Prologue

8 1 1
                                    

A/n; first time kung mag sulat sa wattpad! At sana magustohan niyo! Anyeooong! Errors ahead.

••••••

Naalimpungatan ako ng may yumug-yug sakin. Sino bato?! Dahan dahan kung minulat ang mga mata ko, agad akong napabalikwas galing sa pag kakahiga at napatayo ng wala sa oras.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang ito.

"Dinadalaw ang prinsesa ko, may masama ba dun?"

Nanayo ang mga balahibo ko sa boses niya, parang nanggagaling iyon sa ilalim ng lupa. Manly pero nakakakilabot pakinggan.

Seryoso ko siyang tinignan, alam kung hindi iyon ang pakay niya.

Napabuntong hininga ito at tinaas ang dalawang kamay sa ere na nangangahulogan na sumusuko na ito.

"Kailangan mo ng pumunta doon" seryoso niyang sabi sakin habang nakatitig sa mga mata ko. Nakakapanghina.

"Saan?" Kunwari hindi ko alam kung saan. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Ayoko! Kahit anong mangyari hindi ako pupunta doon!

"Alam kung alam mo na ang tinutukoy ko" mas lalong lumalim ang boses niya. Nakakapangilabot.

"Ilang beses ko na bang sinabi sayo na ayoko?" Nakita kung nag iba ang awra niya kung kanina madilim, ngayon mas lalong dumilim. Galit niya kung tinitigan. Oh-oh! Ginalit ko ata siya!

"Kahit anong gawin mong pag takas, alam kung pupunta ka din doon, samin" seryoso niyang sabi sakin at bigla nalang nag laho. Napabuntong hininga ako.

Pinipilit niya parin akong pumunta sa tinatawag nilang-

"Demon Academy"

••••••

Demon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon