-KINSE-

0 0 0
                                    

-Kyo's POV-

"Kuya? Who's that girl earlier?"  nags-snacks kami ngayon ni RJ hindi pa tapos ang medical mission pero nagpapahinga lang kami ng konti...babalik din naman kami agad dun para tumulong.

"Huh? Girl? Where?"

"Dzuh. I saw you. You're talking to a girl you two seems close,"  nakita niya pala.

"Ooow. Nevermind." 

"Is she your girlfriend? Hmm...not bad. You do have a good taste."

"Psshw!"  bigla akong nabilaukan. Dali-dali naman akong inabutan ni RJ ng tubig saka hinimas-himas ang likod ko.

"You okay? Here drink more." 

"No...no. I'm fine already. Thanks. Bakit ba kasi ganiyan ang mga tanong mo?"

"Why? What's wrong? I'm just curious. You have girlfriend na pala ni hindi mo man lang sinasabi sa akin,"  parang nagtatampo niyang sabi.

"Baby...she's not my girl. She's just uhm...ah...my...uhm...classmate. Yes!We're just classmates."

"Hmm...why is it that I'm feeling 'something' aside from being 'classmates"?  she asked brows furrowed emphasizing the words 'something' and 'classmates'.

"I don't know what you're talking about." 

"Don't me Kuya. I saw you earlier. You didn't just smile...you laugh! And that's not normal on you. You're only laughing or smiling when you're genuinely happy. Does it mean...?"

"Stop overthinking RJ. We're just classmates. That's all."

"Ooow. Okay. 'Just Classmates'."

"Lika na baka hinahanap na tayo nina mon and dad."

"Psh. Iwas,"  bulong niya.

"I hear you."

"Nawa'y lahat,"  sagot niya tsaka kami sabay na naglakad pabalik sa mga tents.



-----------------------------------------------------------------

-Riri's POV-

"Wooooow! Ang gandaaaa!"  dali-dali akong bumaba ng sasakyan.

Ang ganda dito! Ang peaceful. Sa isang highland resort kami pumunta. Napapalibutan ng maraming puno ang paligid. Mayroong mga maliliit na villas para sa mga mago-overnight. Meron ding mga cottages para naman sa mago-outing dito ng buong araw lang. Meron ding pool sa itaas na banda at meron ding sa ibabang banda. Malawak ang pool sa itaas tantiya ko ay nasa six feet 'ata ang lalim nun. Yung sa ibabang pool naman ay dalawa. Isang pambata at isang pang-matanda na nasa five feet ang lalim. Meron ding hot spring dun sa kabilang bahagi.

May pa rides naman sila pero zipline lang. Ang fresh din ng hangin. Ang sarap manatili dito. Yung tipong stress-reliever talaga siya. Natatahimik ang kaluluwa mo pag nandito ka.

"Ano? Nagustuhan niyo ba?"  hindi ko namalayan na nakasunod na pala si Hana sa tabi ko.

"Syempree! Super ganda murat! Ang galing ng taste mo!"  sagot ko.Totoo naman kasi. Eto talaga yung tamang lugar para makapag-relax.

"Ikaw Red? Do you like it?"  napalingon ako kay Red ng tinanong siya ni Hana. Tiningnan niya ako.

"Oo. Maganda,"  sagot niya sabay-iwas ng tingin. Magmula sa city kanina hanggang dito di niya ako pinapansin. Kami lang ni Hana ang nagchi-chika. Nakahilig siya sa upuan pero mukhang di naman siya natutulog. Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit hindi niya ako iniimik simula pa kanina pag-alis namin.

Ikaw Lang Ang Palangga-on (Will Only Love You) [On-going]Where stories live. Discover now