano nga pangalan mo?" tanong ko sa kaniya kaya tiningala ako nito.

Feel ko ang tangkad ko. Feel ko lang. Nakaupo na siya at nakasandal sa pader.

"Owen, Owen Garcia," pakilala niya at ngumiti.

Lah? Bakit ang gwapo niya sa ngiting 'yon?

"Ah, bakit ka nga pala rito natutulog?"

"Obviously inantok," agad na sagot niya.

"Hindi! I mean pwede namang sa room o 'di kaya sa desenteng lugar—" hindi ko natapos ang sinasabi dahil nagsalita na naman ulit si Owen.

"Desente naman 'to, ah?" Turo niya sa hinihigaan niyang hagdan na may plywood.

Plywood lang talaga ang sapin at wala ng iba. Hanep din 'to! Lakas din ng sapak sa utak.

"Desente na 'yan? 'Yong totoo?" sarkastiko kong turan sa kaniya. Kumunot lang ang noo niya at saka tinawanan ako.

"Bakit mo ko tinatawanan? Am I cracking a big joke?" Namewang ako sa harap niya.

"Mukha mo kasi, mukhang joke!" Humalakhak siya ng todo.

Taenang 'to!

Nang-insulto pa. Ang galing! Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatahimik siya at bumalik sa pagiging seryoso. Bipolar ata 'to.

"Nga pala, Rue." Nagulat ako nang tawagin niya ako sa pangalang ko. I didn't expect na may nakatatanda sa pangalan ko daholil hindi naman nila ako pinagtuunan ng pansin nang magpakilala ako sa harap.

And besides, nasa mukha nitong parang hindi naman palatandain sa itsura.

"Hmmm?" Tingnan ko siya at naupo na rin sa tabi niya.

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon