Kabanata 7

10.7K 263 9
                                    

Napuno ng missed call ni Boss ang cellphone ko sa mahigit limang araw. Sinabi ko na kina Papa ang pagkasesante ko, humingi pa sila ng tawad kahit wala namang kailangan ihingi.

Nagri-ring parin ang phone ko pero hindi ko talaga sinagot. Hindi dahil galit ako iba ang rason ko at iyon ay baka mahirapan akong maka move-on sa nararamdaman ko sa kanya kapag kinausap ko pa siya.

Inayos ko ang sarili ko at bumaba na. Dala-dala ko ang mga kailangan kong dalhin para sap ag apply. Mag-aaply kasi ako ngayon. Hindi ako pwedeng tumigil sa pagkayod sa buhay. Bumaba ako sa sala. Nakita ko si Lauro na nakaupo sa sofa habang kinakausap ni Papa.

''Lauro, anong ginagawa mo dito?'' tanong ko sa kanya. Martes ngayon kaya hindi ko alam kung bakit nandito siya.

Noong linggo ay nandito siya pero sadali lang dahil may emergency ang hospital na pinagtatrabahuan niya.

Tumayo si Lauro at si Papa. Nagtataka naman akong lumapit din sa kanila. ''Your father called me, nasesante ka daw sa trabaho mo'' Nakadama naman ako ng hiya. Sinabi talaga ni Papa iyon.

''Anak may good news'' masayang sabi ni Papa.

''I need a PA, kaya mo?'' tanong niya sa akin. Hindi kaagad ako nakakibo.

Pakiramdam ko ay gusto ko ng maiyak sa saya. Totoo ba ito?

''Hoy'' kinaway pa niya ang kamay niya sa mukha ko. Tulala parin kasi ako.

Mabilis akong yumakap sa kanya ng mahigpit at umiyak sa braso niya. ''Salamat Lauro'' mangiyak-ngiyak kong sabi.

Niyakap niya din ako pabalik. ''Sabi ko sayo babawi ako. Besides naging mabuti sa akin si Mang Gregor nuon, binabalik ko lang ang kabutihan.'' Wika pa niya.

''Salamat talaga'' Bumitiw na ako sa yakap at umayos ng tayo. ''Kailan simula ko?'' nakangiti kong tanong

He chuckled. ''Tomorrow'' sagot niya.

Buong araw kaming nagsaya buong pamilya. Si Lauro naman ay bumalik na sa Hospital. Alam kong mahirap mag adjust. Nasanay ako na si Boss Sixto ang Boss ko pero kakayanin ko, wala na naman akong magagawa, kasalanan ko naman.

Nakaupo kaming apat ni Papa sa sofa ng magsalita si Gela.

''Kanina ka pa bumubuntong hininga ate'' Nakuha ni Gela ang atensiyon ko.

''Malamang! Hindi biro ang masesante lalo na't sa Company pa ng mga Velasquez. Hindi man natin aminin, Malaki ang sahod ni Ate duon, kaya na nga tayong buhayin sa isang taon sa isang buwanan lang niyang sahod'' wika ni Raney habang nagco-cutics.

Hinawakan ni Papa ang kamay ko. ''Pasensiya ka na talaga, Anak. Kasalanan ko kung bakit nasesante ka. Gusto ko ngang puntahan ang Boss mo para naman makahingi ng tawad. Alam ko kasing mahirap talaga ang maging Boss tapos walang Secretary''

Alam ko na kung saan papunta ito. Sa history na naman. Mayaman naman talaga si Papa. CEO din siya pero mas pinili niya si Mama kesa sa pamilya niya. Ayaw kasi ng pamilya ni Papa kay Mama dahil daw mahirap lang si Mama. At dahil mahal na mahal ni Papa si Mama, pinili niya ito.

Hinawakan ko rin ang kamay ni Papa na nakapatong sa kamay ko. ''Pa, wala ng kaso iyon. Maging masaya nalang tayo kasi may bago na akong trabaho, may ipon pa naman ako kaya, kaya ko pa kayong bigyan ng pera'' hambog ko.

''Jollibee tayo!'' suggest ni Gela.

''Gela!'' saway ni Papa. Natahimik si Gela.

''Sorry pa'' Kamot ulo siya eh.

''Libre ko!'' sigaw ni Raney.

''May pera ka?'' tanong ko

''Oo ate, baka nakakalimutan mong binibigyan mo kami ng monthly allowance ni Gela tapos six thousand pa, marami kaya akong sobra''

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon