KABANATA: 05

1.2K 47 13
                                    

"Busog pa pala ako Kuya. Akyat na ako sa taas. Istorbo ka ng tulog!" pagbibiro ko.

Lahat sila nakatingin sa bawat galaw ko. Kinuha ko sa lapag ang bag ko saka kumuha ng isang basong tubig bago umakyat sa kwarto ko nang hindi sila nililingon.

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ba naiinis akong nakita ko nanaman silang dawalang magkasama.

Ano bang meron sa kanila?

Pagpasok ko sa kwarto dumiretsyo agad ako ng higa kama. I texted Clariz and Ethan, nag-thank you ako dahil sa pagasikaso nila sa akin.

Napatingin ako sa pinto nang may pumasok doon, may hawak siyang isang tray at mukhang hirap na hirap gumalaw. Nakalimutan ko palang i-lock ang kwarto ko.

Napa-irap nalang ako at di siya pinansin. Tinuon ko ang Atensyon ko sa phone ko dahil nag-reply si Ethan.

From: Ethan

Get well soon, Miss President.

"Magpalit ka na ng damit mo," napataas ang kilay ko nang magsalita si Daniel at inilapag sa ibabaw ng Study table ko ang dala niyang tray. "Then, eat this." aniya.

"Ano yan?" tamad na tanong ko.

"Lug—"

"Busog pa ako, Sir. Pwede lumabas ka? Inaantok kasi ako." pilit na ngiting sabi ko.

"Ayaw mo ba ng lugaw? What do you want? Ibibili kita." maamong tanong niya. Pinapakiramdaman niya ang sarili kung ano ang dapat na sabihin.

"Ayaw mo na sa Tint?" wala sa sariling naitanong ko na ikinakunot ng noo niya.

Ano bang sinasabi mo Mickalla?

Hindi siya sumagot at seryoso lang na nakatingin sa akin na para bang binabasa kung ano ang tumatakbo sa isip ko.

Inirapan ko siya saka tumayo, kumuha ako ng damit ko sa Cabinet ko saka naglakad papasok sa banyo para magpalit ng damit.

Bwisit! Bakit ba naiinis ako? Eh ano naman para sa akin kung sino ang babaeng yun sa buhay niya?

Sinadya kong tagalan sa loob ng CR ko para mainip siya at wala na pagbalik ko doon. Bakit ba kasi nandito siya? Hindi nga siya nag-klase kanina tapos ngayon nandito siya? Tss.

After 20 minutes, lumabas ako sa CR. Buti nalang dala ko ang phone ko kaya hindi ako masyasong na-bored sa loob. Siguro naman wala na siya sa kwarto ko.

"Eat now." napanguso ako nang makita ko pa siyang nasa kama ko at inaayos ang pagkain sa ibabaw ng Bed table.

"Lumabas ka na." hindi ko maiwasang ilabas ang inis sa tono ng boses ko.

Hindi ba siya marunong makiramdam? Kaya nga tinagalan ko sa loob ng CR dahil ayaw ko siyang makita!

"What's your problem?" pikon na tanong niya, "Ikaw na nga ang inaalala ganyan ka pa." aniya.

Wow!

"Sino bang nagsabing mag-alala ka?" tinaasan ko siya ng kilay. "What's my problem? You! Naiinis ako sayo kaya umalis ka, Alis!" lumapit ako sakanya saka ko siya pilit na itinutulak palabas sa loob ng kwarto ko.

"Don't shout, Paos ka." kalmadong aniya pero di ko siya pinansin at pilit pa ring pinapaalis sa kwarto ko.

"Alis! Alis!" sinusuntok ko ang braso niya para mawala ang inis ko pero walang talab yun sa kanya.

"What the fuck is your problem!?" napatigil at napanguso ako nang sigawan niya ako.

Parang may tumusok sa puso ko nang marinig ko yun. Napansin naman niyang di ko nagustuhan ang ginawa niya kaya pilit niyang pinakalma ang sarili.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon