Chapter 6

116 17 20
                                    

Chapter 6

Reality

Hindi ko na alam kung ilang segundo na ang nasayang namin habang nakatayo lang kaming dalawa rito. And I honestly don't know what to do!

It's true what they say. History repeats itself.

I sighed in defeat. "I-I'm sorry," nauutal kong sabi. Nakakahiya! Para akong bumalik ulit sa panahong Grade 7 pa lang ako at may malaking crush sa kaniya.

He chuckled. "Okay lang. Basta 'wag nang maging tanga sa susunod, ha?" he said.

But why did that line seem familiar?

Umangat ang tingin ko upang salubungin ang nanunuya din niyang tingin. "Did you just repeat what you said to me years ago nang ma-mantsahan ko ng sauce sa fishball ang uniform mo?"

He laughed before reaching into his pocket for a hankie. Pinunasan niya ang naglalagkit na niyang Fubu poloshirt na ngayo'y amoy beer. "Yes, I just did."

Thank God, we're talking casually. Parang walang nangyari, ah.

Tumawa ako bago napako na naman ang tingin sa basa na niyang damit. "Look, I'm really sorry. I'll just ask Joyce kung may dala siyang extra--

"No, it's okay--

"Hindi, tatanungin ko siya. Diyan ka lang--

May narinig kaming tawa mula sa aking likuran. I turned around to see Yllana and Joyce grinning widely. Pati na rin ang iba pa naming batchmates na nagmamasid lang pala, ang lalaki ng mga ngisi!

"SaChan part two na ba ito?" si Yllana na tumatawa pa.

Pinanliitan ko na lang siya ng mata pero mukhang hindi iyon tumalab dahil mas lumawak pa ang ngisi ng bruha.

Napatingin ako kay Joyce. Isa siyang scam! Ngumingisi lang ang bruha kaya't sumenyas ako na lagot talaga siya sa akin mamaya. Kaso, may kailangan pa akong hilingin sa kaniya.

"Joyce may extra shirt ka ba sa sasakyan mo?" I asked.

Napasinghap naman ang babae. "Aanhin mo ang extra shirt? May gagawin na ba kayong extra-curricular activities, eh kakikita niyo pa lang after all these years!" eksaherada niya pang sambit.

Hindi ko na talaga napigilan at kinurot siya sa balikat. Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko ang mahinang pagtawa ni Salih sa aking likuran.

"Gaga ka talaga. Para sa kaniya kasi basa na 'yong damit niya!" tukoy ko sa animo'y basang-sisiw sa likod ko.

Tumawa naman si Joyce at napatango-tango pa. "Ahh. Akala ko kasi. May t-shirt ng asawa ko diyan sa glove compartment. 'Di pa niya 'yon nagagamit." Dinukot niya mula sa bulsa ang susi ng kaniyang kotse at nilahad sa akin. Lumapit pa siya sa bandang tainga ko at may binulong, "safe is protected."

"Buang!" sabi ko na lang saka tinampal ang braso niya. Kahit kailan talaga!

Tinalikuran ko na ang dalawang bruha at tinatahak na ang daan papunta sa kotse ni Joyce. Nararamdaman ko ring nakasunod lang si Salih sa likod ko.

Leche talaga. Hindi na ako nag-tanda! Hanggang ngayon, ang tanga ko pa rin.

Literal o figurative?

Both. Dahil hindi rin mapigilang manginig ng mga kamay ko at lumakas ang tibok ng puso ko dahil nandiyan lang siya sa malapit.

Kumbaga, reflex na. Kapag pakiramdam ko'y parang nag-marathon na naman ang puso ko, paniguradong nasa malapit lang siya. And feeling like this, never put me in a good place.

Nasaan kami ngayon? 'Di ba sa reyalidad na hindi na kami sa isa't isa?

Huminto ako sa isang pulang sedan at in-unlock ang sasakyan. I opened the shotgun door and reached for the glove compartment. Agad ko ring nahanap ang t-shirt umano ng asawa ni Joyce. Kinuha ko iyon at nilahad sa kaniya.

"Heto oh. Magpalit ka."

Agad din naman niya iyong tinanggap. "Thanks. But it was unnecessary really."

I scoffed. "Unnecessary tapos mukha ka nang basang sisiw?"

He chuckled. "So saan ako magpapalit?"

Kumunot ang aking noo. "Aba'y diyan lang. Gusto mo ako pa ang mag-adjust para sa 'yo?"

"Baka kasi pagnasaan mo ako, eh."

Napairap tuloy ako. Ang kapal. Labag sa kalooban na tumalikod na lang ako. Bakit, masama bang tumingin? Ang laki na kasi ng pinagbago niya mula noon. Ang patpating stick figure na si Salih noon, well-toned na ang muscles ngayon. Pakiramdam ko nga, may abs din siya. Tanungin ko kaya?

"Tapos ka na? Nakapunta ka na ba sa mga batchmates mo?"

"Yup and nope. Hindi ko pa sila napupuntahan. Pupuntahan ko na naman sana sila kaso binangga mo ako't tinapunan ng beer mo."

I scoffed bago siya hinarap. "May tumulak sa akin kaya natapon ko sa 'yo ang beer ko. Kasalanan ko ba kasing nakaharang ka sa dinadaan ko?"

He already changed into a crisp white shirt. Ewan ko lang pero parang mas bagay talaga sa kaniya ang puting damit, eh. I wonder how he looks like in his coat and a stethoscope hanging around his neck. Siguro iba ang dating ng kagwapuhan niya kapag ganoon.

Tumawa na naman siya. "Aba'y sumasagot na itong si Chandelier. Baka nakalalimutan mong senior mo ako."

I smiled. "Baka nakalalimutan mo ring ex mo pa rin ako, Kuya Salih," sabi ko at diniinan pa ang pagkakasabi ng kuya.

He pursed his lips and closed the shotgun door. Humarap siya sa direksyon ng flagpole at ng pavement. Hindi ko rin mabasa ang mga mata niyang nakatingin lang sa kawalan. Napatitig na rin ako doon. Parang wala lang din naman kasing masyadong nagbago.

Napabuntong-hininga siya. "Naalala mo ba no'ng kinasal tayo sa Marriage Booth noon?"

"H-ha?"

"Noong kinasal tayo. Diyan sa field. Valentine's Day," sabi niya at nilingon ako. Parang... parang sinusubok ako ng mga titig niya. Biglang nagbago ang kaniyang aura at biglang lumungkot ang pagkakatingin niya sa akin.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong itanong sa kaniya ang mga bagay na hindi ko pa nalalaman. Kaso pinigilan ko na lamang ang sarili. Nangyari na. Nandito na kami. Hindi na namin maibabalik pa ang dati.

Pinilit kong ngumiti at ibinalik ang tingin sa tinitingnan naming dalawa kanina.

"Oo naman. Doon nagsimula ang lahat, 'di ba?" sabi ko.

Pero mas mabuti sana kung sinabi ko na, "Oo naman. Paano ko ba 'yon makakalimutan?"

***

Tweet your reactions using the hashtag #FOP6 (please?)

Field of Promises (SPSHS Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon