Chapter 5

102 18 25
                                    

Chapter 5

Closer

Dahil kakatapos lang ng exams, walang masyadong klase dahil nagiging busy na rin ang lahat para sa nalalapit na Araw ng Bayan. Kabi-kabilaan din ang mga nangyayaring auditions sa gym at sa harap ng faculty room.

At dahil na rin busy ang ilang teachers sa pag-compute ng grades namin, binibigyan lang kami ng activities o kaya'y binibigyan lang kami ng mga advance readings. Gusto ko nga sanang mag-advance reading kaso nahila na ako nitong dalawa at napilit manood ng mga auditions dito sa gym.

"Kakatapos lang naman ng exams, Chan. Magpahinga ka naman. Mag-eenjoy tayo, promise!" pamimilit pa sa akin ni Yllana kaya wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanilang dalawa sa gym.

Kahit hindi nila sinasabi, alam ko namang may mga crush yata 'to sila sa mga matatangkad na lalaki ng senior high. Dinadamay pa nila ako dito sa pagfa-fangirl nilang dalawa, tsk.

Nagsimula na nga ang auditions para sa modern dance competition. Grabe, ang gagaling sumayaw ng mga sumali. Tapos ang supportive pa ng mga kaklase nila na puro hiyawan at palakpakan sa kanilang bawat galaw. Lalo na itong dalawang katabi ko na talagang hindi mapirmi at talon nang talon. Gusto ko na lang takpan ang mga tainga ko pero huwag na lang.

Marami-rami din ang mga nag-audition. Mostly mga higher grades at bilang lang sa daliri ko ang mga Grade 7 na talagang nagpakitang-gilas sa gitna.

"Sisimulan na ngayon ang audition para sa Duet Competition at Huning Binisaya Competition," anunsiyo ng isang gurong nasa gitna. May katabi din siyang dalawa pang guro sa magkabilang-gilid niya at may mahabang mesa sa kanilang harapan. Nakakahiya mang sabihin na sa pangatlong buwan ko na sa skuwelahang ito, hindi ko pa kilala ang lahat ng mga guro.

Unang tumapak sa stage ang unang pares na sina Welyn at George. Pumalakpak din naman ako nang todo dahil kilala ko sila. Officers kasi namin sila sa Red Cross na kasapi din ako kaya kilala ko sila.

Nagsimula na silang kumanta nang tumugtog ang musika at pawang nakakahalina ang boses nilang dalawa. Iyon bang parang nakatadhana talaga ang boses nila para sa isa't isa.

Inakbayan ako bigla ni Joyce na humahagikhik na ngayon. "Pasasalamatan mo kami dahil sinama ka namin ngayon, Chan," sabi niya sabay tumawa.

Inangkla naman ni Yllana ang kaliwang braso niya akin habang nasa kabila ko naman si Joyce. "Yup. You're welcome agad," sabi naman ni Yllana.

Naguguluhan akong napabaling sa kanilang dalawa at napakunot ang noo. "Anong mayroon? Bakit?"

Umiling lang si Joyce at nginuso ang direksyon ng stage kaya napatingin ako roon. Kakatapak lang ni Salih na kasama si Divine sa stage. Sunud-sunod naman agad ang tili at palakpakan ng mga estudyante kahit pa wala pa naman silang notang inaawit.

Hindi ko rin maiwasang kabahan at mangatog ang tuhod habang nakatingin sa kaniyang suot ang simple niyang uniporme ngunit iba na ang epekto nito sa akin.

Bakit ba ang gwapo gwapo niya?! Tapos talented din pala siya? Tapos ang talino pa. Tapos ang bait pa. Ayoko na.

Nagsimula ang kanta at ang malamig at kalmadong boses ni Salih ang umalingawngaw sa sirang speaker dito sa gym. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata't dinama ang boses niya. Sunod ko namang narinig ang boses ni Divine.

Okay na sana, eh. Dumagdag pa siya, tsk.

Chandelier, ano ba! Huwag ka ngang ganiyan. Para kang tanga. Duet nga 'di ba? Para namang tanga kung nag-audition siya sa duet tapos isa lang siyang kakanta. Kaya mo nga siya crush kasi matalino siya 'di ba?

Field of Promises (SPSHS Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon