Chapter 4
Accepted
Nang dumating ang Sabado, sumama ako kay mama sa paglalabada sa isang bahay malapit lang sa amin. Pagdating namin doon, napag-alaman ko na bahay pala iyon nina Anya. Kapwa mababait din ang mga magulang ni Anya at pinakain pa kami ng tanghalian. Nang matapos kami, pinilit pa ako ni Anya na manatili dahil manonood daw kami ng palabas.
Ang bait niya. Tapos may kaya din sila. Tapos ang ganda niya pa. Flat screen ang kanilang TV tapos connected sa cable kaya may unlimited channels sila. Buong maghapon kaming nanood ng mga pelikula at nagkuwentuhan lang.
Huling linggo na ng Hulyo kaya nalalapit na rin ang exams namin sa unang semester ngayong taon. Kailangan kong mas pagbutihin at mag-aral nang mabuti. Kahit hindi na ako ang maging top one, kahit mapabilang man lang sa top ten. Ang hirap naman kasing kunin ang top one. Talagang matatalino din naman ang mga kaklase ko.
Mabuti na lang din at naging close ko na silang lahat. Mababait din naman sila kahit na madalas, maingay sa classroom. Madalas din kaming magkagrupo sa mga group activities kaya ganoon. Tsaka nakakainis na lagi kaming kinukumpara sa kabilang section na Galileo. Kaya hindi kami masyadong close sa kabila, eh.
Binilhan na rin ako nina Mama ng cellphone. MyPhone lang pero malaking tulong na rin ito dahil makukunan ko na lang ng litrato ang nasa PowerPoint. Kapag kasi nag-lelecture, kailangan ko pang mag-doble kayod sa pag-notes dahil walan naman akong cellphone sa simula ng klase. Ibang-iba sa mga kaklase kong ang gaganda ng mga cellphone na dala.
Naririnig ko ngayon ang palabas sa telebisyon mula dito sa kusina habang nag-aaral ako. Nakakatulong din naman kasi talaga itong kumpleto ako ng notes. Hindi na ako mahihirapan.
Namataan ko si papa na nakabihis na at dala na ang kaniyang pana para sa pangingisda. Humalik siya sa pisngi ni mama at kumaway sa direksyon ko.
"Chan, aalis na ako," sabi niya.
Nginitian ko siya nang natamis at kumaway. "Sige, pa. Ingat."
Mangingisda si papa sa gabi at sa umaga naman ay isang driver sa isang private van na nag-iikot ng mga turista sa buong isla. Si mama naman, tumatanggap lang siya ng mga labada sa mga kapit-bahay namin. Dahil ako lang ang nag-iisang anak, ako lang ang inaasahang tataguyod mula sa amin sa kahirapan. Kaya kailangan kong mag-aral nang mabuti. Para sa akin, para sa pamilya ko, at para sa kinabukasan namin.
Biglang tumunog ang cellphone ko, nagpapahiwatig na may nag-text. Ibinaba ko ang ballpen na hawak at tinignan kung sino nga ang nagpadala ng mensahe sa akin.
Unregistered Number
Hi Chan. Pwede bang manghingi ng notes sa English? JB nga pala to.Ay si JB lang pala. Akala ko kung sino. Classmate ko naman siya pero madalang lang kaming mag-usap. Kung tungkol lang sa mga group activities kaya hindi kami masyadong close.
To: JB
Okay. Pm ko lang sayo.From: JB
Thank you.Agad akong nag-online at kinunan ng litrato ang notes ko bago ipinadala kay JB. Chi-neck ko na rin ang gc namin kaso wala namang nag-iingay. Nag-aaral din yata sila. O kaya naman, nagrerelax kasi Sabado pa din naman ngayon. Malayo-layo pa ang Lunes.
Jansen Bryce
▪️active nowChandelier Qillambao sent 10 photos
Jansen Bryce
Salamat talaga ChanChandelier Qillambao
No problem.
BINABASA MO ANG
Field of Promises (SPSHS Series #1)
JugendliteraturSa isang grand high school reunion, muling nagkatagpo ang landas ng dalawang taong minsang naging tahanan ang isa't isa. Sabi nila, first love never dies. Sabi naman ni Chandelier, first love doesn't have to be forever. Will love really be sweeter...