"Pagpasensyahan mo na lang ang kuya mo, hayaan mo at kakausapin ko sya"
Ito ang mga huling salita ni Papa bago sya kami maaksindente na siya nitong ikinamatay.
Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Masakit parin ang aking katawan mula sa mga suntok ni Kuya.
Siguradong patay sya kay Mama kapag nalaman nito ang kinagawa sa akin ni Kuya.
"Gising ka na, nagluto na ako ng almusal kumain ka na" utos ni Kuya ng pumasok ito sa silid.
"Anong balak mong gawin sa akin Kuya?" Natatakot kong tanong habang unti-unti akong bumababa ng kama.
"Kung ano ang dapat, kung hindi ka magtatanda hindi ka na makakalabas" banta nito.
Napangiti ako sa inis ng maisip ko kung ano na ang magiging buhay ko ngayon.
"Wala pa rin akong balita sa kanya, holidays pa naman ngayon" sabi ni Jane ng hindi pa rin niya ako makontact.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko Jane, pag nawala si Kyle, masisiraan na ata ako ng bait" sabi ni Tomy na halos hindi nakatulog buong gabi.
Samantalang.
"Wala ka bang pasok ngayon? Bakit nandito ka pa Kuya?" Tanong ko ng makita ko si Kuyang nakatambay lamang sa salas.
"Naka leave ako salamat sayo" sagot niya.
"Kuya please pakawalan mo na ako, kailangan kong kausapin si Tomy" pagmamakaawa ko.
Ngunit sarado pa rin ang isip niya at wala syang balak na palabasin ako.
"Naniniwala ka namang mamahalin ka nya?" Tanong ni Kuya.
Seryoso na ito at naghihintay sa aking isasagot. Totoo ang sinasabi ni Kuya, kahit ako ay hindi sigurado sa nararamdaman sa akin ni Tomy.
"Ano? Hindi ka makasagot, tama ako di ba?" Natatawa niyang sabi.
Bumalik na ako sa aking silid at hindi na ako nag almusal pa.
"Pinatrace ko na sa kaibigan ni Papa ang address ng kuya ni Kyle naghihintay na lang ako ng update" paliwanag ni Tomy kay Jane.
"Pasensya ka na Tomy, hindi ko kasi alam na mabigat pala pinagdaraan niya" sabi ni Jane.
Nang maghiwalay sila ni Jane ay tumawag si Eunice sa kanya.
"Anong kailangan mo sa akin? Busy ako kaya bilisan mo" sabi ni Tomy ng makipagkita ito kay Eunice.
"May gusto akong sabihin sayo Tomy please lang bigyan mo ako ng chance" pakiusap ni Eunice.
"Ano pa bang pag uusapan natin? Iniwan mo na ako, may iba ka na" sumabat ni Tomy.
"Magulo lang ang isip ko noon, nasasakal ako sa relasyon natin, pero, pero narealize ko na mahal kita, mahal kita Tomy" paglalahad ni Eunice.
Hindi alam ni Tomy kung paano siya mag rereact dahil sa mga panahong ito ay ang kalagayan ko lamang ang nasa isipan niya.
"Please ayusin natin ito" nagmamakaawa si na si Eunice.
Hinawakan niya ang kamay ni Tomy, ngunit agad din naman itong inalis ni Tomy.
"Nung iniwan mo ko, akala ko katapusan na ng mundo ko" pasimula niya, "Noong panahong gusto ko ng mamatay dahil wala ng silbi ang buhay ko, dumating sya"
"Yung lalaking Med student na kapitbahay mo?" Paglilinaw ni Eunice.
"Oo, pinaramdam nya sa akin na masaya pa ring mabuhay kahit ikaw ang mundo, binigyan nya ako ng rason para muling maging masaya" sagot ni Tomy.
BINABASA MO ANG
Andy's Crush
Любовные романыSimula ng mawala ang papa ni Kyle sa isang aksidente ay naging malayo na ang loob niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Ceejay. Nag aral siya para maging doktor dahil iyon ang gusto ng kanyang kuya. Kahit labag sa kalooban niya. Mabuti na lama...