-Riri's POV-
Tiningala ko ang mataas na building ng 'Asily University'. Mga nasa 12 palapag ang unibersidad na ito. Malawak din ang nasasakupan. Katabi lang ng highway kaya marami-rami na rin ang mga estudyanteng nagsisipasukan sa AU para magpa-enroll. For sure marami talaga ang mapapa-enroll ngayon kasi first day eh.
Kahit ako naman ang papipiliin. Mas maganda kung unang araw pa lang na-accomplish ko na agad lahat ng mga ipapagawa at mga mapa-pass ang mga requirements para kung saka-sakali man ay wala na akong po-problemahin.
"Oh? Ano pang hinihintay mo diyan?Siyam-siyam? Halika na para matapos na agad tayo," untag sakin ni Red.
"Hoy! First of all...at una sa lahat...paki mo kung gusto ko tumambay dito sa gate? Di mauna ka! Sinabi ko bang hintayin mo ko? At panghuli and last...'walang tayo'," nakapameywang kong sermon sa kaniya. Nakaka-imbyerna kasi eh. Atat na atat lang?
"HAHA. Ibang klase ka talaga. Ang sungit mo talaga. Pangit na nga...lampa pa...sungit pa! Aba nung umulan yata ng kamalasan lahat sinalo mo!"
"Hayst! Manahimik ka nga! Tsaka pano ko sasaluhin? Kung ako nga yung nagsu-supply dun sa langit? Nahiya naman kasi ako eh baka maubusan ng stock kaya I volunteer myself," sabi ko sabay fliphair.
"Psh. Kung ayaw mo di wag. Papasok na ko. Kesa naman sa makikipag-bangayan ako sayo dito. Baka mamaya isipin pa nila pumapatol ako sa baliw," tsaka siya tumalikod at pumasok sa university.
"Abaaa! Pambihira ka talaga! Argh!" napapadyak pako sa inis.
"Sino yan? Nabaliw na 'ata."
"Bakit yan andito? Sabihan natin ang guard na paalisin siya. Baka manggulo yan!"
"Oo nga. Tara, tara!"Napalingon ako sa mga chismosang-kapitbahay-from-home na nag-uusap habang nakatingin sakin. Kala mo naman magaganda! Eh mukha kayong mga pwet ng kaldero sizt! Wag niyo kong sisimulan! Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na ko sa school.
"Muraaaaaaaaat!" sigaw ng kung sino.
Napalingon ako at tiningnan kung sino ang tumawag sakin. Mula sa malayo ay tanaw ko ang pulubing tumatakbo palalapit sa akin. Manghihingi 'ata ng lima. Oo...lima. Sosyal kasi mga pulubi samin dito. Di tumatanggap ng piso. Mapipili psh.
"Murat! I miss you!" tsaka ako niyakap ng mahigpit ng pulubi. Taray may pa yakap. Sige...dahil diyan, dadagdagan ko.Sais na ang ibibigay ko. Opo. Piso lang ang idadagdag ko. Bakit ba?...Eh wala na 'kong pera eh.
"Uyy...murat? Anyare sayo? Di mo ba ako na miss? Ayy...ano ba yan? May pa NBS pa naman sana ako kaso parang ayaw-------" sabi niya sabay kalas ng yakap sakin.
"Muraaaaaat! Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang? Juskoooo antagal nating di nagkita...na miss kita sobra!Sobrang lungkot nung mga panahon na di kita nakasama. Ano? Kamusta ka na?" sunod-sunod kong sabi.
"Wow. Di naman masyadong halata na libro lang ang dahilan kaya mo 'ko na miss niyan," parang nagtatampo niyang sabi.Sabay cross arm.
"HAHA! Ano ka ba naman murat...binibiro ka lang eh. Syempre namiss kita sobra! Buwan din tayong di nagkita!" sabi ko sabay yakap sa kaniya ng mahigpit na mahigpit yung tipong halos mawalan na siya ng hangin para ramdam ang pagka-miss!Ganern!
"Eh kung padaanin niyo kaya kami ano?Ba't di nalang kayo pumasok at dun sa loob magyakapan? Dito pa kayo nag-PDA," napalingon kami sa babaeng nagsalita sa likod namin ni Hana.
Dun lang din namin napansin ang mga masasamang tingin ng mga estudyante samin. Ay shutaaaams! Kanina pa para kami nakaharang dito sa gate! Pambihira talaga oh!
YOU ARE READING
Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]
Fiksi Remaja"Masami nga sa ti-on nga ikaw ang maga-palangga...madamo sang mga butang nga naga upang. Kung kaisa...naga-abot sa punto nga daw gusto mo nalang mag-ampo. Apang...kung imo matuod-tuod nga gina palangga ang isa ka tawo...tanan kayanun mo. Asta imo na...