Weeks have passed and things between 'drew and I are getting worsed. Yung simpleng tampuhan lang, bigla nalang lalala. Ang simpleng pag iwas para magpalamig na dapat ay ilang oras lang ay humaba na ng humaba.Hindi ko rin alam, pero nagsimula lang naman ito when he started to look more from me. Since nasa iisang circle of friends lang naman kame, syempre palaging magkakasama ang barkada. Naiinis sya kasi nawawalan na kame ng time sa isa't-isa-madalang na kameng mag usap ng kami lang dahil nga madalas nandyan ang barkada na kasa-kasama namen.
I honestly don't know what's wrong with that. My friends are everything to me and I will always, always spend more time with them.
But maybe he's right. Siguro nga ang galing-galing ko sa iba samantalang pagdating sa kanya halos wala na akong oras. That's why I make it up to him. Bumawi ako.
Nag-request sya ng alone time kasama ako at walang pag-aalinlangang sinangayunan ko yon. Para maiparamdam ko sa kanya na hindi nya kailangang kainggitan ang mga kaibigan ko. To make him feel that he matters too.
I thought its gonna be okey after that. We are trying to fix it and I'm really really trying to improve myself more for him. Kasi masyado nga syang mabait.
But things are getting more and more complicated as the days goes by. Samu't-saring problema na ang nabubuksan-Halos hindi ko na alam ang pinag-mumulan. It starting to irritate me. Maybe people would think that I'm a strong woman-but the truth is I'm weak. Mahina ako sa mga ganito. Hindi ko kinakaya ang sunod-sunod na problema dahil mas sanay ako na masaya lang palagi.
Noon pa man, palagi na akong pinapaulanan ng problema ng mundo. Sawang-sawa na ako sa mahahabang diskusyon kaya ang madalas kong ginagawa, tumatakas nalang. Duwag ako, oo. Ayoko sa problema. Sino bang may gusto non? Hindi ko na alam kung paano pa aayusin. It suffocates the hell out of me!
"Mame.. Tulala ka na naman" puna saakin ni camia na nasa tabi ko na pala. Napakurap-kurap ako.
"Ahh? Wala may iniisip lang ako" ani ko saka tipid na ngumiti. Napabuntong hininga sya.
"Tama na kasi yang kakaisip mo mame. Natutulog ka pa ba? Kawawa na yang eyebags mo ah? Tska kumain-kain ka nga mame! Namamayat ka na oh" napatingin ako sa kanya.
"So naniniwala ka ng nanaba nga ako?" natatawang sabi ko. Napairap sya.
"Oo na mame naniniwala na! Nanaba ka naman talaga eh, effective yung vitamins mo. Pero asan na? Bakit namamayat ka na naman ngayon?" napabuntong hininga ako.
"Ayaw ng tumalab eh."
"Eh pano nga kasi hindi ka nagka-kakain tska halos di ka na yata natutulog eh!"
"Eh alam mo namang may tinatapos akong scrap eh.." mataman syang tumingin saakin.
"Eh bakit ba kasi mina-madali mo?" malungkot akong ngumiti sa kanya.
"Para matapos na beks.. Nagkakasakitan nalang kame habang tumatagal eh." napabuntong hininga sya.
"Sure ka na ba dyan mame?" naluluha akong tumingin sa kanya.
"Eh ano ba? Ano bang mas dapat pang gawin? Hirap na hirap na ko sa kakaisip camia..." agad nya akong hinagod sa likod.
"Kung ano sa tingin mo ang tamang gawin mame, gawin mo lang. Nandito lang ako susuportahan ka.."
"Masama ba akong tao kapag mas pinili kong tapusin nalang bakla? P-para sa kaniya naman yon eh.. Kasi ayoko na syang masaktan pa. P-pakiramdam ko kasi hindi ko na maaayos pa ang sarili ko.. P-pinipilit ko naman eh.. Kaso ayaw talaga eh"
"Hush mame, tama na yan. Hindi ka masamang tao mame, naiintindihan ko ang point mo, wag kang mag-alala. Tsk umiiyak ka na naman eh, araw-araw na yan mame" aniya saka pinunasan ang luha ko.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Non-FictionA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...