Kabanata 4

11.9K 319 20
                                    

Malalim akong bumuntong hininga bago pumasok ng office ni Boss. Hindi parin ako maka move-on sa nangyari kahapon. Nakakahiya!

I slide the door to open. Mukha agad ni Boss ang nakita ko. Bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko pinansin. Dapat ipakita ko o iparamdam na wala lang iyon. Inilapag ko ang mga folder sa table niya.

Nanunuyot ang lalamunan ko lalo na't ramdam ko ang mga titig niya sa akin.

Paglapag ko ng folder ay umayos ako ng tayo. Tumingin ako sa kanya. He's grinning like a crazy person.

Tumikhim ako.

''You have a contract signing at nine AM with Mr. Prats and a meeting with the board at eleven to three in the afternoon,'' I said firmly and professionally.

Nakakailang talaga ang mga tingin niya.

He nodded ''Cancel the meeting'' he said and I'm shocked. Ngayon lang siya nagpa-cancel ng meeting. Kahit nga may date sila ni Ma'am Diane ay inuuna niya talaga ang meeting kaya nabigla talaga ako.

''P-Po?'' I can't believe it.

''I have things to do. Cancel the board meeting. May lakad ako sa oras na 'yan'' aniya.

Mabilis akong tumango-tango. ''Okay Boss'' aniko at tumalikod.

Papalakad na sana ako palabas pero nahinto ako ng magsalita si Boss.

''You'll come with me'' sabi pa niya. My eye widened as I turned to him.

''B-Bakit ako?'' gulat at nagtataka kong tanong. Kahit ako ay nagulat sa tanong ko.

Like duh! You're his secretary. Ano akala mo? Date kayo?

Tumaas ang kilay nito na mukhang hindi nagustuhan ang sagot ko. ''Bakit hindi ikaw?'' he fires back and I'm like...

Dumbfounded.

Inayos ko ang sarili ko. Napahiya ako duon ah.

''Yes, Boss'' sabi ko at tumalikod ulit pero nagsalita na naman ito.

''By the way...''

I turned again at him. Ano na naman?! Hindi niya ba alam na nakaka-inlove ang mukha niya? Ang hirap magpigil!

''Ano po? Boss''

''Refrain on calling me Boss outside. Just Sixto--''

''Sais!'' Sabay pa naming untag.

Natahimik ako. Okay. Mas okay ang Sixto. Siya ang Boss. Teka nga, ano bang nangyayari sa akin?

Nakita kong ngumisi sya. Shit! ''Sais then'' he said.

Hindi na ako nagsalita at tumalikod nalang. Mabilis akong lumabas ng office niya. Hinawakan ko ang parte ng puso ko. Nararamdaman kong mabilis talaga ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis. I breathe a deep breath.

Bumalik ako sa upuan ko at ginawa ang mga pinapagawa ni Boss. I cancelled the Board Meeting. Contract signing nalang ang gagawin namin ngayon.

Natapos ko narin kaagad ang mga Gawain ko. Nandito narin kami ni Boss sa isang Restaurant for ontract signing. Nasa tabi ako ni Boss at inaaalalayan silang dalawa sa pag pirma ng mga kontrata.

''Your secretary is so very active and eligible, Mr. Velasquez'' papuri ni Mr. Prats

Ngumiti ako kay Mr. Prats. ''Thank you, Sir'' pormal kong sabi.

''Do you have a boyfriend, Ms. Secretary?'' tanong niya. Napatunganga ako.

Napaigtad ako nang napalakas ang paglapag ni Boss sa kontrata. ''I don't want to sign this contract. This meeting is adjourned. Let's go, Gianna'' malamig nitong sabi.

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon