The Deal

2 0 0
                                    


Few hours before sunrise. . .

Athena's POV

Minasdan ko ang walang malay na hunter na nakahandusay sa sahig ng club ko. Nakapatong pa rin sa likuran niya ang lobong anyo ni Elijah.

"Sabrina!" Sigaw ng lalakeng hunter na kasama niya
"Darn you! Papatayin ko kayo!" Pagbabanta nito sa amin. Napatawa naman ang mga kasama ko sa saad niya. Unti-unti ko siyang nilapitan

"You hunters made a bad move coming here." Bulong ko sa kanila.

Napatingin ako kay Kiara. At sinenyasan siyang patulugin ang dalawang hunter na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin. Agad namang tumango si Kiara.

In just a snap or her fingers, bumagsak ang dalawa, at nawalan ng malay.

"Tie them up". Utos ko sa kanila.

"Paano 'tong isang 'to?" Tanong ni Angel. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong lumapit siya sa babaeng dinambahan ni Elijah.

"Tie her separately." Saad ko. I have a feeling na mas malakas itong isang to kumpara sa mga kasama niya. It would be risky na itali silang magkakasama.  Tumango lang si Angel at sinunod ang utos ko.

"Ang sakit" narinig kong saad ni Elijah,  na ngayon ay nasa taong anyo nya na. Hinihimas niya ang leeg niya.
"Tangina, black metal pa talaga ang sinaksak sa'kin" dagdag niya
"Gumaling nga pero ramdam ko pa rin ang sakit"

Black Metal, huh? Isa itong uri ng metal na ginagawang armas ng mga Hunter. Ito ay may kakaibang pinagmulan, na kahit ngayon ay walan

"Tell me about it. Ansakit din ng dibdib ko" saad ni Karlos na gaya ni Elijah ay hinihimas din ang parte ng katawan niyang natamaan ng kutsilyo kanina.

"Clean yourselves up, tas isunod niyo na rin tong buong club" utos ko sa kanila bago pumasok sa loob ng office kong nasa bandang likuran nitong club.

I sighed heavily as I leaned my back on the swivel chair. Ito na ata ang ika-anim na beses na lagi nalang kaming dinadalaw ng mga hunter galing sa Council, pero di tulad ng mga naenkuwentro namin ngayon, di sila malalakas. Lahat sila, napatulog ng kakaibang sleep tonic ni Kiara, na lagi namang nilalagay ni Elijah sa inumin ng mga hunter na nagpapanggap bilang costumer namin sa club, para lang manmanan kami ng mga kasama ko.
Elijah a werewolf or Lycan pero may alam sya sa pag ba-bartending. I asked them to learn some skills na makakatulong sa pagmumuhay namin sa Havenswood. Si Kiara naman ay isang Grand Dark Witch —ang pinakamalakas na uri ng mangkukulam. Di tulad ng ordinaryong mangkukulam, ang mga Grand Witches ay may kakaibang kapangyarihan, at di lamang limitado sa paggawa ng potion at casting spell ang kaya nila.
Si Karlos naman ay isang Morphing Demon. Isang uri ng mga demonyo na may kakayahang mag ibang anyo, according to their will.  Si Angel, ay kababatang kapatid ni Elijah at isa ring Warewolf.  The last one, ang butler namin, si Cael, ay isang giant. Anak siya ng giant at tao.

We moved in Havenswoood dahil may nalaman akong impormasyon, na ang nilalang na kinamumuhian  ko at matagal ko ng hinahanap ay nandito -- sa Havenswood -- sa lugar kung saan ako pinanganak, kung saan nawala sa akin ang lahat , at kung saan nagsimula ang lahat ng gulo. We bought this club when it was put on lease, to blend in, pero dahil lagi lang sumusulpot ang mga hunter dito, natatakot na akong baka ma compromise kami. I need to act now, or baka naman maunahan kami ng mga kaaway namin. 

Ang Havenswood ang pinakamalawak at pinakamaunlad na lugar sa buong mundo at siya ring tahanan ng mga hari at reyna ng mga lycan, bampira, at mga ordinayong tao. Nahahati ang Havenswood sa tatlong kaharian - North Haven, South Haven, at Central Haven. Ang North Haven ay pinamumunuan nina Haring Melchoir Diabolo at kanyang asawa na si reyna Lucinda Diabolo - ang mga pinuno ng mga bampira .  Ang South Haven naman ay pinamumunuan ni Haring Adalwolfe Oxtoa-- pinuno ng mga Lycan. Ang Central haven naman ay pinamumunan ni Haring Amado Ambrosio at ang kanyang asawang si reyna Arriana Ambrosio -ang mga tagapangmuno ng mga ordinaryong tao, at siya ring tagapagmuno ng Orion Council.

ImortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon