MSIMF 20

26 1 0
                                    

Kasey's POV

Nagulat ako nang biglang umupo rin si ken sa tabi ko. Tinignan ko sya at tinaasan ng kilay.

Aba! Tinaasan din ako ng kilay!

"Why are you sitting there?" Mariin at pabulong kong tanong. Nakaupo kasi sya sa upuan ni zeidon.

"You're my girlfriend now." Tamad nitong sagot.

"And so?" Mas itinaas ko pa ang kilay ko.

"We're pretending here miss, paano sila maniniwala kung sa likod ako uupo diba?" Sagot nya at tinitigan pa'ko na parang sinasabihan ako ng mga mata nyang 'stupid'

Inirapan ko nalang sya. Nakakainis! Para saan ba kasi tong pagpre-pretend namin!?

I'll ask him later about this sh*t.

*Bell rang*

It's break time!

Mabilis akong tumayo at tatakasan ko sana ulit sya kaya lang ay mas mabilis sya dahil nahablot nya agad ang bewang ko.

Nagtitili ang mga kaklase namin at syempre nangunguna dyan sila karyl at nicole.

Napahinga nalang ako ng malalim, kailangan kong magtimpi dahil kapag di ko nanaman mapigilan ang sarili ko ay dadami lalo ang atraso ko dito at abusuhin nanaman ako!

"Can I have her alone?" Tanong nya kila nicole.

Napairap ako sakanila dahil ambibilis nila tumango, hays! Talagang gustong gusto nila si ken para sakin, ano bang espesyal sakanya?

Si shin pa rin! Walang makakatalo sakanya sa puso ko! Kahit galit ako sakanya mahal ko pa rin sya. Hays sobrang unfair ng mundo talaga.

"Let's go baby" inirapan ko nalang sya at nanguna na sa paglalakad pero gaya nga ng sabi ko, mas mabilis sya sakin kaya nahablot nya agad ang kamay ko.

Kahit sobrang bilis ng tibok ng puso ko naiinis pa rin ako! Naiinis ako sa sarili ko! Kasi feeling ko kumakagat ako dito sa patibong nya. Feeling ko nagtataksil ako kay shin.

Kahit wala namang 'kami' kasi mga bata palang naman kami noon. I still love him, but I don't know if our feelings are mutual. Pero kasi sabi nya noon hintayin ko sya e.

"Hey! You okay?" Nag-aalalang tanong ni ken.

Napatingin ako sakanya, naka-kunot ang kanyang noo kaya naman napatingin na ako sa paligid ko— andito na pala kami sa private room nila. Diko manlang napansin.

My Slave is my Fiancée?!Where stories live. Discover now