MSIMF 19

27 1 0
                                    

Kasey's POV

Kasalukuyan akong nagtatago dito sa sulok-sulok ng hallway habang naglalakad papunta sa room at naglagay rin ako ng earphone sa tenga kahit walang music.

Para akong tangang palingon-lingon, maglalakad at magtatago ulit. Paano ba naman kasi! Ayokong magpakita kay kenshin! Bakit kasi ako pa naisipan nong gawing pretend girlfriend nya?!

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad kaya lang ay nakita ko sila kenshin kasama ang grupo nyang red tigers na naglalakad papunta sa direksyon ko.

Holy sh*t

Tumalikod agad ako at dali-daling bumalik sa dinaanan ko kanina.

"Kasey!!!" Sigaw ni nicole at karyl.

Fvck! Malas!

Na-corner pa nga! Nasa likod ko ang red tigers samantalang nasa harap ko naman sila nicole, pero buti nalang nakayuko ako.

Diko sila pinansin, dire-diretso lang ang lakad ko. Naalala ko kasing naglagay pala ako ng earphone sa tenga ko. Save hahahaha!

"Uy si kasey raw!" Oh God zeidon! You shut up! Pls kahit ngayon lang huhuhu.

I'm doomed.

Dire-diretso lang lakad ko at liliko na sana ako kaya lang ay may biglang umakbay sakin na nakapag-pahinto sa pagtakas ko.

"Hey baby!" Bati sakin ni ken huhuhu

"Baby?!" Rinig kong sabi ng mga nakarinig sa paligid, syempre nangunguna ang mga kaibigan namin.

Mukhang wala ring alam ang mga red tigers sa pinag-usapan namin ni ken ah.

"H-hello hehe" awkward na bati ko kay ken at pasimpleng siniko ko ang tagiliran nya para sana mawala ang pagkaka-akbay nya.

"Ah!" Napatingin ako kay ken at sinalubong lang naman nya ako ng masamang tingin. Nakahawak sya kasalukuyan sa siniko kong tagiliran nya.

Hahahaha! Buti nga sakanya!

"Okay ka lang dude?" Tanong ni jacob

Tinitigan muna ako ng masama ni ken bago umakbay ulit at tumango kay jacob, hays di na madala! Pag to siniko ko ulit.

"Kelan pa'to?" Nakataas kilay si nicole saming dalawa habang nagtatanong.

Hot seat...

"Kahapon" sagot ni ken na parang walang pakealam.

Hinila na ako ni ken papuntang room at sumabay naman samin ang mga kaibigan namin habang binabatuhan kami ng mga tanong.

"How?" Tanong naman ni clinton

"Secret." Nakangising sagot ni ken at tumingin pa sakin at kinindatan ako.

Sundutin ko mata mo dyan e!

Tumingin naman sakin si clinton na may nagtatanong na mata dahil nga hindi sya sinagot ng maayos ni ken.

"Paanong naging kayo kuya e hindi ka nga namin nakitang nanligaw manlang kay ate kasey?" Tanong naman ni karyl sa kuya nya.

"Same question!" Sabay-sabay na sabi nila kaya natawa ako. Pero agad rin akong natigil dahil ansasama nila makatingin.

"Huwag kang tatawa tawa dyan kasey ah! Ako ang best friend mo dito pero bakit wala manlang akong kaalam-alam?! Nakakapagtampo!" Nangongonsyensyang sabi ni Nicole.

Ano ba dapat kong sabihin? E hindi naman namin napaghandaan ito ni ken.

"Ayaw kasi ni kasey na ipa-alam sainyong lahat, kaya ayon. Niligawan ko sya ng palihim, nag de-date kami ng palihim."

At ako pa talaga ang ginawa nyang dahilan ah!? Bat di nalang nya sabihing pretend lang tong ginagawa namin!

Nakarating na kami sa room at naliwanagan narin ang mga kaibigan namin kung paano naging kami.

Hays! Naliwanagan sila sa madilim na kasinungalingan nitong kumag na'to!

Pagka-pasok na pagka-pasok namin sa room ay andami na agad ang nakatingin sa amin, ang iba pa'y nagbubulungan at pagkatapos titingin samin na alam na alam mo talagang kami ang pinag-uusapan.

"OMG girl! Totoo nga!" Chismosa number 1

"Paano ba yan hailey?! Taken na si ken HAHAHAHA!" Chismosa number 2

"Bagay sila!!!" Chismosa number 3

"Told ya! Narinig ko si ken kanina, tinawag nyang 'baby' si kasey! Like o-m-g! Nakakakilig!" Chismosa number 4

"Sana all!" Hopeless number 1

"Nakakainggit! Sana ako rin magkajowa na!" Hopeless number 2

"Walang forever!" Bitter number 1

Bilis naman ata kumalat ng balita?

Hindi ko nalang sila pinansin at mabilis akong kumawala sa pagkaka-akbay ni ken para makapunta na sa aking upuan.

=×=×=×=×=×=
Finally! Like what I've said babasahin ko ulit ito and ayun nga tapos ko ng basahin at sobrang daming typo at grammatical errors HAHAHAHAHA! Saka ko na ie-edit, tatapusin ko muna.

Sana lang at may nagbabasa pa nito hehe sorry guys kung sobrang natagalan.

Vote and comment is highly appreciated guys! Follow me for more updates!

Vote•Comment

My Slave is my Fiancée?!Where stories live. Discover now