Kabanata 2

14.7K 347 21
                                    

''Ate para kang tanga'' sabi sa akin ni Raney habang nilalapag ko ang pagkain sa hapag kainan na nakangiti.

Inirapan ko siya ''Huwag mong sirain ang mood ko!'' asik ko sa kanya. Ang ganda-ganda ng mood ko tapos sisirain lang ng kapatid kong bakla?! Hmp!

''Ate, may nangyari ba sayo kagabi?'' tanong ni Gela habang kumukuha ng hotdog. Chismosa din 'tong isang 'to.

''Iniyot ka te?'' biglang tanong ni Raney kaya agad ko siyang sinapak sa ulo.

''Gaga ka! Kumain na kayo! Papatayin ko talaga kayo kapag narinig ni Papa iyang mga kabaliwan ninyo!'' I warned them.

She smirked ''Papang si ate nag pa iyot sa Boss niya!'' sigaw ni Raney. Mabilis kong sinampal ang bunganga niya.

''Gaga ka!'' aniko habang siya naman ay kinikiskis ang bibig niya na nasampal ko. Ito talagang mga kapatid ko.

''Ate masarap ba?'' tanong naman ni Gela. Tinaasan ko siya ng kamay kaya natahimik.

''Ikaw na bata ka! Napaka bata mo pa!'' sigaw ko kay Gela.

''Sorry ate'' she murmured.

''Ano iyong narinig ko!?'' Natigilan kaming lahat nang marinig ang boses ni Papa na pababa ng hagdan.

Sinamaan ko ng tingin si Raney na naka peace sign na.

''Papa, huwag kang maniwala kay Raney'' kumbinsi ko kay Papa.

Madilim ang mukha ni Papa na bumaba. Mukhang galit ''Ako Gianna ha! Hindi kita pinalaking mag pa ano lang!'' sigaw niya

Nanglaki ang mata ko ''Tay!'' saway ko. Pisteng Raney 'to! Tumatawa lang ang kumag! Tignan mo lang! Wala kang baon na malaki bukas.

''Tay may bisita!'' sigaw ni Gela habanang nakatingin sa bintana. Makikita mo kasi kaagad ang gate namin kapag tumingin ka sa bintana.

''Hala ate! Macho at gwapo!'' Raney giggled. Hinamapas ko siya sa braso.

''Tigilan mo ang Boss ko Raney''

Oo si Boss ang nandito at hindi ko alam kung bakit nandito siya. Mabilis ang tibok ng puso ko pero mas mabilis dahil sa kaba na baka sugurin ni Papa ang Boss ko na nasa labas. Iyon ang kinakatakutan ko na nangyayari na ngayon.

Nakita kong kumuha ng itak si Papa. ''Papa!'' sigaw ko at kinuha ang itak pero inalayo niya sa akin. Abo't abot sa langit ang kaba ko.

''Huwag mo akong pigilan na bata ka! Iitakin ko iyang boss mo! Wala akong pakealam kung siya ang nagpapasahod sayo!'' sigaw ni Papa at lumabas ng bahay na may dalang itak.

Problemado at kabado kong tinignan si Raney ''Tulungan mo akong ulol ka!'' sigaw ko sa kanya.

Agad namang tumayo si Raney sa hapagkainan kasabay ni Gela. Tumakbo kami sa labas. Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Boss. Nako! Nakakahiya!

''Papa!'' inawat ni Raney si Papa na akmang tatagain si Boss.

Mabilis akong lumapit kay Boss at inilayo siya kay Papa buti at hindi siya natamaan. ''Boss. Uwi ka muna'' aniko

''Wait. What's going on?'' nagtataka niyang tanong. Naka kaki jeans na pinarisan ng leather shoes with his t-shirt plain gray na hapit talaga ang Malaki niyang katawan. Amoy ko pa ang mamahalin niyang pabango. Iyong Bleu DE Chanel na pabango niya. Tapos suot niya pa ng wrist watch na mukhang mas mahal pa sa buhay ko. Umiling ako. Ano ba itong iniisip ko! Dapat ang iniisip ko ay si Papa.

''Panagutan mo ang ginawa mo sa anak ko!'' galit na sigaw ni Papa habang kumakawala sa braso ni Raney. Nakayakap kasi si Raney kay Papa.

''Papa! Natatakot ako!'' sigaw ni Gela kaya pilit namang huminahon ni Papa. Tumingin ako kay Gela. I mouthed her I love you tapos tinugunan niya ako ng wink na may na nakataas ang gilid ng labi. She mouthed me Baon. Alam ko ang ibig sabihan niya ay punan ko ang baon niya at dahil niligtas niya si Boss ngayon ay lalakihan ko ang baon niya bukas.

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon