“Bye Darlene!” sabi naming dalawa.
Nasa foyer na ulit kami ng orphanage. Nandun na rin si Mr. Pascual at nagb-bye. Pagka-alis ni Mr.Pascual, nagtanong na ako.
“Uh, PJ. Saan ba tayo pupunta?”
“Ah, malapit lang dito” sagot niya habang naglalaro nung susi ata ng kotse. “Hindi pa rin kasi ako nagla-lunch.”
“Ah okay sige.”
“Tara na?” tanong niya ulit.Tumango ako. At naglakad na siya papunta sa parking. Maya maya ay tumigil kami sa harap ng isang kotse. Pasakay na sana ako sa passenger side nang inunahan nya ako at pinagbuksan ng pinto. Ang gentleman naman. Nag-thank you naman ako. Sumakay na rin siya sa driver’s seat.
“Alam mo ba yung Carrie’s Diner?” tanong niya habang nangmamaneho.
“Ha? Sa Baguio ‘yun ah? Sabi mo malapit lang dito? Uy, bababa na lang ako, PJ”
Natawa na naman siya.
“Siyempre hindi yung sa Baguio. Nagbukas na kasi sila ng branch dito”
Ay. Ang shunga ko naman. Siyempre hindi sa Baguio. Nakakahiya!
“Joke lang. Ito naman” bawi ko. What a fail.
At natawa ulit siya. “So nakakain ka na nga dun?”“Oo, kasama ko yung pamilya ko nung nag-bakasyon kami dati dun.”
“Talaga? Ang sarap kasi ng pagkain nila kaya yun yung paborito ko.”
“Ako naman, yung theme. Nakakatuwa yung vintage theme. Pati yung music nila, vintage din.”Maya-maya pa, nakita ko na yung sign ng Carrie’s Diner. Parehas na parehas nung sa Baguio, well... branch nga eh. Inunahan ko na siyang bumaba. Napangiti na lang siya sa ginawa ko. Ayoko rin kasi ng pinagbubuksan. Parang ang baby ko. Oo, ang sweet. Pero enough na yung isang beses. Oo, ako na ang maarte.
Pagpunta namin sa pinto, sinalubong kami ng isang waitress.
“Good afternoon, sir. Table for 2?”
“Yes” sagot niya.Kilig.
Parang date talaga. Pero nope, Cassie--- I mean, Cassandra, hindi ito date. Mabait lang siya. Nahiya siguro kasi parang nang-indian siya kanina.
Kaunti lang ang mga customer pero parang hindi naman mukhang lugi sa konti. Umupo kami sa pinakadulong booth. Malapit kami sa isang jukebox. Ang cool talaga ng mga diner. Cool ng theme. Parang time-travel. Tapos pink, white and black yung colors nung resto nila. Medyo neon pink. Diner nga.
“Gumagana ba ‘yung jukebox?” tanong ko.
“Ay, oo. Mamaya patugtog tayo pagkatapos umorder. Or...pag kumakain na?”
“Pag kumakain na” sagot ko naman. Tumango naman siya.
Siyempre aantayin pa naman yung pagkain eh. Mas masarap mag-kwentuhan habang naghihintay. Tapos pag kumakain saka kami makikinig ng music. Wow, bilis ng utak ko no? Na-process ko agad yung moment.
Binigay na nung babae yung menu. HInanap ko agad yung chocolate shake. Hmm. Namiss ko ‘yun ah. Tapos burger and fries. Oh, masarap yun.
“Anong sa’yo?” tanong niya.
“Chocolate shake, burger and fries”
“Ha. Parehas pala tayo eh;”Soulmate, ehem ehem.
Bumalik na yung waitress at kinuha yung order namin, na parehas lang naman. Pagka-alis nung waitress ay nakatitig lang siya sa akin at naka-ngiti.
“Soooo….” simula ko habang umiiwas ng tingin.
“Soooo” sagot din naman niya.
“Um…” topic, topic, topic. “Ilang taon ka na?”
BINABASA MO ANG
The Leading Scorer
FanfictionWe all have that one huge crush on someone we know we would never ever have a chance with. Pero, lagi pa rin tayo nag-iisip ng differenct scenarios with them para lang ma-satisfy ang kung ano mang crush cravings natin. That's what Cassandra...