-KATORSE-

0 0 0
                                    

-Riri's POV-

Papunta na kami ngayon sa Hawaiian. Doon namin napagdesisyunan na mag-outing. Tatlo lang naman kami nina Hana at Red. Ihahatid lang kami ng papa ni Hana dun at susunduin rin kami bukas ng hapon. Hindi kami pwedeng magtagal dun kasi may pasok pa kami sa monday.

Nasa front seat si Hana habang si Tita Alan naman ang nagd-drive(papa ni Hana). Samantalang andito naman kami ni Red sa back seat. Kanina pa niya ako hindi iniimik. Nanunuyo na laway ko dito. Nahihiya naman akong magsimula ng topic kasi baka galit pa siya sakin.

Kaninang umaga...si Hana ang nagkipag-usap sa kaniya tungkol sa plano namin sa araw na 'to. Ang awkward  pa rin kasing humarap sa kaniya. Gustuhin ko mang mag-sorry...kaso mukhang ayaw niya naman akong maka-usap.

Kanina rin sa almusal ang tahimik niya. Nagtaka din sa Tita Beth kung bakit daw hindi niya ako kinukulit. Nasanay na 'ata si Tita Beth na lagi kaming nagbabangayan ni Red tuwing kakain. Hindi naman siya nagsalita ni nag-explain sa halip ay umalis siya sa hapag kahit pa na hindi pa siya tapos na kumain. Tinanong siya ni Tita Beth pero sabi niya...busog na raw siya.

Nalulungkot ako...kahapon kasi...okay naman kami. Tapos bigla-biglang nagkaganito. Ang saya na namin kahapon eh. Kaso nga lang...sabi nga nila...pag nasobrahan ang saya...expect mo na may bawi talaga yun kalaunan.

"Riri?"  napalingon ako kay Hana.

"Yes?" 

"Sabi ni papa...dadaan raw muna tayo sa isang medical mission kasi bibisitahin niya yung kaibigan niyang doktor dun."

"Ah ganun ba? Oh sige...okay lang naman sakin,"  sagot ko.

Binalingan ko si Red. Gusto ko siyang tanungin kaso nahihiya talaga ako. Hayst! Ano ba naman 'to? Bakit ko pa ba kasi sinabi yun kagabi? Pero kasi...di ko naman alam na mapipikon pala siya.

"Uhm...Red? O-okay lang ba sayo?"  bakit ba 'ko nauutal? Mas lalo tuloy akong nahiya.

"Hm,"  sagot niya. Ni hindi man lang siya lumingon sakin bago siya sumagot. Patuloy lang siyang nakatingin sa labas ng bintana.

Umaayos nalang ako ng upo at umusog ng konti palayo sa kaniya. Nasu-suffocate kasi ako tabi niya. Parang di ako makahinga. Tiningnan ko ang mga tanawing nadadaanan namin. Maganda ang Hawaiian. Maraming mga puno. Malayo nga lang. Pero sulit naman.

Matagal ang naging biyahe namin bago kami umabot sa Main City. Itinigil ni Tito Alan ang kotse sa isang covered court. Nakita kong maraming tao sa loob.May mga matatanda na akay-akay ng kanilang mga anak o di kaya-y apo. May mga nanay na dala ang kanilang mga sanggol. At mga bata na umiiyak...baka natatakot magpabunot ng ngipin.

Bumaba sina Hana at Tito Alan kaya bumaba na rin ako...huling bumaba si Red. Di niya pa rin ako pinansin. Naglakad na sina Hana. Tatawagin ko sana si Red para kausapin kaso mukhang sinadya niyang bilisan ang lakad at sumunod kina Hana para di ko siya maabutan. Napahinga nalang ako ng malalim. Mamaya na nga.

"Mamaaaa! Ayoko po! Maawa na po kayoooo!"  napalingon ako dun sa batang umiiyak at nagmamaka-awa sa mama niya.

Naka-upo na siya sa lupa. Umiiyak siya ng malakas kaya pati uhog niya tumutulo na. Pinipilit siyang patayu-in ng mama niya.

"Halika ka na! Huwag ka ng mag-inarte diyan! Sinasaway kita noon na huwag kang kakain ng maraming kendi dahil masisira ang ngipin mo pero di ka nakinig! Kaya hala! Halika na ipabunot na natin yan baka pa mabulok!"  mukhang nawawalan na rin ng pasensya ang mama niya sa kaniya.

"Uhm...Ta? Ano ang problema?"
("Uhm...Tita? Ano pong problema?")

"Aysus day! Ari ho! Ga-inarte! Ipabunot ni tani namon ang unto ya kay guba na. Kay man ka tig-a sang ulo! Gina hambalan na gid nga indi sagay kaon dulsi pero makaon gid! Kundi siya man ga antus sang kasakit subong!"
(Ay naku hija! Eto nag-iinarte! Balak sana naming ipabunot ang ngipin niya kasi nga sira na. Kasi naman ang tigas ng ulo!Sinbihan ng huwag kain ng kain ng mga kendi pero di nakinig! Sa ngayon siya rin ang nagdudusa sa sakit ng ngipin niya!)

Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]Where stories live. Discover now