Kasey's POV
Kinakabahan ako sa gustong mangyari ni ken, paano kung magalit ang mga magulang nya sakin? Tapos ipatawag sina mommy at daddy? Hindi ko alam itong pinasok ko!
Malapit na ang birthday ko at ayoko namang mag celebrate nang may galit sakin ang mga magulang ko.
I love them so much. Mom, dad, pls forgive me huhuhu.
It's been a week since we talked about his plan na ipapakilala nya ako sa parents nya together with his future fiancé.
We have a date today, talagang tino-totoo na namin ang pagpapanggap. Syempre ginagalingan ko na kasi ang usapan namin noon ay 4 months akong magiging slave nya pero ang sabi nya kapag natapos itong pretend thingy namin ay matatapos na rin ang contract ko.
Sa isang linggong nakalipas ay nakakagaanan ko na sya ng loob, madalas ako sa condo nya- syempre slave pa rin nya ako kaya madalas ako don. Anong akala niyo ha?!
Pero dagdag points na rin yung pagiging madalas ko sa condo nya, kasi mas napapatotoo namin yung mga balita about samin.
Hindi na rin nya ko masyadong pinapahirapan. Sa isang linggong yon ay madaming emosyon na ang nakita ko sakanya, madalas na syang tumatawa na abot hanggang mata, madalas na rin syang ngumingiti.
Lagi kong ikini-kwento iyon kila nicole at karyl. Kapag ako lang kasi ang kasama nya saka lang sya ngumingiti at tumatawa.
Tuwing break time sa private room na kami kumakain lahat- red tigers at syempre kasama sila nicole at karyl. Sobrang saya pala nilang kasama. Mas lalong sumaya ang grupo naming tatlo nila nicole nang nagsama-sama na kami ng mga red tigers. Madalas din kaming tinutukso na madalas namang patulan ni ken.
*beep beep*
Lumabas agad ako ng bahay pagka-rinig ko ng busina ng sasakyan.
Wala sila mom and dad ngayon kaya naman malaya akong nakalabas ng bahay hehe.
"Hey." Bati sakin ni ken.
Nginitian ko naman sya. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Where do you want to go?"
"Sa amusement park!" Masayang sabi ko with matching clap ng hands pa na nakapag-patawa sakanya. Napangiti ako ng marinig ko nanaman ang tawa nya, ang sarap pakinggan ng tawa nya.
"Okay baby." Cina-career nya talaga! Kaming dalawa lang naman ang magkasama e.
Kenshin's POV
I saw her pouting. "Why?" I asked.
"Tayo lang naman dalawa ang nandito, di nila tayo maririnig kaya wag mo na kong tawaging baby. okay?" Nakakunot na ang noo nya at mas lalo syang ngumuso kaya napangiti ako- she's so cute!
"Aww!" Inda nya ng hinila ko ang nakanguso nyang labi. Ang cute nya talaga!
Inisnoban nya ako kaya napatawa nalang ako at napa-iling sakanya.
Kasalukuyan akong nagdra-drive ng mapalingon ako sakanya at nakitang nakanguso pa rin sya. Napatawa nanaman ako.
"Stop pouting baby or else I'll kiss you." Banta ko sakanya, kaya lang ay talagang makulit sya dahil inisnoban lang ako at mas lalong ngumuso.
"I told you don't call me baby. Wala namang nakakari--"
Hindi na nya naituloy ang sinasabi nya dahil nung nag red light ay dali-dali ko syang hinalikan- smack lang naman hahaha, kulit kasi e. Sinabi ng wag ngunguso pero mas ngumuso pa.
Nang tignan ko sya ay sobrang pula na ng mukha nya at nanlalaki ang mga mata nya habang nakatingin sakin kaya mas lalo akong napatawa. She never failed to amuse me.
"I already warned you baby." Nakangising sabi ko.
=×=×=×=×=×=
Your vote and comment is highly appreciated! Follow me for more updates!Vote•Comment

YOU ARE READING
My Slave is my Fiancée?!
أدب المراهقينPaano pag nalaman mong ang slave mo ay iyong fiancée?! At ito pa, nagpanggap kayong mag girlfriend, boyfriend para lang makatakas dyan sa 'kalokohan' (which is sabi ni kenshin) ng mga magulang nyo! Ano naman kaya ang magiging reaksyon ng mga magulan...