Kabanata 3

13.1K 312 15
                                    

Tahimik lang ako habang napapa-gitnaan ni Boss at ni Lauro.

Ano bang magandang nagawa ko bakit biniyayaan ako ng ganitong eksena sa buhay?

Habang ako ay kabado si Papa naman ay nasa harap ng dalawa. Nagmamasid.

Si Raney naman ay parang nahihirapan kung sino ang pipiliin niya sa dalawa habang si Gela kinikilig para daw akong bida sa k-drama. Ginawa pa talaga akong koreana. Pure pilipina ako. Pure kaming tatlo. Maganda kaming tatlo kasi maganda lahi ng mga Pilipino.

''May gusto ba kayo sa anak ko?'' daritsaang tanong ni Papa. My eye widened in shock and disbelief.

''Papa!'' saway ko.

Tumingin sa akin si Papa at tinaasan ako ng kilay ''Nagtatanong lang naman ah! Imposible naman hindi magkagusto ang Boss mo sa'yo eh wala siyang lugi kapag ikaw. Maganda ka at sexy kasi anak ka ng ina mo'' sabi pa niya na parang pinaghahambog si Mama.

''Pa. Ako kamukha ni Mama'' sabat ni Gela na nasa likod ni Papa. Nilingon naman siya ni Papa.

''Oo nga. Kaya nga maganda karin'' sabi niya pa. Ngumiti naman si Gela at hindi na nagsalita.

Tumingin siya ulit sa dalawang kalakihan. ''Ano? Sagot!''

Nakaramdam ako ng hiya kay Boss. Hindi na ako makakaramdam ng hiya kay Lauro. Palagi siyang nandito kapag linggo, kasi nga nanliligaw. Hinahayaan naman ni Papa dahil mas mabuti ng nakikita niya ang panliligaw nito. Kay Boss lang talaga ako nahihiya. Naisipan ko din na bakit ba siya pumunta dito?

Ano bang kailangan niya sa akin? Day off ko na naman ngayon ah. Wala ba si Mama Alexa sa kanila? Yes! Mama Alexa na ang tawag ko sa Mama ni Sais este ni Boss. Mabait ang Mama niya at jolly, kasing jolly ko. Ang papa naman niya ay seryoso pero kung magmahal parang baliw. Sana all!

''Wala na po akong itatanggi dahil alam niyo naman pong matagal narin akong nanliligaw kay Gianna'' sabi pa ni Lauro. Hindi naman ako umimik.

Tumingin nalang ako sa kapatid kong si Raney na puro irap na sa akin. Ang baklang 'to!'

Pagkatapos ng speech ni Lauro ay bumaling naman ang tingin ni Papa kay Boss. Napatingin ako kay Boss. I want to know the reason why he's here in our house.

Malalim ang iniisip ni Boss. I bit my lower lip. Ano bang rason niya? Bakit nagpapa-intense siya?

Nararamdaman ko ang kaba habang naghihintay sa isasagot ni Boss.

''I came here to see the house of Gianna. To see the result of her hard work as my Secretary and I want to know the result of my decision when I accepted Gianna that day'' he said seriously. Nakaramdam naman ako ng dismaya. Oo nga pala. Secretary lang pala ako. Na secretary-zone ako ah!

Mukha namang nagustuhan ni Papa ang sagot ng dalawa. ''Sige, ang gagawin natin ngayon ay mag-inom ng maraming alak.''

''Pa!'' sigaw naming magkakapatid. Nagtawanan lang ang dalawa.

''Oo na, huwag na. Sige at magsisibak muna ako ng kahoy'' Tumayo na si Papa.

''I'll help you po'' sabi ni Lauro kay Papa.

''Bala kayo diyan'' Narinig kong sabi ni Gela at umalis para magtungo sa banyo.

Ngumiti naman si Papa kay Lauro. ''Aba'y sige ba!'' sabi ni Papa.

''Papa! Walang tubig! Pinutulan yata tayo ng tubig!'' narinig kong sigaw ni Gela

Napatingin ako kay Papa. Napakamot siya sa ulo ''Oo nga pala. Nakalimutan kong mag bayad kahapon''

Bumuntong hininga ako at tumayo ''Mag-iigib nalang ako sa poso!'' sigaw ko kay Gela.

''I'll help you'' sabi bigla ni Boss at tumayo narin. Napatunganga naman ako.

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon