Ell POV
"Pre!" Umiwas 'agad ako ng tingin nang dumating sila.
"Uy, hi ladies!" Bati ni Dre, lumingon ako sa kan'ya at ngumiti ng tipid.
"Ano meron? Bat' kayo nandito?" Nial asked
"Napadaan lang. Sige, uwi na kami!" Maktol n'ya pa.
"Uwi ka, bat' nandadamay ka pa!" Drea replied.
"Luh, ikaw ba inaaya? Si Kiel kaya! Papansin..." I shook my head nang magtalo na naman sila.
"Tanong ko lang... Do you... Uhm, gusto n'yo ba ang isa't isa?" I asked
"Hindi! Pota, kadiri!"
"Eww!"
Sabay na sagot nila. Tumawa ako at tumango."Okay, 'wag magalit!" I said
"Nice joke, Ell!" Dre answered
"Una na nga ako!" Drea said and kissed my cheeks,"Bye! Ingat kayo."
Kumaway ako sa kan'ya nang makalayo na s'ya.
"O s'ya, una na rin ako at magtitinda pa 'ko." Nial said
"Sama ako!" I pouted
"Ha? Bakit?" He asked
"Gusto kong tumulong. Sige na, pumayag ka na!" Nagpaawa ako sa kan'ya. Napakamot s'ya sa batok.
"Sige na nga!" I smiled,"Kayo pre? Sa'n kayo?"
"Sama na lang din kami. Tara na!" Dre answered, ngumiti si Nial at tinapik ang balikat n'ya.
Magkasama kami ni Nial. Tinuruan n'ya rin ako kung pa'no ibalot 'yung sampaguita at kung gaano karami 'yung ibibigay ko.
"Huwag kang lalayo ah," He remind me. Masaya akong tumango.
"Yes, sir!" I smiled
Ilang minuto ang lumipas pero wala pa rin akong nabebenta. Ngumuso ako at tumingin sa paligid.
"Marami palang nag-bebenta neto!" I whispered, dahil nga Sunday ngayon maraming tao sa church at marami ring may hawak ng sampaguita.
Pinanood ko sila kung pa'no mag-benta. Tumango-tango ako at ginaya ang ginagawa nila.
"Sir, sampaguita?" I offered, hindi ako pinansin ng matandang lalake at nilampasan lang ako! Tch! Okay!
Naka-ilang alok na ako ngunit wala pa ring bumibili! Ang hirap pala neto! Akala ko madali lang.. nakakainis pa minsan, kasi 'yung iba tinatarayan pa ako!
Pinunasan ko ang pawis ko at bumuntong hininga.
"Ganda, pabili ng sampaguita!" Nabuhayan ako ng loob nang may lumapit na Ale sa'kin.
"Sige po! Sampu lang po 'to, mura lang po, diba?" Tumawa s'ya at inabutan ako ng sampu.
"Sige ganda, pabili." She replied, ngumiti ako. Natagalan pa ako sa pagbalot ng sampaguita dahil hindi pa ako sanay.
"Salamat!" I smiled
Ilang sandali pa, dumami ang customer ko kaya nataranta na ako.
"Bago ka rito, ano?" Someone asked
"Hindi po! Matagal na!" I lied
"Bakit nga-"
"Eto na po sampaguita n'yo." I said, kanina pa s'ya sa harap ko, he's asking me a nonsense questions!
"Ell," Ngumiti ako kay Nial at kumaway."Hoy, ano 'yan!" Lumapit s'ya sa lalaki na nasa gilid ko.
"Pinicturan ko lang boss, ang cute kasi." He said, ano?!
BINABASA MO ANG
Drowned by Love
Teen FictionIba't ibang storya ang matutunghayan. Iba't ibang pinagdadaanan ang matutuklasan na sa murang edad ay mararanasan. Halikana't tunghayan ang mga nakaka-antig pusong storya nila. teen series #1