Prologue

3.8K 85 2
                                    

A/N :
Warning:
This story contains some scenes that is not suitable for young readers.
Because there are some RESTRICTED parts.

ALL CHARACTERS, EVENTS , ORGANIZATIONS AND PLACES ARE FICTIONAL

————

"Sabi ko na nga ba at nandito ka" nakahalukipkip ako habang mataray na nakatingin sa dalawa.

Nakasandal sa pader ang babae hahalikan na dapat siya ni Jason. Sabay silang napalingon sa'kin at agad nagbaba ng tingin sa hiya 'yung babae, while Jason is not even affected. Nakangisi lang ito. Tinaasan ko agad siya ng kilay.

"Mauna na 'ko" mahinang sabi ng babae kay Jason at tinanguan niya lamang ito.

Yumuko muna ito, and I thought he's going to kiss her in front of me pero may binulong lang ito na ikinangiti ng babae. I saw how her cheeks turned red! Nangunot ang kilay ko. At ano naman ang binulong ng lalaking 'to sa kanya para mag-blush siya ng ganun?! Nagmamadaling umalis ang babae nang hindi tumitingin sa'kin. Obviously, she's embarassed. Napairap na lang ako at pinagmasdan itong umalis.


"Napaka-wrong timing mo naman. Hahalikan ko na eh" reklamo niya pero nakangisi pa din.

"Bago na naman? Kahapon iba lang yung kasama mo ah" pinameywangan ko siya.


Hindi ko na din maalala ang pangalan ng kasama niya kahapon. Ang alam ko ay nung nakaraan lang niya naging girlfriend 'yon tapos ngayon ibang mukha na naman ang makikita kong kasama niya.

"Oh forget her. Sayang ang two days ko dun, hindi ko naman alam na bad breathe pala. I was about to kiss her yesterday nung maamoy ko" kwento nito habang nandidiri yung mukha. Pinulot nito ang bag niya sa sahig at sinukbit sa balikat. He combed his hair using his fingers to fix it.

"Let's go" umakbay na ito sa'kin at giniya na niya ako palabas ng abandonadong classroom.

This is his hideout every time na may kalokohan siyang gagawin sa mga nagiging girlfriends niya. Bukod sa nasa pinakamataas na floor ito ay wala din masyadong nagpupunta dito. Even the janitors do not go here. They only come here once a week to clean.


"What about the girl a while ago? When are you going to break up with her?" I asked while we are walking.

"Break agad? Hindi pa nga ako nakaka-score at first day pa lang namin ngayon. Kung hindi sana wrong timing ang pagdating mo eh" I rolled my eyes about what he said. So kasalanan ko pa?

"Well I'm glad na dumating pala ako."

Napatigil ako sa paglalakad nang mapatingin ako sa bulsa ng polo niya. Our uniform is white, kaya naman medyo naaaninag ko ang nasa loob ng bulsa nito. I got curious.

"What's that on your pocket?" Hindi ko na siya hinintay at inabot ang kung ano man yun pero agad din akong nagsisi sa ginawa ko.

"Oh my gosh!" Naibato ko 'yon sa kanya dahil sa gulat at dahil na din sa pandidiri.

"Huy, that's my precious partner! Grabe ka naman at binabato mo lang" sabi nito na parang wala lang sa kanya at pinulot yung maliit na sachet. Nilagay na niya ito sa bulsa ng pantalon niya.

"B-bakit, bakit meron ka niyan?!"

I'm sure namimilog na ang mga mata ko sa kanya. He gave me a bored look. Wala man lang siyang reaction na nakita ko 'yon, na para bang normal lang na magkaroon siya ng ganun. It's my first time to see that thing but I am not stupid to not know where they use it.


"Why do you have to ask me that? Alam mo naman kung saan ginagamit" balewalang sagot nito.

"Are you planning to have sex at dito pa sa school?!" Agad nitong tinakpan ang bibig ko.

Once A PlayboyWhere stories live. Discover now