Una sa lahat, naisipan kong gawin ang story na ito dahil sa mga nanghihiram ng ballpen tapos hindi na naibabalik. :) I guess na halos lahat naman sa inyo ganun diba? Pero mas okay na yun. Kesa naman yung malingat ka lang, bye-bye ballpen na kaagad. (-.-) at uso yun sa amin. :D
I want to dedicate this one to Phoebe Kaye Antonio. :) As what I've promised.
So here it is! Enjooooy. :')
***
Shanna's POV
Yeeeeees! Graduating na ko. Take note, college na ko ah?! 4th year college na ko ngayong pasukan. At nandito nga ko sa finance para magbayad ng tuition fee. May mga bumabati saakin. Pero hindi naman ako pala-kaibigan kaya hanggang batian lang.
"Miss, pwedeng pahiram ng ballpen?" tanong nung lalaking nasa unahan ko. Goooood! Si crush pala ito?! Ang gwapo niya pa din talaga! :D At first time niya akong kausapin ah? :')
Inaatake na naman ako ng kalandian ko. -.-
"Here." matipid na sagot ko. Kahit na gusto kong magwala dahil sa kilig ay pinigilan ko pa din. Nakakahiya kasi yun diba?
"Thanks."
Ang tagal niyang nagfill up tapos nakita ko sa pangalan niya na Shawn naman pala ang pangalan niya. Apat na taon ko na siyang nakikita pero hindi ko pa din siya kilala. Ang shunga ko noh?! Hindi kasi ako marunong magstalk.
Pagkatapos niyang magfill up, nagbayad na kaagad siya tapos umalis na. Nung nakalayo na siya tsaka ko lang narealize na nadala niya pala yung ballpen ko! Dapat ako na lang dinala niya eh! Dapat talaga ako na lang! Nakakainis namna siya! Hindi ko na siya bati! Hindi ako yung dinala niya eh. -.- K. Spell malandi? S-H-A-N-N-A
Kelangan kong makuha yung ballpen na yun eh. :( Yun ang dahilan kung bakit ako kinausap ni crush. Kaya naman, kahit sobrang haba ng pila, eh umalis ako at hinabol ko si crush.
Kung san san na ko napadpad pero wala pa din siya. Halos maikot ko na yung buong school. Pati sa cr ng boys hinanap ko siya. Pero wala talaga. :(
Shanna naman kasi! Ang desperada mo eh. Ang kelangan mong gawin ngayon ay mag-enrol diba?! Hindi maghanap sa taong ayaw namang magpakita sayo. Tapos heto ka, nanlulumo ka kasi iniwanan mo yung pila mo para sa taong hindi ka naman kilala. Lalong lalo na, para ka namang tanga kasi sasabihin pa sayo nun, ang OA mo. Eh ang mura lang naman ng ballpen diba?! Nakakainis ka na Shanna! Nakakainis ka!
Sa sobrang pagkainis ko ay naupo na lang ako sa parang benches dito sa oval. Maghihintay na lang ako dito hanggang sa kumonti na yung tao. :( Ang tanga ko naman kasi eh. Hindi ako nag-iisip.
"SHANNAAAAAAA!" sigaw ng isang pamilyar na boses. Kilala ko yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at tama nga ang hinala ko.
Si Shawn.
Si Shawn na may kasamang ibang barkada niya.
Si Shawn na may rosas sa kamay niya.
Si Shawn na may balloons pang dala-dala.
Si Shawn na nakaluhod sa tabi ng banner.
At ang nilalaman ng banner:
"SHAWN love SHANNA <3"
Tapos yung may hawak ng banner, yung t-shirt nila may nakasulat na:
"Can I court you?"
Napatunganga lang ako. Wala akong nasabi o nai-react. Naparalyzed ang buong katawan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganun?! Yung pinapantasya ko nagtatanong kung pwede akong ligawan?! Imposible yun. Siguro hindi ako yung Shanna na tinawag niya. Maraming Shanna sa mundo diba?
Lumingon pa ko sa gilid ko. Kaliwa at kanan. Harap at likod. Pero kami lang ang tao. NAsaan na ang ibang tao? Bakit nawala sila?
Bago ko pa malaman kung nasaan na yung mga tao, nasa harapan ko na si Shawn at hinawakan ang kamay ko. Itinayo niya din ako. Automatic na tumugtog yung A Thousand Years ni Christina Perri. Para kong babagsak anytime. Nanlalambot ang tuhod ko.
"Dahil sa ballpen Shanna. Dahil sa ballpen mo na hiniram ko. Dahil sa ballpen na nakalimutan kong isauli sayo. Dahil sa ballpen, nakausap kita sa unang pagkakataon. Matagal na kitang gusto. Matagal na kitang mahal. Hindi ko maamin sayo dahil nahihiya ako. Natotorpe ako na kausapin ka. Nagtry ako ng maraming beses upang makausap ka, ang kaso, lagi akong inuunahan ng daga sa dibdib. Hindi ko nga alam kung san ko nahugot yung lakas ng loob na naipon ko kanina para makahiram ng ballpen sayo. At pagkahiram ko nun, dun ko napatunayan na mahal pala talaga kita. Iba yung impact sakin ng pagkausap mo. Iba ka Shanna."
"Alam kong wala akong karapatan na itanong ito. Pero, masyado na kitang mahal para hindi pa ko umamin sayo. Shanna, can I court you? Kahit hindi ka pumayag, liligawan pa din kita. Papatunayan ko sayo na mahal talaga kita. Shanna. Mahal na mahal kita."
Naiyak ako. :'( Kung hindi dahil pala sa ballpen kanina, wala siyang balak na ituloy ito. Siguro tadhana na talaga ang naglapit sa amin. Tadhana na ang may gawa nito. Kaya sino pa naman ba ako para tumutol diba?! :) Go lang ng go!
"Mahal din kita Shawn. At hindi mo na kailangan pang ligawan ako. Dahil simula sa araw na ito, tayo na."
He didn't say even a word. He just hugged and kissed me.
And I'll not regret this day.