Who among the Three Little Pigs?

20 13 4
                                    

Ang totoo'y isang buwan na lang bago ako ikasal at gusto ko rin naman maging maayos muna ang lahat kahit halos isumpa ko na ang petsa ng aking kasal.

Siyempre, gusto ko pa rin makumpleto ang mga taong malalapit sa 'kin, kahit mukhang imposible.

Oo, isang buwan na lang, pero ayaw pa rin magpaawat ni Jackson sa pakikipagbalikan sa 'kin. Napakatagal kong hinintay ang araw na siya naman ang maghahabol sa 'kin. At ngayon ngang dumating na ang araw na 'yon, bakit hindi pa rin ako masaya?

On time nga kaya ang pagdating niya? Or it's too late? May magagawa kaya siya para pigilan ang pagpapakasal ko? O baka, wala naman talaga kina Jackson at Badr-al-Din ang gusto kong piliin?

It was late afternoon when I decided to walk on a playground with Stella. Sakto naman ang pagtawag sa 'kin ng kaibigang si Hye-jin na mahigit isang taon ko na rin hindi nakaka-bonding. Nasa Korea na kasi ito, at doon na nagpakasal.

"The question is, do you still love Jackson?" straight-forward na tanong nito mula sa kabilang linya.

"Siyempre, hindi na! Karupukan na lang kung hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Move on, Girl!"

"Iyan ang gusto ko sa fighting spirit mo, eh! But you cannot deny the fact that he is the biological father of Stella. Ayaw mo na ba talaga buoin ang pamilya ninyo kahit para na lamang sa bata?"

Napalunok ako. Napatigil sa paglalakad. Pansamantala kong pinagmasdan si Stella na abalang hinihipan ang mga bula galing sa plastic balloon.

"I don't love him anymore," iyon lamang ang nasabi ko matapos pakawalan ang isang napakalalim na buntong hininga.

"How about Badr-al-Din? Do you love him? Are you ready to be part of the Muslim community?"

Hindi ako nakapagsalita at napailing na lamang.

"From the very beginning, we knew na hindi mo naman talaga siya mahal. So, why marry him?"

"Dahil kailangan. Kailangan ko mabawi ang tiwala nila Lola at tita Miranda, pati ng mga kapatid ko. Kasi, gusto ko magkaroon ng buong pamilya at si Badr-al-Din ang sagot sa mga 'yon... Alam mo naman mga bata pa lang tayo ay nakatakda na ako maging pambayad ng utang, 'di ba?"

"Kapag lumaki na si Stella, sa tingin mo ba hindi niya rin hahangarin ang bagay na 'yan? Think of it, paano ka magkakaroon nang buong pamilya kung mismong ama ng anak mo ay wala ka? Besides, kung ipagpapalit mo rin lang si Jackson sa iba, siguraduhin mo naman sa taong mahal mo, hindi sa kung sino lang!

Zanabelle, kaligayahan at kinabukasan mo ang nakasalalay rito, hindi sa 'kin o sa mga kapatid mo. Zanabelle, ikaw ang gagawa ng sarili mong kapalaran. Minsan ka nang nagkamali at kailanman ay hindi na maitatama ang isang pagkakamali ng isa pa. Kaya sana, siguraduhin mong mabuti ang pagdedesisyon."

"Kung pipiliin ko ba ang sarili kong kaligayahan ay magiging masaya pa rin ako kahit alam kong may masasaktan? Hye-jin, ayoko na maging selfish."

"So, hanggang ngayon ay si Justine Ace pa rin pala. C' mon Zanabelle, akala ko ba graduate ka na sa kan'ya?"

"Akala ko rin nga, eh. B-but the last time na nagkasama kami ay para ba biglang nanumbalik ang lahat? Basta nagising na lang ako isang araw, mahal ko na naman siya."

"Zanabelle listen, hin-di ka ni-ya ma-hal. Ginawa ka lang niyang rebound noon at hindi mo kasalanan ma-fall sa puro paasa niyang effort. Ikaw lang ang masasaktan kung patuloy mo pa rin siyang mamahalin. Alam naman natin na masaya na siya kay Bela, 'di ba?"

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon