-Riri's POV-
Eight o'clock. Yan ang oras sabi ng relo ko. Opo. Nagsasalita siya. HAHA. Joke lang. Yun ang nakalagay dun sa orasan kaya yun ang sabi niya...okay?
Bumangon ako at bumaba para maligo. Wala kasing kanya-kanyang banyo ang mga kwarto dito. Meron lang na dalawa...sa baba tsaka dito sa taas. Pero sa baba ako naliligo...bakit ba?Maarte ako eh. Hindi naman marumi ang cr dito sa taas. Okay naman siya pero mas bet ko yung nasa baba eh.
Nagfe-feeling prinsesa kasi ako tuwing bumababa ng hagdan. Oo. Feeling lang. Yung tipong bababa ka ng dahan-dahan tapos kunyare may naghihintay sayo sa baba na prinsipe. Siya yung magiging kasayaw mo. Tapos habang nagsasayaw kayo...magtititigan kayo sa mata ng isa't-isa at unti-unting uusbong ang kakaibang damdamin mula sa inyong mga puso.
Magkakalapit ang inyong mga mukha. Dahan-dahan...........dahan-dahan lang. At inyong ipipikit ang inyong mata habang dinadama ang tamis ng bawat sandaling lumilipas. Magkakalapit ang inyong mga labi hanggang sa.....asksusjdndud!!!!
"Aray ko pooooo!!!"
Shutaaaams! Nadulas ako sa hagdan!Diretso yung pwet ko sa sahig! Ay sorry, diretso lang pala kasi 'ala naman akong pwet. Pero...sige na nga! Balakang nalang.
"Oh anong nagyari!?"
Dali-dali akong tinulungan ni Tita Beth na tumayo galing pa yata siya sa kusina. Buti nalang siya lang ang nakakita.Huhu.
"Tulog pa 'ata yan Ma. Mukhang nananaginip ng gising eh.Hahaha!"
Abaaaaa...teka muna!Sinong?.......Hooooy! Halaaa! Sino itong guwapong nilalang na ito? Siya na na ba ang magiging icing sa ibabaw ng cupcake ko? O siya yung magiging soldier ko coz love is war? O di kaya naman siya yung magiging bakla ko...na sa tuwing kinikilig siya ay sasabihin niya na hinahabol siya ng mga puso!
"Psst.Red! Wag ka ngang ganyan! Kita mo namang natumba na yung tao...tinatawanan mo pa. Inuna mo pa talagang maging masaya kesa sa patayuin si Riri," saway ni Tita Beth dun sa 'prinsipe' ko.
"Sorry Ma. Di ko lang talaga napigilan. Pfft," pigil ang tawa niyang saad sabay tingin sakin.
Ah...so mama niya pala si----nsxjjdjdjxhjd!? Siya yung anak ni Tita Beth? Yung sinasabi ni Tita na anak niyang nagbabakasyon sa Bacolod na wala ng jowa kasi nagbreak na sila!?
Oh diba...galing ko noh? Saulado yan sizt. Basta 'mensu' gumagana lahat ng brain cells ko sa utak. Ay mali. Brain cells lang pala kasi wala naman akong utak. HEHE.
"Oh ano hija? Okay ka lang ba?" mukhang nag-alala talaga si Tita Beth sakin.
Sino ba naman kasi ang hindi mag-aalala pag nakita akong nakasalampak dito sa sahig dahil sa nahulog sa maling ta---ay este...hagdan. Nahulog sa hagdan. Yun kasi yun.
"Masakit po pwet ko Tita. Huhu."
"Pfffft," pigil ng tawa sa sarili ni Red.
"Oh? Ano ang gina ngisi-ngisi mo da?Padayaw mo gid dimple mo abi mo ikaw lang may-ara? May ara man ko na!"
("Oh? Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Pa flex mo pa yang dimple mo akala mo ikaw lang? Meron din ako niyan!")"Sakit kuno ang buli...wala ka lang gid buli."
("Masakit daw ang pwet...wala ka namang pwet.") aaaay iba deen! Mapanaket 'to ah!"Dzuh! Teh kung waay ko karon buli diin ma gwa tae ko? Bobo lang?"
("Dzuh! Eh kung wala akong pwet san lalabas yung tae ko? Bobo ka ba?")"Baba mo eh."
("Bibig mo.")"Deputa kaaa!"
("Puta kaaa!") sigaw ko sa kaniya sabay raise ng middle finger.
YOU ARE READING
Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]
Teen Fiction"Masami nga sa ti-on nga ikaw ang maga-palangga...madamo sang mga butang nga naga upang. Kung kaisa...naga-abot sa punto nga daw gusto mo nalang mag-ampo. Apang...kung imo matuod-tuod nga gina palangga ang isa ka tawo...tanan kayanun mo. Asta imo na...