P R O L O G U E
I love happy endings.
I believe in fairytales.
Mahilig ako sa mala-telenobelang love story.
Masyado ba kong hopeless romantic? Well, sino bang hindi?
Lagi kong pinapangarap na magkaroon ng love life na mala-magical katulad ni Cinderella, yung tipong life and death scenario katulad ng kay Snow White, at yung parang mala-Bella at Edward.
Masyadong mataas ang pangarap ko. Hindi naman masama diba? Wala naman nagsasabi na mamamatay ako kapag ganun.
Pero ano nga bang aasahan ko? This is reality, wala akong fairy god mother na tutulong sa akin at walang prinsipe na katulad ng kay Cinderella o Snow White.
Hindi naman sapat na mahal kita at mahal mo ako. Lalo na kapag ang mga tao na nakapaligid sa atin ang kalaban natin.
They always say we shouldn’t be together.
Dahil ba nakalaan ka para sa iba, pero ipinagpipilitan ko lang?
Pero diba kapag mahal mo, ipaglaban mo? Kaya eto tayo ngayon, pinaglalaban ang meron tayo.
Kasi kahit kailan hindi nila alam ang napagdaanan natin. They don’t know about us.
Will it be happily ever after o happily never after?
BINABASA MO ANG
They Don't Know About Us (ON-HOLD)
Teen FictionI got the inspiration from the song "They don't know about us" by One Direction. Favorite song ko po iyon. Gusto ko pong i-try na magsulat ng story about sa song. Please support. Thanks. -CAP