Chapter 7
Marriage Booth
Valentine's Day ngayon. Araw ng mga puso. Kaya ibig sabihin lang no'n, punung-puno ng decorations itong classroom namin. Kesyo daw unang Valentine's Day daw namin dito. Marami ring pakulo ang SG at Clubs. May Marriage Booth, Blind Date, may Freedom Board sa canteen, at marami ding nagtitinda ng kung anu-ano.
Hindi rin kami masyadong nag-klase sa first and second period namin ngayong umaga dahil sunud-sunod na pinapalabas ang ilan sa mga kaklase namin at automatic rin kaming napapasunod. Curious lang naman kami at isa pa, napaka-supportive kaya namin.
Ngayong third period naman, may pinakopya lang sa akin sa board na sinusunod kopyahin ng mga kaklase ko. Pinapabilis nga ako sa pagsusulat para daw makaalis na sila.
"Chan, malapit ka na bang matapos?" tanong ni Brian.
"Last two pages na lang," sabi ko habang hindi tumitingin sa kanila.
"Ano ba 'yan, gusto ko nang gumala."
Hindi ko na lang pinansin ang samu't saring reklamo nila. Wala din naman silang choice dahil kapag tumigil ako, malilintikan din kami kay Ma'am.
"Nandito ba si Chandelier Qill-- paano ba 'to basahin?"
"Chandelier Qillambao ba kuya? Ayun oh. 'Yang nagsusulat sa board," sagot naman ng isang kaklase ko.
Ha? Chandelier Qillambao? Ako 'yon 'di ba?
Hinarap ko ang direksyon nila. May dalawang lalaking seniors na nakatayo sa pintuan. Anong ginagawa nila dito?
"Bakit po, kuya?" kunot ang noo na tanong ko.
"Ikakasal ka na ngayon. Naghihintay na ang groom mo."
Ano? Ikakasal? Ako? Bakit?
Dahan-dahan kong binalingan ang dalawa kong magagaling na kaibigan na paniguradong may pakulo ng lahat ng ito.
"Joyce," mahinang tawag ko. "Yllana."
Nakatingin lang silang dalawa sa kawalan at umaakto pang hindi ako narinig.
"H-ha? A-ano kasi Chan..."
"Chan, sorry. Si Joyce talaga ang may kasalanan."
"Ha? Anong ako? Ikaw kaya 'yong nag-suggest, Yllana."
"Ikaw kaya!"
"Chandelier, kung hindi ka sisipot, okay lang naman. Basta magbayad ka lang ng Twenty Pesos, okay na," sabat naman ni Kuya Senior.
Twenty Pesos? Ang mahal naman! Buong baon ko na 'yan, ah. Aish bahala na nga.
Binigyan ko na lang ng matalim na tingin ang dalawang bruha at ibinaba ang chalk na hawak ko. Padabog akong naglakad papunta sa pintuan at nauna nang maglakad ang dalawang senior na sumundo sa akin. Punong-puno pa ng chalk ang kamay ko pero bahala na. Sino ba kasi ang 'groom' ko kuno? Nakakainis.
Nararamdaman ko namang nakasunod din sa akin ang mga magagaling kong classmates na humahagikhik pa. Sila na lang kaya ang ikasal? Tutal ang saya-saya pa nila, eh.
"Kuya, sino po ba ang groom ni Chan?" tanong ng isa ko na namang classmate. Napaka-usisera talaga.
Tumawa naman iyong isang senior sa harap. "Basta malalaman niyo din. Ayun oh," sabi niya't tinuro ang isang lalaking nakatayo sa labas ng isang tent sa gitna ng field.
Matangkad siya na medyo payat. Maputla rin ang kaniyang balat at nasisinagan ng araw ang kaniyang unipormeng kumikinang sa puti. Malinis din ang kaniyang gupit mula sa nakikita ko. Para siyang si Salih kapag nakatalikod.
BINABASA MO ANG
Field of Promises (SPSHS Series #1)
Teen FictionSa isang grand high school reunion, muling nagkatagpo ang landas ng dalawang taong minsang naging tahanan ang isa't isa. Sabi nila, first love never dies. Sabi naman ni Chandelier, first love doesn't have to be forever. Will love really be sweeter...