Chapte 10

224 6 0
                                    

"Wess, dito mo na lang ako ibaba. Lalakarin ko na lang hanggang sa may gate."

Kapag kasi sa mismong gate niya ako ibinaba, siguradong pagkakaguluhan sya ng mga tao. Kilala si Wess sa buong bansa, sa bayan pa ba naman namin?

"Bakit hindi pa sa may gate? Baka pagpawisan ka Ianne."

Kung hindi niya lang ni-klaro sa akin kanina na wala siyang gusto sa akin, baka mag-expect nanaman ako. He isaacting like a boyfriend kasi.

"Umm kasi Wess, baka pagkaguluhan ka nila. Kung di mo alam, sikat ka lang naman dito sa buong bayan. Tsaka baka makita tayo ng mga kaklase ko. Gusto mo bang malink tayo sa isa't isa?"

Kung gusto mo ok lang naman sa akin. Sana pumayag ka na malink tayo, para wala nang didikit sa iyo.

"Fine. Sigi dito na lang kita ibababa. Baka pagkaguluhan ako. Ang gwapo ko kasi"

Ito ang unang pagkakataon na maging conceited si Wess. And I find it amusing and weird at the same time.

"Grabe. May bagyo ba? Bakit parang ang hangin??"

"Haha. Mahangin ba? Baka liparin ka totoy."

Sinamaan ko siya ng tingin. Oo na asar talo ako. How can he still call me totoy when I'm not thin but voluptous?

Bababa na ako ng kotse kasi naiinis ako sa kanya.

"Ianne, bababa ka na? Ito naman asar talo, galit agad. Sorry na uy."

Natunaw naman ang galit ko sa kanya. Oo na ako na ang mahina. Sino ba naman kasia ng hindi matutunaw kung ang sweet sweet niya.

"Oo na po. Hindi naman ako galit. Sigi na bababa na ako."

Hindi niya pinansin ang paalam ko. Abala sya sa pagtingin sa dumadaan. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya at nakita ko si Mikaella.

"Ianne kilala mo ba yun?"

Tinuro niya si Mikaella. Bigla akong kinabahan. Bakit niya pinagtutuunan ng pansin si Mikaella?

"Wess bababa na ako. Baka malate na ako. Mag-usap na lang ulit tayo sa bahay. At kung sakaling nagbabalak kang sunduin ako, please wag na."

Tuloy tuloy akong bumaba at di na hinitay ang sagot niya. Kung inaasahan niyang makakabalik pa sya sa school ko, pwes hindi na. Pakiramdam ko kasi hindi naman talaga ako ang oakay niya kung hindi si Mikaella.

Wala naman kaming ginawa buong maghapon kung hindi magpractice lang ng martsa. Hindi ko nga maintindihan kung bakit iyon pinapractice ng paulit ulit. Once is enough na sana.

Habang nagprapractice kami, hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang mukha ni Wess habang nakatingin siya kay Mikaella. Alam ko ang tingin na yun. Ganun din kasi niya tingnan si Clandine noon.

Nakakakaba ang tingin na iyon. Parang inaalis ang lahat ng natitirang pag-asa ko. Oo kilala ko si Mikaella. Sino ba ang hindi.

Mikaella Michelle Montaverde o mas kilala bilang Mikaella. Hindi naman siya kilala dahil anak siya ng politiko o dahil sa mayaman sila. She is well known beacause her beauty. Mukha nga raw syang angel eh.

Everytime na may party or event, si Mikaella lang ata ang hindi umuupo. Laging sya ang bida sa mga salosalo. She was even scouted by agencies para maging modelo, however ayaw niya.

May kaya ang pamilya niya. Pero hindi naman sila ganun kayaman. Ang alam ko paaral din sya ng mga de Silva pero hindi sila sa mansyon nakatira.

Trabahador din ng mga de Silva ang mga magulang niya pero dahil nakapagtapos ng kolehiyo kaya naka-assign sila sa business community.

Hindi kami close pero naging kaklase ko sya sa ibang subjects. Naging magkagroup pa nga kami. Himdi ko maintindihan pero mejo ilang sya sa mga babae, hindi ko nga sya nakausap sa buong duration ng activity. Hindi naman sya ganun sa mga lalaki.

"Vanity, ikaw lang pala ang nakakuha ng cum laude na parangal sa buong college business management, kung ganun ikaw ang mauuna sa pila."

Si miss Garcia ang nagsalita. Dean namin siya sa SABM.

"Yes ma'am"

"Ok next. Don't make me call you one by one. Make a line according to your last name starting from A. Faster para matapos agad."

Hay nakakasawa. Paulit ulit lang nag ginagawa namin. Tiningnan ko ang relo ko. 5:00 na pala. Sana matapos na kami.

Mga bandang 5:30 nang matapos kami. Bukas wala na kaming pasok. 3 days yun tapos graduation na.

"Vanity!!"

Napalingon ako sa tumatawag sa akin. Hay nako ang mayabang na si Rain Agoncillo lang pala.

"Yes mister Agoncillo? Do you need something from me?"

Aba at ngimiti pa ang loko. Nagsusungit na nga ako.

"Grabe naman Vanity, bakit ang sungit mo? I just want to congratulate you for being the only cum laude in our batch. I also want to ask you to come with me sa ball for graduates"

"I appreciate your greeting Rain, but I believe na I can't be your date sa ball. I'm really sorry."

Syempre hindi pwede. Si Wess kasi ang date ko.

"Bakit Van? May magagalit na ba kung pumayag kang maging date ko sa ball?"

Aba ay gumawa pa ng sariling endearment. Sapakin ko kaya to?

"I'm really sorry Rain. Kaya lang kasi I already said my yes to someone else."

Kahit naman naiinis ako kay Rain eh ayaw ko naman na maging rude sa kanya. Tsaka bakita ba ako ang niyayaya nito.

"Ayaw mo ba talaga. You can just dump the man you said yes to and just say yes to me. Sigurado namang mas bagay tayo kesa doon sa lalaking iyon."

Ayun na. Yun ang ayaw kong ugali ni Rain. Masyado syang conceited, narcissist and proud.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang braso ko. Pilit kong inalis ang pagkakahawak niya. Pero sa kasamaang palad mas humigpit pa ang pagkakahawak niya.

Nagumpisa nang mamula ng braso. Mabilis pa naman akong magpasa. Mabuti na lang at may nagalis ng kamay niya sa braso ko at hinila ako. Pag angat ng mata ko nakita ko si Wess.

"Ianne, are you alright?"

"Oo. Salamat"

"You..

Tinuro niya si Rain.

"I will tolerate the thing that you did to my girlfriend, pero the next time na makita ko na hawak mo ni dulo ng daliri niya, sisiguruhin kong hindi ka na makakatapak sa bayan na ito o kahit sa buong Pilipinas."

Umalis naman agad si Rain. Sino ba ang hindi matatakot? Or maiintimidate at least?

"Tingnan mo Ianne. Mabuti na lang at dumating ako. Kung hindi baka kung ank na ang nagyari sa iyo."

Suminghot ako. Ewan ko kung bakit ako umiiyak. Siguro dahil na-touch ako na niligtas ako ni Wess.

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako. Pinunasan niya rin yung luha ko.

"I'm sorry Ianne kung nagtaas ako ng boses. Natakot kasi ako. Paano pag nahuli ako ng dating."

"Thank you Wess, for being there and for saving me."

He hugged me tighter and I hugged him back.

Hindi ko naman naisip na ito pala ay pakunswelo lang sa akin ni tadhana dahil magiging kontrabida pala si Fate ng lovestory namin.

Chapter 10 is out!! Thank you for reading. ^-^

-carmela-

Next to youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon