Chapter 10: The 3 Idiots

616 13 1
                                    

Not A Dude

Amber's POV

Nakakatamad. Nakakainis.

Exam na naman kasi, di ako nakapag-review ng maayos dahil ka-skype ko si kuya kahapon. Aalis na kasi siya kaso di na siya makakapunta sakin dahil masyadong full ang sched niya

Mamimiss ko ang baliw kong kuya, pero may pag-asa daw na bumalik siya after 5 months which is December at pasko na!

"Inaantok ka, Amber-sshi?" tanong sa akin ni Liam "Oo. Ka-skype ko si kuya kagabi." sagot ko tapos napa-tsk tsk pa siya "Edi hindi ka rin nakapag-review? Bagsak ka na niyan!" sabi nito

Binatukan ko naman agad siya "Puta mo. Hindi naman ako ganon ka-bobo!"

Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa classroom, umupo na kami sa mga desks namin at kinuha ko kaagad yung notebook ko, magka-cram lang ako kahit konti, kailangan eh

Nagulat ako ng biglang hampasin ni Iñigo yung table ko "Ano na naman?!" naiiritang tanong ko sa kanya, epal nung bwisit na toh. Nagrereview ako eh!

Pagkatapos nung game namin last week, lahat kami naging close na. Nakakatuwa nga eh, hindi ko inakalang magiging ka-close ko yug mga dugyot na yun

"May napapansin ako sayo, Amber." sabi nito at linapit yung mukha sakin, nainis namanako kaya hinampas ko yung ulo niya gamit yung notebook ko "Tangina mo, Iñigo. Wag mong sirain ang araw ko, please?" sabi ko dito

"Joke lang. Apaka-sungit mo, gago." sabi nito at pinakyu ko lang siya, sa Tropang Potchi, siya yung lalaking madalas akong minumura. Eh minumura ko rin siya kaya ayos lang yun

"Layas na. Magre-review pa ako." sabi ko at tinataboy siya "Tsk. Mag-rereview ka pa?" mayabang sa sambit nito

"Oo. May pag-asa naman ako sa buhay hind tulad mo." sabi ko at tinalikuran siya, tangina nun. Lakas man-trip eh.

Bubuklatin ko ulit sana yung notebook ko ng biglang dumating yung prof namin, aish asar naman.

"Okay guys, keep all of your reviewers, we will start the exam." sabi nito at binigyan kami ng exam tapos nagsimula na kaming sagutan

*

Winston Cafeteria.

"Nasagutan ko lahat ng tanong sa exam!!" masayang sabi ni Iñigo "Wala kaming pakielam." mataray na sagot ni bading sa kanya

"Alam mo, Kiefs. Ang taray taray mo. Meron ka ba ngayon, ha?" nakakalokong tanong ni Iñigo, hindi na siya sinagot ni Kieffer at nag-roll eyes lang at tinuon yung pansin sa kinakain niyang burger

Bigla naman akong may naalala kaya huminga ako ng malalim dahil ang laka ng tibok ng puso ko

Hindi ako bakla

Hindi ako bakla

Hindi ako bakla

Hindi ako bakla

ANO AMBER? PAULIT ULIT? PAPATUNAYAN NA MAY FOREVER? :<

Pero shet. First time kong makita ang ganung side ni Kieffer, to the point na baka maniwala na ako sa sinabi niyang hindi siya bakla. Pagkatapos nung araw na yun, di ko na matitigan ng diretso si Kieffer sa mata

Natatakot ako. Baka mag-transform siya at maging lalaki ulit. Mas gusto ko yung bading siya, kasi yun yung Kieffer na nakilala ko

"Amber. Pinapatawag ka pala sa office." sambit ni Marco at nanlaki yung mata ko, hindi kaya... ALAM NA NILANG BABAE AKO?! EH KUNG GANUN, MASUNOG SANA SI LIAM.

Not A Dude [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon