***
CHAPTER 1"Shaira! Your turn!" utos sa kanya ng kaibigan niyang si Samantha o mas kilala sa tawag na Sam. Alas siyete nang gabi at magkasama pa ang magkaibigan sa isang alumni homecoming event sa Philippine University. Imbitado sila sa ika-102 years ng nasabing eskwela. Shaira Lancaster, bente kwatro anyos at isang freelance singer. Kung saan-saan siya inaarkila dahil kasama na rin ito sa raket niya pagkatapos ng trabaho nila ni Sam sa isang Insurance Company.
Sinimulan niya ang pagkanta ng isang classic song mula sa Carpenters, ito ang timbre ng kanyang boses at most requested playlist. Naging paborito niya ang kantang ito dahil sa ina sa probinsya ng Bukidnon. Nang matapos si Shaira, pagbaba niya ng backstage nakita niya ang kaibigang si Samantha na umiiyak.
"Oh bakit?" tinanong niya rito.
"Hindi ako pwede sa susunod na raket!"
"Ha bakit?"
"Iyong kapatid ko kailangan ko siyang uwian, na aksidente raw sabi ni mama. Pwede bang ikaw na lang ang pumalit sa akin? Sayang naman 'yon, Shaira. Malaki ang bayad nila," giit ni Sam pagkatapos ay kinalikot ang kanyang bag para maibigay ang invitation sa event na ipapasa kay Shaira.
"Dalawa 'yan, 'tong isa kakanta ka sa patay, tapos kinabukasan sa kasal ka naman kakanta. Pasensya ka na, baka kasi masira ako kung hindi ako sisipot," dagdag ni Sam.
"Sige, walang problema! Alam mo namang rakitera tayo! Basta balitaan mo ako kung kamusta na ang kapatid mo ha?" pagyakap niya sa kanyang kaibigan.
Pauwi si Shaira habang nag-aabang ng G liner bus upang makauwi. Pinagmamasdan niya ang dalawang invitation na ibinigay ni Sam sa kanya.
"Ang Bongga naman nang patay na kakantahan ko, pagkatapos itong wedding invitation ang ganda. Patay na patay ang puso!" pagbibiro niya at pinara ang dumating na bus. Pagsakay ni Shair, tiningnan niya ang paligid at doon inilabas ang kanyang cellphone upang pakinggan ang kanta na kanyang kakantahin.
Birthday party, patay, kasal at all seasons event ay kanyang papatusin para sa ipapadala niyang pera sa ina na may diabetes. Ipinanganak siya na may simpleng pamumuhay, habang ang ama niya na isang magsasaka ngunit agad itong sumakabilang buhay. Mabuti at nagtapos na siya ng kanyang pag-aaral bago pa nawala ang kanyang ama. Nagtatrabaho siya bilang isang training staff na parte ng Human Resource Department. Lahat ng mga bagong empleyado siya ang nago-orient at nakatoka rin siya sa mga job order.
Sinwerte si Shaira dahil hindi pa siya nakaka-tapak sa entablado para grumaduate, ay may nag-aabang ng trabaho para sa kanya. Nakalusot ang dalawa sa butas ng karayom sa kompanyang Razon's Insurance Company. Pero hindi kuntento ang dalaga sa kanyang sinasahod, kailangan niyang makapag-ipon ng mas malaki para sa mahal na maintenance ng ina.
"Walang kikilos! Hold-up 'to," nagsigawan ang mga tao dahil dalawang lalaki ang pumapalibot sa kanila. Isa sa harapan at isa sa likuran. Nagulat si Shaira nang bigla siyang hatakin ng lalaki at hinawakan sa leeg.
"Manong! Maawa ka!" dahan-dahan niyang itinago ang kanyang cellphone para hindi ito manakaw.
"Asan ang cellphone at wallet niyo?!" sigaw nito at nagsisigawan ang ilang pasahero, nang tinutukan siya ng kutsilyo.
Tumigil ang bus pagkatapos ay umalma ang driver at konduktor. Binugbog ang nasa unahang kasamahan sa pagnanakaw. Hindi pa rin binitawan si Shaira ng lalaki at mas lalong humigpit ang hawak nito sa kanyang leeg.
"Aray!" nagulantang si Shaira nang bigla siyang iligtas ng lalaking naka-jersey at binalik ang gamit niya.
Alisto ang driver ng bus at diretso ang destinasyon sa Police Station. Na-ipakulong ang dalawang holdaper na gustong nakawan ang buong bus. Matapos ang ilang imbestigasyon at pagtatanong, balik pasada ang driver at si Shaira na tahimik na nakaupo. Hawak niya ang kamay na natamaan ng kutsilyo at wala paring tigil ang pagdugo. Nagamot naman ang sugat niya pero hindi sapat dahil gusto na niyang umuwi para magpahinga.
"Hay, ikaw pang cellphone ko ang mawawala," pinunasan niya ang kanyang cellphone, ingat na ingat siya rito dahil sa dugo't pawis niyang pinag-ipunan para lamang makabili ng maayos na gamit.
"Are you okay?" tumabi sa kanya ang lalaking naka-jersey na nagligtas sa kanya. Nagulat siyang hinawakan nito ang kamay niya at inilagay ang panyo para matakpan pa ang kanyang sugat.
"Next time, huwag kang mag-cellphone sa bus, walang pinipiling oras ang mga magnanakaw. Babae o kalaki kaya nilang saktan," pagngiti nito sa kanya at pakiramdam ni Shaira nangangamatis na ang kanyang mukha sa kilig. Sinong hindi kikiligin sa lalaking ito na ubod ng gwapo at kayang tunawin ang puso niyang na-ilibing sa lupa?
"Hey are you okay namumutla ka?" nagulat si Shaira at parang nabuhusan ng malamig na tubig. Buong akala niyang namumula siya, kundi namumutla na pala dahil hirap sa paghinga.
"Here, water," pag-offer nito at ininom naman ni Shaira ang tubig.
"I'm Manuel," inilahad nito ang kanyang kamay at nagdalawang isip pa si Shaira bago i-abot ang kamay.
"I'm Shaira, salamat pala kanina tsaka ngayon."
Bahagyang natawa ang lalaki sa kanya at umiling. "Bye!" pagpapaalam nito at bigla nalang bumaba ng bus. Sinundan niya ng pagtingin ang lalaking bumaba kahit na umaandar ang bus.
"Hala ang gwapo ni kuya," hindi niya alam kung kikiligin siya o magwawala sa loob ng bus. Isang Matipuno, maputi at nakasalamin na lalaki ang kanyang nakilala.
Naglalakad si Shaira pauwi sa kanyang nirerentahang apartment, hindi niya maitago ang ganda ng kanyang ngiti.
"Shit, ang gwapo talaga? Manuel ang pangalan niya? Taga saan kaya 'yon? Ano'ng Facebook niya? Grabe superman!"
Tila na conscious ang dalaga at pagdating niya ng mismong apartment, pinagmasdan niya ang sarili kung maganda ba siya kanina. Pagngiti niya, halos nanlumo siya sa kahihiyan dahil may tinga siya sa gitna ng ngipin.
"Pesteng dinuguan 'to! Bakit nasa gitna ka nang ngipin ko? Kaya ba siya tumawa at umiling kanina?" hiyang-hiya si Shaira at kinuha ang sipilyo upang linisin ang natirang dinuguan na sumabit sa ngipin.
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...