-Riri's POV-
Mabilis na lumipas ang mga araw. Parang kailan lang nung nagsimula ang school year. Pero ngayon second sem na namin. Pahirapang maiusad ang mga nakalipas na araw. Ang daming mga projects at requirements na kinakailangang maipasa. Meron pang mga thesis na tatapusin. Naranasan din naming magsunog ng kilay para makapaghanda tuwing sasapit ang exam.
Minsan dito si Hana natutulog sa kwarto ko at sabay kaming tatlo nina Red na mag-aaral para masiguradong makakakuha kami ng matataas na scores sa exam. Madalas kaming puyat at walang tulog dahil marami kaming hinahabol na deadlines. Hindi kasi uso ang salitang 'pakiusap o extension' sa mga professors namin.
Palibhasa...college na. Mas mataas ang mga expectations sa amin unlike noong high school na pwedeng pumasa...pwede ding hindi. Depende na sa studyante kung gusto niya bang pumasa o hahayaan nalang na bumagsak.
"Haaaaaay! Nakahinga din tayo!Huhu...super stress na talaga ako these last few days. Buti nalang tapos na ang exams natin," sabi ni Hana sabay higa sa kama ko.
Oo...andito ulit siya. Kagagaling lang din namin sa school. Napagdesisyunan niyang dito na muna matulog kasi pa-planuhan daw namin ang magiging outing namin this weekend.
"Mamaya na tayo mag-usap pagkatapos ng hapunan para gumana yung brain cells natin. Ang bobo ko pa naman pag gutom ako," sabi ni Hana sabay hug sa unan ko.
"Psh. Baka nakakalimutan mo? Wala kang brain cells...at isa pa...kahit busog ka...bobo ka talaga," sabi ko kay Hana sabay hubad ng uniform ko. Psh. Ang init I need to freshen up.
"Gaga ka talaga kahit kailan!" binato niya sakin ang unang hawak niya.
"Ah...gaga pala haaaa!" binato ko ulit sa kaniya ang unan at dinumog siya sa kama. Nag-wrestling kaming dalawa habang naghahampasan ng unan.
Na-miss ko 'to. Noong high school pa lang kaming dalawa...madalas namin 'tong ginagawa. Kaso sabi nga nila pagtumuntong ka ng college...mag-iiba at mag-iiba talaga ang takbo ng buhay mo. Di na magiging tulad ng dati mong nakasayan. Ibang klaseng pakikibaka na ang haharapin mo at kailangan mong maging matatag. Bawal sa college life ang mahina dahil tiyak mapag-iiwanan ka ng lahat kung sakali.
"Hooy! Ano iyan? Ha? Ano iyan? Kayo-kayo lang? Sali ako!" sigaw ni Red sabay sampa sa kama ko at pinaghahampas din kami ng unan ni Hana.
Nahulog pa ako sa kama! Punyeta 'to!Ang sakit ng pwet ko dun ah...diretsong bagsak na naman kasi sa sahig. Punyeta 'tong si Red. Kita namang maliit lang ang kama ko nakisali pa. Nahulog tuloy ako dahil hindi kami nagkasiya!
"Hahaha! Anong ginagawa mo diyan Riri? Nagyo-yoga ka ba diyan? Hahaha!" tawang-tawa pa ang tarantado! Ni hindi man lang muna ako tinulungan na tumayo! Ang sakit ng balakang ko. Huhu.
"Hahahaha! Etong sayo Red!" sigaw ni Hana sabay hampas ng unan kay Red. Nasapol si Red sa mukha kasi hindi siya nakapaghanda sa atakeng yun ni Hana. Napahiga siya sa kama kaya dali-dali akong tumayo habang hawak-hawak ang sumasakit ko pang balakang at pinaghahampas si Red.
Pinagtulungan siya namin ni Hana. Di naman siya makabawi kasi puro lang siya depensa sa mukha niya. Di na siya makabawi dahil dehado siya masyado.
"Hahahaha! Tama naaa! Suko na koooo!"
"HAHAHA! Bahala ka diyan! Tanggapin mo 'to!" sigaw ni Hana sabay taklob kay Red ng kumot.
Nagkatinginan kaming dalawa at napangisi. Hahaha. Humanda ka ngayon Reeed! Hinawakan ko sa kabilang dulo ang kumot. Si Hana naman sa kabilang dulo at binalot namin si Red. Nagpupumiglas siya kasi di siya makalabas sa trap namin. Hahaha.
YOU ARE READING
Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]
Teen Fiction"Masami nga sa ti-on nga ikaw ang maga-palangga...madamo sang mga butang nga naga upang. Kung kaisa...naga-abot sa punto nga daw gusto mo nalang mag-ampo. Apang...kung imo matuod-tuod nga gina palangga ang isa ka tawo...tanan kayanun mo. Asta imo na...